ดาวน์โหลดแอป
37.73% Marrying The Vampire Prince / Chapter 20: Chapter 18 | A Fight For Love

บท 20: Chapter 18 | A Fight For Love

Chapter 18 | A Fight For Love

Marcus' POV

"Papunta na po ang napag-utusan ko para ipadala ang sulat sa prinsipe," magalang na sabi ng kanang kamay ko na si Raphael.

Napatango ako. "Mabuti kung gano'n. Siguraduhin n'yo lang na makakarating ang sulat na 'yon sa prinsipe at tanging siya lamang ang makakakita no'n. Hindi 'yon dapat mabasa ng kahit na sino mula sa kaharian. Lalo na ng magaling niyang ama. Dahil kakailanganin ko rin ang kapangyarihan niya para naman sa anak ko."

Hindi naman kasi nalalayo ang lakas ng kapangyarihan niya mula sa prinsesa. Kaya mas maigi na makuha ko rin 'yon para magkaroon naman siya ng silbi bago man lang ulit siya mamatay.

"Makakaasa po kayo. Alam na po nila ang dapat nilang gawin." Tumungo siya at akmang aalis na ng may bigla kong maalala.

"Nasaan nga pala si Dave? Kanina ko pa siya hindi nakikita. Bigla na lang siyang nawala ng hindi man lang nagpapaalam," may diin kong tanong habang mataman akong nakatingin sa kanya.

Muli siyang yumuko. "Ipagpaumanhin n'yo po. Pero hindi ko pa po siya nakita ulit magmula ng dumating tayo rito."

Napailing na lang ako. Kahit kailan talaga ay sakit sa ulo ang batang 'yon. Hindi ko tuloy maiwasang pagdudahan ang mga ikinikilos niya kung minsan.

Hindi naman siya tumututol sa mga plano ko. Pero alam kong hindi rin siya sang-ayon sa mga ito. 'Yon ang isang bagay na pinangangambahan ko. Dahil kahit anak ko siya ay hindi ko alam ang magagawa ko sa kanya sa oras na traydurin niya ko.

"Sige. Makakaalis ka na."

Nang makalabas siya ay tumayo naman ako mula sa 'king kinauupuan para matamang pagmasdan ang kalangitan. Halos katitigil lang ng malakas na hangin at ulan na alam kong siya ang may kagagawan.

Naikuyom ko ang kamao ko. Kung hindi dahil sa propesiyang 'yon sana ay hindi nawala sa 'kin ang babaeng mahal ko. Sana ay ako ang pinili niya at hindi ang lalaking 'yon!

Kami dapat ang mayroong buo at masayang pamilya ngayon. Pero hindi nangyari ang lahat ng 'yon nang dahil sa prinsipeng 'yon.

Hindi na dapat siya nabuhay pang muli. Panahon na para ibalik siya sa pinanggalingan niya. Kasama ang panibagong angkan na kinabibilangan niya.

At sisiguraduhin ko na sa pagkakataong 'to ay wala ng pureblood na matitira pa sa angkan ng mga bampira.

-----

Kyle Ethan's POV

Nakahinga ako nang maluwag nang sa wakas ay nagawa ko ring kontrolin ang emosyon at kapangyarihan ko. Tumigil na ang malakas na ihip ng hangin at ulan na ilang oras ding nagtagal.

Hindi na dapat maulit pa ang nangyaring pagwawala ko kanina. Dahil kitang-kita ko ang takot sa mukha at sa mga mata ni Miley no'ng mga oras na 'yon. Pati na rin sa iba pang royalties. Nang dahil do'n ay medyo nahimasmasan ako.

Pero hindi ko akalain na kahit kinimkim ko na lang ang galit ko ay kakawala at kakawala pa rin 'to sa ibang paraan.

Kailangan kong humingi ng pasensya sa kanila. Ayoko namang mag-iba ang tingin nila sa 'kin.

Tumayo na ko mula sa pagkakalugmok sa sahig at tinungo ang pinto. Kailangan ko rin talaga silang puntahan para makibalita kung may nakalap na ba silang bagong impormasyon sa kung saan maaaring dinala ni Marcus si Nicole. Kailangan na naming kumilos agad dahil alam kong kalaban din namin ang oras ngayon.

Pero kumunot ang noo ko nang maramdaman ang pamilyar na presensya ng protector ko mula sa labas ng pinto. Mabilis na binuksan ko ito at naabutang akmang kakatok na si Tito Jacob.

"Anong ginagawa mo rito? May lead na ba kung nasaan si Nicole?" malamig kong tanong sa kanya.

He looked down, then shook his head. "Prince Kyle, I just came here to give this. I saw it while we're having our rounds outside the portal."

Tinitigan ko ang papel na iniaabot niya sa 'kin. Nagsalubong ang kilay ko sa pagtataka nang mabasa ang pangalan ko sa ibabaw no'n.

"Hindi mo man lang ba nakita kung kanino galing 'to?"

Umiling siya. "Hindi po. Saka nakita ko na lang po 'yan na nahulog mula sa isa sa mga puno habang naglalakad ako. Nang mag-angat naman po ako ng tingin ay wala na kong nakita na kung sino mula sa itaas. Ipagpaumanhin n'yo po."

Mahina kong tinapik ang kanang balikat niya. "Sige. Ako ng bahala rito."

Nakangiting tumango siya sa 'kin. "Alis na po ako. Tawagin n'yo na lang po ako kapag may problema."

Tipid ko lang siyang nginitian. Tito Jacob is almost like a father to me. Madalas ko rin siyang kasama lalo na sa tuwing pumupunta ko ng ibang bansa. Bihira na nga lang niyang nakakasama ang sarili niyang pamilya ng dahil sa 'kin.

"Salamat."

Pagkaalis niya ay agad kong binuksan ang papel at sinimulan itong basahin.

Kung gusto mo pang maabutang buhay ang pinakamamahal mo ay pumunta ka sa abandonadong building na nasa gitna ng kagubatan at nasa bandang kanluran ng ikaw lang mag-isa. Dahil sa oras na makita kong may mga kasama ka ay baka bangkay na lang niya ang sumalubong sa 'yo.

Ang lahat ng pagpapakalma na ginawa ko sa sarili ko ay biglang nawala sa isang iglap. Sa sobrang galit na nararamdaman ko ay namalayan ko na lamang na naging abo na pala ang papel na hawak ko.

"Fuck you, Marcus! You coward shit!"

Dali-dali kong tinungo ang bintana ng kuwarto ko at tumalon nang maramdaman kong papunta sina Miley at Kira sa kwarto ko. Walang kahirap-hirap naman akong nakalabas ng palasyo at ng portal.

Alam kong delikado na pumunta ko ro'n mag-isa. Pero alang-alang sa kaligtasan ni Nicole ay walang dapat na makaalam sa pag-alis ko.

I wasn't called the pureblood prince for nothing.

"Hold on Nicole. I'm on my way now."

-----

Nicole Jane's POV

Nakatitig lang ako sa labas hanggang sa tuluyan ng bumuti ang lagay ng panahon. Lalo tuloy akong nakaramdam ng inis dahil alam kong ako ang dahilan kung bakit siya nagkakaganito. Pero wala man lang akong magawa para gumaan ang pakiramdam niya.

He's so powerful. Na halos umabot sa puntong tila wala man lang nagawa ang hari at reyna para pakalmahin siya.

At dahil bago pa lang sa 'min ang mga dagdag na kapangyarihan na mayroon kami ngayon ay hindi pa namin ito magawang kontrolin ng maayos.

"Ang drama."

Ramdam kong nagsitayuan ang mga balahibo ko sa batok nang dumampi ro'n ang mainit niyang hininga.

"What are you doing?" mahina kong tanong nang maramdaman kong tila may kinakalikot siya sa posas ko. Kahit hindi ko siya nakikita ay alam kong siya ang nasa likod ko ngayon.

Hindi siya umumik. Tatanungin ko sana siya ulit ng maramdaman ko ang bahagyang pagluwag ng posas ko.

Nanlaki ang mga mata ko sa gulat. "You-"

"Don't be so assuming. I just want this fight to be fair." He sounded bored.

Unti-unti akong napangiti. I knew it. He's not like his father. I know that he's just acting cold so that I wouldn't think that he will actually help me out.

"Thank-"

"Don't thank me yet. I already did my part. Ikaw na ang bahala sa kung ano ang susunod mong gagawin."

Napatango ako.

"By the way, to answer your first question a while ago..." he paused and I just wait for him to continue.

"My name is Dave Croven," he said in a low voice.

Kinagat ko ang ibabang labi para pigilan ang sarili na matawa. Base kasi sa boses niya ay para siyang nahihiya na hindi ko maintindihan.

Lilingunin ko pa sana siya nang bigla na lamang akong nakaramdam ng malakas na pag-ihip ng hangin mula sa likod ko. Kasabay no'n ang biglaang pagbukas ng pinto at pagpasok ng lalaking kinasusuklaman ko.

Awtomatikong napasimangot ako nang mabungaran ko ang pagmumukha niya.

"Oh. What's with the sad face? Wag ka ng mag-alala. Dahil parating na ang mahal mong prinsipe para iligtas ka," nakangisi niyang sabi.

Tiningnan ko siya ng masama. "Anong ibig mong sabihin?" kalmado kong tanong kahit na ang totoo ay sobrang kinakabahan na ko.

Nagkibit balikat naman siya. "Just be ready. Dahil ilang minuto na lang ay nandito na siya. Sa pagkakataong 'to ay ikaw naman ang manonood sa unti-unti niyang pagkamatay. Exciting, isn't it?"

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko nang dahil sa narinig. Pero nagulat na lang ako nang bigla siyang lumapit sa 'kin para alisin ang pagkakatali ng mga paa ko. Pwera na lang 'yong posas.

Hinila niya ko patayo at kinaladkad palabas.

"You'll never win this fight, Marcus," may diin kong sabi sa kanya habang alerto kong inililibot ang tingin sa paligid.

Napailing naman siya. "Let's see, Nicole. We'll know the answer later."

Tumigil siya saglit at matamang tumingin sa 'kin. "Wag ka na nga palang magtangka pa na tumakas dahil wala ka naman ng magagawa. You'll just get tired."

I rolled my eyes at him. Natahimik na lang ako habang pilit na pinapakiramdaman ang pagkakaluwag ng posas sa kamay ko. I was silently praying that he won't notice it.

Dahil sa pagkakataong 'to ay hindi na ko papayag na mayroon pa ulit mawala.

-----

Third Person's POV

MABILIS NA narating ni Kyle ang tinutukoy na lugar sa pinadalang sulat, kung saan ay maraming kalaban na ang naghihintay sa kanya.

Lingid sa kanyang kaalaman, sa di-kalayuan ay nakatanaw sa kanya ang iba pang royalties, ang mga protectors at iba pang kawal ng palasyo. They're all watching over him and the actions that he will make.

Ito ay dahil bago pa man ibigay kay Kyle ng protector niyang si Jacob ang sulat ay nauna na itong inabot ng huli sa hari. Nang mabasa ito ng hari ay alam niyang kailangan din itong malaman ng kanyang anak, kahit pa alam niyang hindi niya ito mapipigilan sa posibleng gawin nito.

Kaya naman ay agad niyang pinaghanda ang lahat ng dapat na makasama nito. Pagkatapos ay hinayaan at hinintay na lamang nila itong umalis at mas piniling sundan na lamang ng hindi rin nito nalalaman.

"Hindi pa po ba tayo susugod, mahal na prinsesa?" magalang na tanong ng protector ni Miley na si Steve.

Bahagyang umiling ang prinsesa habang hindi pa rin inaalis ang tingin sa kanyang Kuya. "Wag muna. I know that Kuya can handle this. Lalabas lang tayo sa oras na kailanganin na niya tayo."

"Pero Miley-" tututol pa sana ang pinsan nitong si Vince pero agad niyang pinutol ito.

"Just trust Kuya Kyle. I know that he wants to do this on his own. But that doesn't mean that we'll just let him too. We'll go there if he already needs us," she said authoritatively.

Wala ng nagawa ang iba pa kung hindi ang tumango at maghintay na lang sa magiging hudyat ng prinsesa. Dahil higit na nakatataas pa rin ito kaysa sa kanila.

SAMANTALA, AKMANG papasok na si Kyle sa abandonadong gusali ng bigla na lamang may humarang na mga fledglings sa kanya.

Pinalibutan siya ng mga ito pero tila balewala lang ito sa kanya at kampante lang na nakatayo sa gitna.

"Weaklings," naiiling niyang sabi.

Namula ang mata ng mga ito kasabay ng paglabas ng kanilang mga pangil. Akmang susugurin na siya ng mga ito ng bigla niyang ipikit ang kanyang mga mata na tila ba nagko-concentrate.

In a snap, he suddenly felt the heat that surrounds the whole area. Sa kanyang pagdilat ay napangisi na lamang siya nang makita ang pabilog na apoy na siyang tumutupok sa mga fledglings na hindi man lang nakalapit sa kanya.

"Better luck next time," mapang-asar niyang turan sa mga ito bago tumalon ng mataas at dumiretso sa loob.

Hindi pa man din siya nakakalayo ay may mga humarang na namang kalaban sa kanya. He's a little bit shock to see that it's the rouges this time. And he can smell their bloodlust on him.

He doesn't want to use his power to them anymore. Dahil kahit gaano pa siya kalakas ay alam naman niyang may limitasyon din ang lahat. He needs to reserve his power to his true enemy to get Nicole back.

Sabay-sabay siyang sinugod ng mga ito. Pero mabilis niyang naiiwasan ang bawat pag-atake ng mga ito bago pinupugutan ng ulo o hindi naman kaya ay dinudukot ang puso ng mga ito.

Nang masiguro niyang wala ng natira sa mga ito ay nagsimula na siyang maglakad, nang bigla namang bumukas ang pinto na nasa harap niya.

Then there he saw the girl that he loves for a very long time, standing right in front of him. Halata sa mukha nito ang saya nang makita siya. Pero mababanaag din ang kaba sa hitsura nito.

"Nicole."

Pero katulad ng mga nangyari kanina ay may mga nagsulputan na namang kalaban sa harap niya. Sa pagkakataong 'to ay halos hindi na niya mabilang ang dami ng mga ito.

HABANG SA labas naman ay napatingin ang lahat kay Reiri nang bigla itong napasigaw. Mabilis naman siyang dinaluhan ng kanyang kapatid at ni Miley.

"Rei! Tell me? May nakikita ka ba?" Miley placed her hand on both of her shoulders.

Nakapikit pa rin si Reiri pero dahan-dahan naman 'tong tumango.

"He already saw Ate Nicole. Pero hindi mabilang ang mga kalaban na nakapalibot sa kanya ngayon. Matatalo naman niya ang mga 'to. Pero mauubusan din siya ng lakas kapag si Marcus na ang nakaharap niya."

Because of that, Miley stood up and her eyes turned red. Ngayon lang siya mapapasabak sa ganitong klase ng laban. Pero gagawin niya ang lahat para lang matalo ang mga 'to.

Nakiusap pa siya sa nga magulang nila para lang makasama siya ngayon at hindi niya aaksayahin ang pagkakataon na 'to para masukat din niya ang sariling kakayahan.

"Let's go then."

-----

Nicole Jane's POV

Sa pagbukas ng pinto sa 'king harap ay saktong nagtama ang paningin namin ng lalaking mahal ko.

I held my breath. Tila saglit na tumigil sa pag-ikot ang mundo at tanging kaming dalawa lang ang nandito ngayon. Gustong-gusto ko siyang puntahan at yakapin.

Pero pilit kong pinigilan ang sarili kahit pa pwede ko namang gawin 'yon. I need to protect him and think of the possible ways of how can I help him right now.

"Nicole," he whispered that made me want to cry.

"Enough of those longing stares. Here's the deal. Sa oras na matalo mo ako, siyempre ay malaya na kayong makakaalis. Pero kung hindi ay pasensyahan na lang tayo dahil pareho kayong babalik sa pinanggalingan n'yo." Humalakhak pa si Marcus na tila nababaliw.

"Ang kaso nga lang ay kailangan mo munang dumaan sa kanila." Binalingan niya ang mga alagad na bigla na lamang nagsulputan sa paligid.

"All of you kill him!" malakas niyang sigaw sa mga ito.

"Wala talaga kayong kadala-dala." Namula ang mga mata ni Kyle kasabay ng paglabas ng mga pangil niya.

Nagsimula ng sumugod ang mga kalaban kaya hindi na ko mapakali sa kinatatayuan ko. Alam ko na kaya niyang talunin ang lahat ng mga nandito ngayon. Pero paniguradong manghihina rin siya. He can't do this alone. Masyado silang marami!

Nang kami na lang ni Marcus ang natira sa pwesto namin ay napansin ko ang paglinga-linga niya sa paligid na para bang may hinahanap. Sinamantala ko ang pagkakataon na 'yon at napahugot na lang ako ng malalim na hininga bago tuluyang alisin ang posas na nakalagay sa 'kin.

Sakto namang napabaling siya sa direksyon ko. Halata ang pagkabigla sa kanyang mukha nang dahil sa ginawa ko. Sa pagkakaalam ko kasi ay hindi maaalis ng basta-basta at kung sino-sino lang ang posas na 'to.

"How did you—" hindi ko na siya pinatapos pa sa pagsasalita at agad na sinuntok ko siya nang malakas, dahilan para tumilapon siya sa kabilang bahagi ng gusaling ito. Malakas na tumama ang kanyang likod sa pader na nagkaroon ng malaking crack.

Saglit kong nilingon si Kyle na mag-isang nilalabanan ang hindi ko mabilang na mga rouges at fledglings. Napatingin din siya sa 'kin at kitang-kita ko ang pag-aalala sa kanyang mukha.

I smiled to assure him that I was okay. I wanted to help him, but I need to make sure that I will defeat Marcus first.

I dashed towards his direction. Mahigpit kong hinawakan ang kanyang leeg at sinakal 'to habang unti-unti siyang itinataas.

"Die now." I gritted my teeth.

Nakita ko kung paanong unti-unting nag-iba ang kulay ng kanyang balat nang dahil sa lason na inilalabas at inililipat ko sa kanya. This is my original ability.

Pero bigla ko siyang nabitiwan nang mapansin ko na si Kyle na pala ang sinasakal ko.

"Kyle," nag-aalala kong sabi. Akmang lalapit ako sa kanya ng biglang magbago ulit ang anyo niya.

I gasped.

Damn it Nicole! Nagpaloko ka na naman!

"You may be strong. But you're also stupid!" nakangisi niyang sabi kahit pa hirap na hirap na siyang magsalita.

Aatakihin ko na sana siya ng may bigla na lang akong narinig na sigawan. Sabay kaming napalingon sa pinanggalingan nito.

"Kuya! Ate!"

Nakita ko sina Miley maging ang mga protectors at kawal ng palasyo na nagsisimula na ring makipaglaban.

I can't help but smile. They're just in time.

Ayos na sana ang lahat. Ngunit ng muli akong lumingon sa pwesto ni Marcus ay wala na siya ro'n.

"Shit!" Inilibot ko ang tingin sa paligid pero wala na siya. Tumakas ang walanghiya. Croven's are really a bunch of cowards.

Nagpatuloy lang ako sa paghahanap ng makita ko si Miley na mayroong hini-hypnotize para maging kakampi namin. Si Hiro at Reiri naman ay magkatalikod na lumalaban habang walang kahirap-hirap na pinapatumba ang bawat umaatake sa kanila sa pamamagitan ng kanilang lakas at bilis.

Habang si Vince naman ay tila naglalaro lamang sa ginagawa niyang pag-angat sa mga kalaban na tila magagaan na bagay sa pamamagitan lang ng pagmuwestra niya ng kanyang kamay na kung hindi niya itinatama sa pader ay pinagsasalpok naman niya sa bawat isa. Hinanap naman ng mga mata ko si Kira pero mabilis na hangin lang ang nakikita kong gumagalaw at sa isang kisap-mata ay dukot na ang puso ng bawat malapitan niya na sa tingin ko ay siya ang gumagawa. He and his amazing teleportation ability.

Then my eyes landed on Kyle. Masyado siyang abala sa mga kalabang nasa harap niya na hindi man lang niya napansin na may aatake sa kanya mula sa likod.

Mas lalo akong kinabahan nang makitang may vampire weapon itong hawak na isasaksak sa kanya.

"No!" I shouted. Sa isang iglap ay mabilis akong nakalapit sa kanya at nakapikit kong hinarang ang sarili.

But I felt nothing. Kaya dahan-dahan kong binuksan ang aking mga mata.

Napakurap ako. Inilibot ko ang tingin sa paligid at mukhang pati sila ay gulat na gulat sa nangyari.

Who wouldn't? Tumigil lang naman ang lahat ng mga kalaban namin at tila mga naestatwa sa kanya-kanya nilang puwesto!

"Wow. You can stop the time, Ate!" manghang sabi sa 'kin ni Miley.

Hindi ako nakasagot at napaawang na lang ang aking bibig. Still clueless of what I just did.

Wait. If I'm not mistaken, this is the ability of my deceased father.

Sinamantala naman ng lahat ang pagkakataon at isa-isang inatake ang bawat kalaban sa paligid hanggang sa mapuno ng abo ang buong gusali.

Hindi ko na nagawa pang makapagsalita nang biglang manghina ang katawan ko. Mabilis naman akong dinaluhan ni Kyle ng bigla akong matumba.

"Fuck! Nicole!"

Sa nanlalabo kong paningin ay nginitian ko lang siya. Hanggang sa tumuon ang mga mata ko sa isang pamilyar na pigura na nakatunghay sa 'min mula sa likod ng isang pillar.

Then the realization hit me. Wala nga pala siya kanina habang nakikipaglaban ang lahat dito. Bakit ba hindi ko kaagad napansin 'yon?

Ngayon alam ko na ang dahilan kung bakit tila may hinahanap si Marcus kanina.

"Dave," I whispered, then everything went blank.


Load failed, please RETRY

สถานะพลังงานรายสัปดาห์

Rank -- การจัดอันดับด้วยพลัง
Stone -- หินพลัง

ป้ายปลดล็อกตอน

สารบัญ

ตัวเลือกแสดง

พื้นหลัง

แบบอักษร

ขนาด

ความคิดเห็นต่อตอน

เขียนรีวิว สถานะการอ่าน: C20
ไม่สามารถโพสต์ได้ กรุณาลองใหม่อีกครั้ง
  • คุณภาพงานเขียน
  • ความเสถียรของการอัปเดต
  • การดำเนินเรื่อง
  • กาสร้างตัวละคร
  • พื้นหลังโลก

คะแนนรวม 0.0

รีวิวโพสต์สําเร็จ! อ่านรีวิวเพิ่มเติม
โหวตด้วย Power Stone
Rank NO.-- การจัดอันดับพลัง
Stone -- หินพลัง
รายงานเนื้อหาที่ไม่เหมาะสม
เคล็ดลับข้อผิดพลาด

รายงานการล่วงละเมิด

ความคิดเห็นย่อหน้า

เข้า สู่ ระบบ