KYLE
"Sir Kyle here's your orders po." Rinig kong sabi ni Ms. Mich saakin. Kinuha ko naman ito at ngumiti sa kanya.
"Thank you, Ms. Mich" Pagkatapos ay umalis na siya.
Nilagay ko sa bulsa ang cellphone at ang susi ng room ko.. Pagkatapos ay nagtungo na sa room ni Sir Joseph.
Kumatok ako nang tatlong beses, at di nagtagal narinig ko ang kanyang boses.
"PASOK." Sabi niya. Binuksan ko naman ang pinto ng room niya tsaka pumasok..
"Good morning, Sir Joseph." Bati ko sa kanya. Napansin kong may hinahawakan siya..
"Ano po yang hinahawakan niyo?" Tanong ko sa kanya sabay lapag ng tray sa mesa niya.
"Canvas." Simpleng pagtugon niya saakin.
"Canvas? Hindi po ba para sa paintings po yan? Gagawa po kayo ng bagong painting?" Excited kong sabi sa kanya. Tinignan naman niya ako.
"Marunong ka bang magpaint" Tanong niya saakin. Tumango ako sa kanya
"Opo, marunong po ako. Bata pa lang ako, lagi na akong nananalo sa mga contest na involve ang paintings, sketches at ano pa.." Proud kong sabi sa kanya. Tumingin naman siya saakin at tumango-tango pa..
"Teka, hindi po ba canvas yan? Anong gagawin niyo po diyan?" Muling tanong ko sa kanya.
"Gagawa ako ng panibagong painting.." Sabi niya.
"Ahh, tungkol saan naman po ang bago niyong painting?" Tanong ko sa kanya. Hindi siya sumagot sa tanong ko.
Napatingin naman ako doon sa painting at sa cross-stitch na nakadikit sa dingding ng room niya.
"Ano pong kwento nang painting at cross-stitch niyong yan, Sir Joseph?" Tanong ko sa kanya.
Bumuntong hininga siya bago sumagot sa tanong ko..
"Ang painting na yan ay ginawa ko magmula nung nalaman kong nagdadalang-tao ang mahal ko.. Masayang-masaya ako dahil may nabuo sa aming pagmamahalan, pero.." Bahagyang nalungkot ang kanyang mukha habang ikini-kwento niya saakin ang kwento ng kanyang painting.
"Okay lang po saakin na hindi niyo ituloy ang kwento, Sir Joseph. Maiintindihan ko naman po yun eh.." Sabi ko sa kanya.
"Marahil ay napapansin mong may kulay abo or itim ang nakapaligid sa mag-inang yan sa painting, hindi yan basta-basta trip lang na ginawa ko, may kahulugan yan.. " Sabi niya. Lalo naman akong naging interesadong malaman kung ano yun.
"Ang kulay abo na yan ay sumisimbolo ng kalungkutan at paghihinagpis na nararamdaman ng inang yan na nasa painting." Naguluhan naman ako sa sinabi niya
"Teka, ano pong ibig sabihin nun?" Tanong ko naman sa kanya.
"Kahit anong pilit at kagustuhan kong makasama ang mag-iina ko, hindi ko magawa. Maraming may tutol sa relasyon naming dalawa, maraming ayaw na maging kami, maraming humahadlang sa pag-iibigan namin, at isang araw..." Bahagyang tumigil sa pagsasalita si Sir Joseph dahil parang may pumatak na luha sa kanyang mga mata..
"Isang araw, nilapitan siya ng tatay ng babaeng mahal niya upang suholan siya nang malaking salapi kapalit nun ay ang tuluyang pag-iwas niya sa babaeng mahal na mahal niya.. Noong araw rin yun, nalaman ko na may malalang sakit ang tatay ko at kailangang niyang maoperahan agad para humaba pa ang kanyang buhay so I left out of choice but to take the offer.." Nalungkot naman ako sa kwento ni Sir Joseph. Parang... parang buhay ko ngayon.
Lahat umiikot dahil sa pera..
It is the money who runs the world..
"Tinanggap ko ang alok niyang malaking salapi at kapalit nun ay hihiwalayan ko na ang babaeng mahal na mahal ko, wala eh. Kahit sobrang hirap na hiwalayan ko ang babaeng mahal ko, ay tiniis ko for as long as mabubuhay lang ang tatay ko.. Nalaman ko rin na nakatakda na palang ikasal ang babaeng mahal ko sa iba, sa mayaman. Naisip ko, sino nga ba naman ako hindi ba? Isang hamak na dukha na nagmahal ng isang ginto't pilak na dilag.." Bumuntong hininga si Sir Joseph habang tinutuloy niya ang kwento.
"I was forced to do something na hinding-hindi ko gugustuhing gawin sa kanya, ang kunwaring magtaksil. I paid someone to accompany me for as long na tuluyan na akong kamuhian ng babaeng mahal ko, parang dinudurog ang puso ko sa tuwing nakikita kong nasasaktan ko siya, na umiiyak siya dahil saakin..." Biglang pumikit si Sir Joseph tsaka siya muling nagsalita.
"Hindi ko alam kung nananadya ba o ano, pero pinadalhan pa talaga ako ng invitation ng kanyang tatay para sa kanyang engagement party, nung una nagdadalawang isip pa ako kung pupunta ba ako o hindi, pero para tuluyan nang matapos ang lahat ng meron kami, I decided to go, to attend her engagement party." Bumuntong hininga muli si Sir Joseph habang pilit na pinipigilan ang kanyang pag-iyak..
"Akala ko wala nang mas sasakit pa sa reyalidad na nakipaghiwalay ako sa kanya, pero mas masakit pala yung pinapanood mo siyang ikakasal sa iba.. Ang hirap, ang sakit.. Muntik na siyang makunan dati nung nakita niya akong hinalikan ang babaeng binayaran ko para magpanggap na kami.. Doon ay natakot ako.". Yumu-yugyog na ang kanyang balikat kaya I tapped him on his shoulders to give atleast comfort to him.
"Natakot ako na pati ang magiging anak namin ay mawawala pa sa kanya, kaya nagdasal ako. Na sana... Na sana, huwag niya nang kukunin pati yung magiging anak namin.. Tatanggapin ko na hanggang doon na lang talaga kami, pero sana huwag na pati yung anak namin. Taimtim talaga akong nagdadasal dati, hanggang sa nalaman kong, ligtas na sila ng magiging anak namin.. I felt so relieved back then.." Nakangiting pilit niyang sabi saakin.
"Pero isang araw, pinadalhan pa rin ako ng wedding invitation na tatay niya. At first, nagdadalawang isip pa ako kung aattend ba ako o hindi, pero sadyang masokista talaga ako. I attended her wedding, there I saw the lady I loved. Wearing a wedding dress, doon narealized ko na mahal na mahal na mahal ko pa rin siya, at nung narinig kong nage-exchange of vows na sila, hanggang sa narinig ko yung hudyat na kasal na silang dalawa, para akong pinapatay sa sakit. Parang inooperahan ako na walang anesthesia, hindi ko mawari yung sakit. Ang sakit-sakit, na nakikita mong ikinakasal sa iba yung mahal mo... Gusto mong ipaglaban siya pero paano?" Hindi na napigilan ni Sir Joseph ang umiyak.
"Pero, bakit hindi niyo po siya pinaglaban? Bakit hinayaan niyo lang siyang mawala sayo? Sa buhay mo? Hindi po ba kung mahal mo ang isang tao, ipaglalaban mo siya, at handa mong harapin kung sino o ano pa man ang mamamagitan sa inyo? For as long as magkasama kayo.. Hindi po ba ganoon yun?" Tumingin saakin si Sir Joseph at ngumiti nang mapakla.
"Hindi sapat na mahal mo lang siya, kaagapay ng salitang pagmamahal yung pagsuko. At oo, tama ka, yung paglaban sa taong mahal mo.. Pero paano mo pa siya maipaglalaban kung una pa lang, tutol na sa inyo ang buong mundo? Paano mo pa siya mamahalin, kung pilit ka nang pinapalayo sa kanya? In what way mo kayang ipanalo ang laban?" Ramdam na ramdam ko yung sakit sa bawat bitaw ng salita ni Sir Joseph. Parang tugmang-tugma yung nararamdaman ko sa nakaraan niya..
"And oh, this cross-stitch, ginawa ko ito nung una kong nakita ang batang yun na may hawak-hawak na balloon sa isang park. Tuwang-tuwa ang batang yun, at doon naramdaman kong marahil tama ang naging desisyon ko. Na okay lang na nasa malayo ako for as long as nakikita ko siya, nakikita ko ang ANAK ko na kahit hindi niya ako kilala, ay masaya siya. At hanggang ngayon, nakikita ko pa rin siya, at masaya ako na lumaki siyang maayos at mabuting bata.." Napangiti si Sir Joseph sa sinabi niya at tumgin saakin.. Parang nakakaramdam ako ng pagkirot sa puso ko habang sinasabi niya yun..
"Tinatanong mo kung para saan ang canvas na to hindi ba?" Tumango ako sa katanungan niya..
"Well, gagawa ako ng panibagong painting, dahil after all these years, ay muli ko siyang nakita. Isang gwapo't mabuting anak sa kanyang mga magulang, at isang marespetong tao, na ginagalang at marunong makisama sa nakakasalamuha niyang estranghero.." Sabay tingin niya ulit saakin and he smiled with full of sincerity at me..
Parang bigla akong nakaramdam ng kasiyahan sa loob ko..
Isang kakulangan na matagal ko nang gustong punan..
At isang suliranin na gusto ko nang mahanapan ng solusyon..
With his smile, I suddenly felt comfort and safetied..