ELLE
"What are you saying, Babae?" Vanessa asked in confusion. "Don't tell me you're affected because of that nightmare?" She added. I sighed.
"Hindi din naman natin masisisi si Bakla, Babae. Kahit ako naman siguro, ganyan din ako kaaligaga ngayon." Patty said while sipping his cup of coffee.
Nasa may poolside kami. Nagpaalam saglit si Kyle saakin dahil may aasikasuhin lamang daw siya.
"Well, siguro nga ganyan ka ngayon or mas worst pa pero asa naman bakla ano!" Napatigil sa paginom ng kape niya si Patty at tinignan ng mataray si Vanessa. "So anong gusto mong sabihin ngayon bakla ah?! Baka nakakalimutan mong akin dapat yung bouquet na yun! Peste ka!" Patty exclaimed. Vanessa just laughed at him.
"Sorry not sorry bakla pero nangyari na eh. Move on ka na lang at saka pwede ba, hindi yan ang issue. Itong kay babae ang issue natin ngayon!" And with that, they stared at me.
"So ano ng gagawin mo ngayon? I mean, hindi naman pwedeng magpapaapekto ka nang dahil lang dyan diba?" Patty asked. I nodded.
"Siguro nga tama kayo. Baka nagpapakapraning lang ako dahil lang doon sa napanaginipan ko. Sa ngayon ang intindihin ko na lang ay ang pagbubuntis ko.." I said. "Tama yan babae. Kesa mastress ka, dapat magenjoy tayo ngayon. Aba, dapat sulitin natin tong break na binigay saatin noh! Nakakastress kaya sa work!" Patty added.
"Oo na bakla. Hindi mo na dapat pang sumigaw. Hindi pa rin nagbabago yang boses mo pambihira!" Reklamo ni Vanessa sa kanya. Inirapan naman siya nito. "Shut up bakla. Ganito na talaga ako ever since the world began." Sabi ni Patty.. Napailing na lang ako sa dalawang to.
Tumayo ako upang magcr sana. "Where are you going?" Patty asked. "CR lang. Balik lang ako. You can order what you want. It's on me na." Tumango naman sila at naglakad na ako papuntang CR.
Pumasok agad ako sa CR pagkarating ko doon.
After kong magCR, ay naghugas ako ng kamay. Nakapagtataka lang na medyo natagalan si Kyle sa inaasikaso niya though ang sabi niya ay saglit lamang daw siya.
Lumabas na ako ng CR nang hindi sinasadyang makarinig ako ng isang familiar na boses..
"Yeah, I'm working on it na.." Rinig kong sabi ng isang pamilyar na boses though mahina siya ngunit naririnig ko naman kahit papaano. Lumapit pa ako ng slight sa boses na pinanggagalingan nito.
"What?! What are you saying?! Of course! Don't worry, I'll fix it up soon." Nasa likod ako ng isang pader at alam ko sa oras na haharap ako, makikita ko na kung sino tong taong to. Klaro na din ang boses niya.
"I'm hanging up then. I have to go. Bye." After niyang magsalita, ay nakarinig ako ng isang footsteps dahilan para mataranta ako sa pwestong kinaroroonan ko.
Aalis na sana ako nang makasalubong ko siya nang hindi inaasahan..