ดาวน์โหลดแอป
30.55% Army of True Salvation (TagLish) / Chapter 64: Katana

บท 64: Katana

>Sheloah's POV<

Nandito ako sa garden ng hotel at nakikita ko yung mga classmates ko na nakikipag usap sa Weapons of Massive Destruction. Buti naman at hindi sila nag aaway. Naging allies na sila at ngayon, nakikipag kaibigan pa. Yung mga parents naman, nasa ilalim ng gazebo, nag re-relax. Kasama ko ngayon si Veon, Tyler at Josh. Nakaupo si Veon ngayon sa wheel chair, at tinutulak siya ni Tyler.

"Kailan pa tayo makakaalis dito," tanong ni Josh and I shrugged my shoulder.

"Ewan. Basta pag okay na si Veon, lahat na tayo aalis dito," sagot ko na lang sa tanong ni Josh at huminga nang malalim si Veon.

"Sorry. Dahil sa akin, natagalan tayo rito," Veon apologized and Tyler shook his head.

"Hindi mo kailangan humingi ng tawad, Veon. You deserve this rest. Ikaw ang reason kaya tayo nanalo. Kaya tayo makakalabas dito sa lugar na ito," sabi ni Tyler sa kanya and we all smiled at Veon.

Tiningnan ko ang orasan ko. 9:23AM na. "Pupunta lang ako sa waterfalls to catch some air. Mag usap muna kayo," sabi ko sa kanila at tiningnan ako ni Veon nang seryoso.

"Uy, Sheloah. 'Wag kang masyadong lumayo. Mamaya kung ano'ng aksidente ang mangyari sa'yo," concern na pagsabi ni Veon sa akin at inasar siya ni Tyler at Josh. Sumigaw sila ng "ayiee!" at napatawa na lang kami ni Veon.

"Babalik ako," sabi ko sa kanila at nagpaalam ako and I walked my way papunta sa waterfalls to catch my breath.

Kailangan ko ng alone time once in a while. Para maka-relax naman ako mag isa. I have been worrying myself too much over Veon. Konti na lang, mababaliw na ako. I need to take a break from all these happenings that are going around. Especially those unexpected ones.

Nakarating ako sa may watterfalls and then nakuha yung attention ko no'ng may naririnig akong clash sa may bandang gilid. I walked around tapos sa isang puno, nakita ko si Geof na nag te-training. Pero hindi baril yung ginagamit niya.

It was a katana.

Nakuha niya yung interes ko kaya pinanood ko siyang mag training. Sinuntok niya nang malakas yung puno at sinarado niya yung mga mata niya. No'ng nahulog yung mga dahon ng puno, tsaka niya binukas yung mga mata niya at hinati niya sa dalawa ang mga dahon na nalalaglag galing sa puno. Na-amaze ako sa kanya.

Ang bilis ng pagkagalaw niya. Ang accurate pa. Sa flexibility ng kanyang actions, pansin mo na walang dahon na buo ang nakaabot sa sahig. Lahat sila cut into half. Ang bilis ng kamay ni Geof at basta pag lilingon siya, puputulin na niya agad ang dahon. Akala ko makikita ko lang ito sa animes at games. 'Yon pala kaya rin itong gawin in reality. Nakakamangha talaga.

Napansin ni Geof na pinapanood ko siya kaya tumigil siya at tiningnan niya ako tsaka niya ako nginitian.

"Hi, Sheloah," bati niya sa akin and he took 3 steps forward pero hindi parin kami magkalapit.

Nginitian ko rin siya. "Hi, Geof. Sige, tuloy mo muna pag te-training mo. Sorry at naistorbo kita," I said and apologized to him politely but he grinned at me.

"Gusto mo bang maging close-ranged attacker," tanong niya sa akin and I tilted my head to the right and looked at him curiously.

"Close-ranged? Yung masyadong malapit sa kalaban pag umaatake," tanong ko and he nodded at me.

Tinatanong niya ako kung gusto kong maging close-ranged attacker. Kaso ang nakakatakot nga lang doon, paano kung malapit na ako sa zombie at bigla na akong makakagat? Unlike pag long-ranged ka na malayuan, mapapatay ko na yung zombies.

"I don't know. Kasi nakakatakot pag close-ranged ka. Paano kung makakagat ka agad ng zombie," sagot ko sa kanya at may dagdag tanong pa sa bandang huli at tumawa siya ng onti.

"Bakit ka naman matatakot? Eh, ang tapang mo," sabi niya sa akin at napatawa ako ng onti sa sinabi niya.

I shrugged my shoulders. "Ewan ko. I seem not to fit this kind of class," sabi ko na lang sa kanya at huminga siya nang malalim.

"Alam mo ba na kayo ni Veon ang nagsisilbing heroes," tanong ni Geof sa akin at nagtaka naman ako sa sinabi niya.

"Hindi ko masyado maintindihan ang sinasabi mo. Kanina tinatanong mo ako kung gusto kong maging close-ranged attacker, ngayon sinasabi mo na kami ni Veon ang nagsisilbing heroes? What do you mean?" Sinagot ko yung tanong niya ng isa pang tanong at kinamot niya yung likod ng ulo niya.

"Eh, ano nga ba ang hero para sa inyo," tanong ni Geof sa akin at tiningnan ko siya nang seryoso, ready to answer his question.

"Heroes are skilled people," sagot ko sa tanong niya and he just shook his head. He seemed not to be satisfied with my answer.

"Heroes are more than just skilled. They often have amazing advantages beyond the abilities of ordinary people. Advantages often allow heroes to break the rules, gaining access to and doing things most people cannot, or simply doing better," dagdag sabi pa niya sa sagot ko at tinaasan ko siya ng kilay. Hindi ko kasi siya masyadong maintindihan.

"So your point is," tanong ko at hinihintay ko yung sagot niya.

"Ang gusto ko lang ma-realize mo, Sheloah, ay kayo ni Veon ang nagsisilbing heroes sa iba. Alam niyong dalawa kung ano ang gagawin niyo sa susunod at may initiative kayo as leaders," sagot niya sa sinabi ko at nginitian niya ako.


ความคิดของผู้สร้าง
MysticAmy MysticAmy

Maagang release dahil ang isa diyan na silent reader nagde-demand. -_- @Lyze

Anyways, please rate my chapters, add my story to your library, leave a comment or a review, and send me power stones. Thanks in advance!

Thank you for reading my story!

Load failed, please RETRY

สถานะพลังงานรายสัปดาห์

Rank -- การจัดอันดับด้วยพลัง
Stone -- หินพลัง

ป้ายปลดล็อกตอน

สารบัญ

ตัวเลือกแสดง

พื้นหลัง

แบบอักษร

ขนาด

ความคิดเห็นต่อตอน

เขียนรีวิว สถานะการอ่าน: C64
ไม่สามารถโพสต์ได้ กรุณาลองใหม่อีกครั้ง
  • คุณภาพงานเขียน
  • ความเสถียรของการอัปเดต
  • การดำเนินเรื่อง
  • กาสร้างตัวละคร
  • พื้นหลังโลก

คะแนนรวม 0.0

รีวิวโพสต์สําเร็จ! อ่านรีวิวเพิ่มเติม
โหวตด้วย Power Stone
Rank NO.-- การจัดอันดับพลัง
Stone -- หินพลัง
รายงานเนื้อหาที่ไม่เหมาะสม
เคล็ดลับข้อผิดพลาด

รายงานการล่วงละเมิด

ความคิดเห็นย่อหน้า

เข้า สู่ ระบบ