Chapter 14 | Lost Memories
Third Person's POV
Tahimik lamang na nakamasid ang hari mula sa bintana ng bulwagan, nang biglang pumasok ang isa sa mga taong pinagkakatiwalaan niya.
Kahit hindi siya lumingon ay kilala na niya ito, base na rin sa presensya nito.
"Nagkaroon ba sila ulit ng pag-atake pagkatapos no'ng nangyari sa supermarket?" kalmado nitong tanong. Kahit na ang totoo ay nagngingitngit ang kalooban nito dahil may mga panibago na namang nabiktima ang kanilang kalaban.
"Wala pa po. Sa ngayon ang pangyayaring 'yon po ang pinakahuling insidente ng pagkuha niya sa mga tao. Nagawan na rin po namin ng paraan na hindi ito makalabas pa sa publiko."
The King sighed. "Malamang ay mayroon na siyang inihahandang plano laban sa 'tin. Kaya gano'n na lang kung makapagpalakas siya ng puwersa."
Tumalikod ito upang harapin ang kausap. "Alam mo ba na nandoon din siya sa insidenteng 'yon? Don't you feel somehow afraid?"
Malawak na ngumiti sa kanya ang kausap at umiling. "Malaki po ang tiwala ko sa kanya. Saka alam ko na sa mga oras na 'to ay unti-unti na siyang may natutuklasan sa sarili niya. Isa pa ay mas kampante po ako ngayon dahil nandoon din naman siya."
The King can't help but to smile. "Yeah. You're right. As long as they are by each other's side. There's nothing to worry about."
-----
Kyle Ethan's POV
''Are you already sure about this?'' Vince asked seriously.
I closed my eyes, then rested my head on the couch. ''Yes. Ginawa na rin natin ang lahat pero hanggang ngayon ay wala pa rin tayong napapala.''
''Sinabi ko naman kasi sa 'yo. Tanging ang hari at reyna lang ang pag-asa natin. Kailan ba tayo babalik ng palasyo?'' I felt Hiro sat beside me.
''Mamayang gabi na. Actually, I have this weird feeling. Pakiramdam ko ay mayroong mangyayari na hindi maganda kaya kailangan na nating magmadali.'' Sa totoo lang ay hindi ko rin maintindihan ang nararamdaman ko.
Kahapon, habang mataman ko lang na pinagmamasdan ang nakangiting mukha ni Nicole habang nagkukwento ay ang saya-saya lang sa pakiramdam.
Pero hindi ko alam kung bakit bigla na lang akong kinabahan. Hanggang ngayon ay gano'n pa rin ang nararamdaman ko. If I could only stay on her side all day, I'll be very willing to do so. Just to make sure that she's safe and protected.
''Sana lang talaga ay malaman na natin ang totoo. Para hindi na rin natatakot at naguguluhan si Ate.'' I opened my eyes and saw Miley pouted. Masyado na talagang napalapit ang loob nila kay Nicole.
''Shit!'' Napatingin kami bigla kay Kira. He look troubled.
''What's the matter?''
He sighed, then ran his fingers through his hair. ''We almost forgot. Bukas na nga pala magaganap ang Eclipse. That's why we really need to go to the palace. Especially you.'' Matiim niya kong tinitigan.
''Oh. Oo nga pala Kuya Kyle! It's the time that you'll receive more power. Mas mapoprotektahan mo na si Ate no'n. I'm so excited!'' Reiri giggled.
Napahilamos na lang ako sa mukha ko. Oo nga pala. Sa pagkakaalam ko ay kinakailangan ko munang manatili ng ilang araw sa palasyo pagkatapos no'n.
''Wag kang mag-alala, Kuya. Nandoon din naman kami, eh,'' Miley assured me.
I shook my head. ''Hindi naman 'yon ang inaalala ko.''
Nginitian niya ko ng nakakaloko. ''Si Ate ba? Para ilang araw lang naman kayong hindi magkikita. Don't worry, we'll also check her here.''
Napangiti na lang din ako sa kanya. Mabuti na lang at palaging nandiyan ang kapatid ko para pagaanin ang loob ko.
''Iba talaga ang nagagawa ng love. Kaya ayokong mabiktima niyan, eh,'' tatawa-tawang sabi ni Hiro.
Reiri coughed. ''Talaga? Bakit hindi ka pa nga ba nabibiktima, hah?'' Binigyan niya ito ng makahulugang tingin.
Natahimik bigla si Hiro at nakipagtitigan din sa kanya. Naguguluhan naman kaming pinaglipat-lipat ang tingin sa dalawa.
May alam kaya si Reiri na hindi namin alam? For the very first time, they caught my interest.
''I don't know what you're talking about,'' may diin niyang sabi bago bigla na lang naglaho.
''Hey, what was that?'' Vince gave Reiri a questioning look.
She shrugged, then stood up and walked away. She looks so pissed.
''Rei wait! I'm coming with you!'' Agad siyang sinundan ni Miley. Hindi talaga sila mapaghiwalay na dalawa.
''Well, that's kinda strange, huh.'' Kira shook his head while smiling like an idiot.
Tumayo na rin ako. Maghapon din kaming hindi pumasok at hindi ko pa rin nakikita si Nicole.
Kagabi lang naman kami huling nagkita. Pero ewan ko ba at miss ko na agad siya.
Napailing na lang ako. What the hell does that human girl done to me?
''Aalis na rin—'' bigla na namang sumakit ang ulo ko kaya napaupo na lang ako sa sahig.
''Kyle!'' I heard the two of them shouted.
''Anong nangyayari sa 'yo?'' Naramdaman kong niyuyugyog ako ni Vince pero hindi ko naman magawang makapagsalita.
Then suddenly, memories that weren't familiar to me came flashing in my mind.
''I'm sure that you're going to be the most beautiful bride in our wedding,'' nakangiti kong sabi sa kanya habang magkatabi kaming nakahiga sa damuhan.
''Siyempre naman, no! Kahit naman ano pa ang maging ayos at suot ko ay maganda talaga ko.'' She giggled.
''Oo na. Sabi mo, eh.'' I chuckled when I saw her pouted. Parang gusto ko tuloy siyang halikan.
''Parang napipilitan ka lang, eh!'' Akmang tatayo na siya pero mabilis ko siyang niyakap nang mahigpit.
''Ang saya mo talagang inisin. Ang bilis mo kasi mapikon.'' I pinched her nose.
''Wala ka pa ring pinagbago. Baka nakakalimutan mong ako ang mas malakas sa 'yo? Ako lang naman ang pureblood princess ng pinakamalakas na angkan ng mga pureblood.'' She smirked at me. Then suddenly a poison came out of her hand.
''Woah! Relax! Hindi ko naman nakakalimutan 'yon, eh. Ang init naman agad ng ulo ng prinsesa ko.'' Bigla namang naglaho na parang bula 'yong lason na inilabas niya. She was indeed a powerful vampire.
''Mabuti na 'yong malinaw. Sige ka at baka hindi kita siputin sa kasal natin niyan,'' she teased.
My eyes widened. Alam ko naman na nagbibiro lang siya pero bigla na lang akong nakaramdam ng kaba nang dahil sa sinabi niya.
''Don't you dare! Kung kinakailangan na bantayan kita at ako pa mismo ang sumundo sa 'yo sa araw na 'yon ay gagawin ko. Masiguro lang na makakarating ka,'' I said in dangerous tone.
I felt her body tensed. Hindi niya siguro inaasahan na gano'n ang magiging reaksyon ko. ''S-Sorry. I'm just kidding. W-Wag ka ng magalit.'' Base sa boses niya ay parang maiiyak na siya. Damn!
I kissed the top of her head. ''Sorry rin. Basta wag ka ng magbibiro ulit ng gano'n, hah. Pinapakaba mo ko, eh.'' I chuckled.
Sumiksik pa siya lalo sa dibdib ko habang hinaplos ko naman ang nakalugay niyang buhok. ''Promise! I won't say anything like that again. I love you, Carl.''
We both looked up at the sky. I know that we're both smiling right at that moment.
''I love you too, Jade.''
''Kyle! Kyle! Ano na naman ang nakita mo?'' Nabalik ako sa kasalukuyan at tulala akong napatingin kay Kira.
It's now all clear. Kitang-kita ko na ang mga mukha nila na madalas ko ring napapanaginipan nitong mga nakaraang araw.
Pero bakit? Pakiramdam ko ay nangyari na ang mga bagay na 'yon pero bakit wala akong matandaan na nagkakilala na kami rati at nangyari ang mga 'yon?
She even said that she's a pureblood princess. But, how? Samantalang tao naman siya ngayon!
Because Jade and Carl was none other than Nicole and me. Damn it!
Kami ba talaga 'yon o kamukha lang namin? Ano ba ang totoo?
''No...'' 'yon na lang ang nasabi ko bago tuluyang nagdilim ang paligid.
-----
Vincent's POV
''Anong nangyari kay Kuya?'' humahangos na tanong ni Miley kasunod sina Rei at Hiro.
''Ask him.'' Tumango ako sa direksyon kung saan nakasandal si Kira na kampante lang na nakapamulsa.
Alam ko na mayroon siyang alam base na rin sa naging reaksyon at tanong niya. Pero kanina ko pa siya tinatanong at hanggang ngayon ay wala pa rin akong nakukuhang matinong sagot mula sa kanya. Ayoko namang gamitan siya ng mind reading ability ko. We didn't want to use our abilities to each other.
''Sumakit lang naman ang ulo niya. There's nothing to worry about. He'll be fine,'' he said calmly.
''I'm just going to tell Nicole what happened. Kanina pa rin kasi siya tumatawag.'' He was about to go, but I stopped him.
''No. Wag mo ng ipaalam sa kanya ang nangyari. Paniguradong hindi rin gugustuhin ni Kyle na mag-alala pa 'yon sa kanya. Let's just wait for him to wake up.'' Halata sa mga mukha nila ang pagtutol pero wala naman ng nagsalita.
''Then I'll just go and check her.'' Wala na kong nagawa ng tuluyan na siyang umalis.
Napailing na lang ako. Kung bakit naman kasi...
Mag-bestfriend talaga sila.
Tahimik lang kaming lahat dito sa loob ng kuwarto ni Kyle. Alam ko na hindi rin sila naniniwala na isang simpleng pagsakit lang ng ulo ang nangyari. Gano'n ba 'yon kalala para mawalan ng malay ang pureblood prince?
Pero hindi rin nakaligtas sa 'kin ang pag-iiwasan ng tingin nina Rei at Hiro. Ngayon ko lang ata sila nakitang nag-away ng ganito. Something is going on here.
''Jade...'' napatingin kaming lahat kay Kyle nang bigla na lang siyang nagsalita habang nakapikit pa rin.
''Jade? Who's Jade, Kuya?'' tanong ni Miley ng makaupo siya sa tabi nito.
''Jade... Please don't leave me,'' paanas niyang sabi na para pang maiiyak. Our eyes widened in shock.
''Sino ba 'yang Jade na 'yan, Kuya? Wag mong sabihin na niloloko mo si Ate! I need your explanation! Gumising ka! Gumising ka!''
Pilit naming inilayo si Miley nang bigla na lang niyang yugyugin ang balikat ng kapatid niya na hindi pa rin nagigising.
Napatingin ulit ako sa kanya. Seriously, who the hell is Jade?
-----
Nicole Jane's POV
''OMG! Hindi nga? Aba siyempre sasama ko! Hindi ako tumatanggi sa libre no,'' excited na sabi ni Mikan.
''Okay. Kotse mo naman ang gamitin natin ngayon. Wala ko sa mood magmaneho, eh.'' Binilisan ko pa ang paglalakad.
''Sige. Pero teka lang naman! Bakit ka ba nagmamadali?'' Tumakbo na siya para lang maabutan ako.
Hindi ko siya pinansin. Naiinis ako!
Kanina ko pa kasi tinatawagan at tine-text si Kyle. Pero hanggang ngayon ay wala pa rin akong nakukuhang sagot mula sa kanya.
Nitong umaga pa ang huli niyang text sa 'kin at nagsabing hindi siya makakapasok dahil may mga mahahalagang bagay raw silang kailangan pag-usapan at gawin ng mga royals. Pero nangako naman siya na susunduin ako kapag uwian na.
Buong maghapon ko na nga siyang hindi nakita tapos ay ganito pa. Siya pa naman sana ang gusto kong isama sa mall. Mahigit isang oras nga kong naghintay pero wala namang dumating na Kyle!
''Kanina ka pa nakatitig sa phone mo, ah. Baka naman matunaw na 'yan,'' Mikan said with her eyes still focused on the road. Nandito na kami ngayon sa loob ng kotse niya at kasalukuyang siya ang nagmamaneho.
Naiinis na itinapon ko ang phone sa dashboard. ''Si Kyle kasi. Hanggang ngayon ay hindi niya pa ko kinokontak. Do you think I'm just overreacting?'' nahihiya kong tanong sa kanya.
This was my first relationship. He's my first boyfriend. Bago pa para sa 'kin ang lahat. I don't actually know what to do or what to react in the situation like this. Tapos ang bilis pa ng mga naging pangyayari.
Tinawanan lang ako ng loka-loka na mas lalo ko lang ikinainis. ''No. Para sa 'kin ay normal lang naman na maging ganyan ang reaksyon mo. Pero siyempre mas maganda pa rin kung malalaman at maririnig mo muna 'yong side niya bago ka mag-isip ng kung anu-ano. Because I believe that he has his reasons. Just trust him.''
Trust him. Of course, I trust him. Pero siyempre ay nag-aalala rin ako. Wala kasi akong nakita ni isa sa mga royals maghapon. Maging sila nga ay hindi ko makontak!
Pagkarating namin sa mall ay nag-compose na lang ako ng text kay Kyle na nagpasama lang ako kay Mikan para mag-shopping. Ayaw kasi niya ng lalabas ako na walang kasama na kahit sino sa mga royals pero siguro ay maiintindihan naman niya. Kaya ko naman ang sarili ko, eh.
Papasok na kami ng department store ng may maramdaman akong parang sumusunod sa 'min. Pero no'ng tumalikod ako para tingnan ito ay wala naman akong nakitang kahina-hinala. Nagkibit-balikat na lang ako at hinayaan si Mikan na hilahin ako sa kung saan.
''Tamang-tama lang pala ang punta natin, eh! Ang daming sale!'' Napailing na lang ako kay Mikan na tila nangingislap pa ang mga mata habang tumitingin ng mga dress. Sa pagkakaalam ko ay may negosyo rin ang pamilya nila pero sadyang kuripot lang talaga siya.
Ako naman ay nagtingin-tingin muna ng mga sapatos at nagsukat. Na-miss ko rin ang ganito. Mas masaya lang ngayon dahil wala kong mga bodyguards na nakasunod palagi sa 'kin. Nakakairita kaya ang gano'n.
''Nics! Let's buy this two! Para magkapareho tayo. Magkaibang kulay na lang ang kukunin ko. Ang cute, 'di ba?'' Ngingiti-ngiti niyang ipinakita sa 'kin ang dalawang t-shirt na may parehong designs. Isang babae na kumakanta at may hawak na mic. Pero magkaiba lang ang kulay. May salita ring nagakalagay sa ilalim ng design. Sa isang damit ay "Best" at sa isa naman ay "Friend."
Tatanggi sana ko dahil nakokornihan ako sa gano'n, pero tinalikuran na niya ko habang bitbit 'yong dalawang t-shirt. Bahala na nga siya.
Matapos naming mag-ikot at mamili ay napagpasyahan muna naming kumain sa isang fastfood chain na nadaanan namin. Nakakapagod at nakakagutom talaga ang mag-shopping.
Hindi na rin naman kami nagtagal at baka maabutan na kami ng curfew. Isa pa ay madilim at medyo masukal na kagubatan ang dadaanan namin. Idagdag pa na mahaba pati ang biyahe.
Mayroon siyang dalang apat na paper bags, habang ako naman ay dalawa lang. Sinulit niya masyado ang pamimili dahil libre naman daw. Dress at shoes nga lang ang mga binili ko samantalang siya ay may dalawang bag at 'yong mga t-shirt pa!
''Anong problema? Sinong tinitingnan mo?'' Napahinto rin sa paglalakad si Mikan at nakitingin din sa likod ko.
''Wala. Tara na nga!'' Sa huling pagkakataon ay muli kong nilinga ang tingin sa paligid. Pakiramdam ko kasi ay parang may nakasunod talaga sa 'min o baka guni-guni ko lang. May pagka-paranoid pa naman ako.
''Grabe! Nakakapagod pero enjoy naman. Mas agahan na lang natin sa susunod para mas madami pa tayong mapuntahan at mabili.'' Napahikab pa si Mikan bago niya i-start ang engine.
''Ako na lang kaya ang magmamaneho. Mukhang antok ka na kasi. Mamaya maaksidente pa tayo.'' Nginitian niya ko at napatango.
Lumabas ako at naglakad paikot sa may driver's seat. Agad na iniabot niya sa 'kin ang susi.
''You're such a sweet friend talaga. Thanks!'' Nagulat na lang ako nang bigla niya kong yakapin pagkaupo ko. Ang clingy talaga ng babaeng 'to kahit kailan.
''Oo na. Umidlip ka na lang muna riyan.''
Mabuti na lang at wala ng gaanong sasakyan at hindi traffic kaya mabilis naman kaming nakabalik. Medyo nasermunan pa ko ni manong vampire guard dahil malapit na raw ang curfew. Napag-alaman ko kasi na halos lahat pala ng mga staff dito ay puro mga bampira. Bukod na lang sa mga taong rumoronda sa labas.
Mayroon ding nakakalat na mga taong nagbabantay sa bayan. Protectors ang tawag nila sa mga ito.
Pagkahinto ko ng kotse ay tinapik-tapik ko ang pisngi ni Mikan. ''Mikan, wake up. We're here already.'' Nagmulat naman siya agad ng mga mata at nag-inat.
Dali-dali kaming lumabas ng kotse at naglakad papuntang dormitory building namin. Tahimik na ang paligid at wala na ring mga estudyante ang nasa labas.
''Antok na talaga ko. Thanks again for the treat, Nics! Until next time, good night!'' Gusto ko sanang sabihin na wala ng next time pero nakatakbo na siya papasok sa kwarto niya. Parang hindi naman siya pagod.
Napangiti na lang ako at pumasok na rin sa kwarto ko. Pero pagkasarang-pagkasara ko pa lang ng pinto ay agad na nabitiwan ko ang mga hawak kong paper bags at halos mapatili na lang ako nang may biglang humapit sa beywang ko at yumakap sa 'kin.
But the moment I smelled his familiar scent, I know that I'm safe. Kahit madilim ay alam ko na siya 'to.
''I missed you. Pasensya na kung hindi agad kita nakontak. Nagkaroon lang ng emergency.'' Hindi pa rin ako makapaniwala na nandito na siya ngayon kaya napatango na lang ako at napayakap na rin sa kanya.
Gusto ko sana siyang sigawan at sabihan kung gaano ako naiinis sa kanya. Pero kung ganito naman na siya na ang nagpakumbaba at unang lumapit para humingi ng paumanhin ay mas mabuti sigurong i-enjoy ko na lang ang moment. After all, I missed him too.
''Pasensya na rin kung umalis ako ng walang kasama na kahit sino sa inyo. Nainis lang din kasi ako.'' I pulled away from the hug and stared at him. I heard he snapped a finger, then suddenly, the whole room has filled with lights.
He stared back at me, then gently caressed my cheeks. How I love to feel his touch. ''Sinong nagsabi na wala kayong kasama? Nakasunod kaya si Kira sa inyo.'' He smirked.
Nanlaki ang mga mata ko. Kaya pala pakiramdam ko ay may nakasunod sa 'min kanina. Kung bakit naman kasi hindi na lang siya nagpakita? Pagsasabihan ko talaga ang lalaking 'yon kapag nagkita kami.
''Kamusta naman pala 'yong emergency na inasikaso n'yo? Ayos na ba?'' Nawala bigla ang ngiti niya at sa isang iglap ay naging seryoso ang mukha niya
''Ang totoo niyan ay may mga bagay pa kami na kailangang gawin. May mga bagay pa ko na kailangang linawin.'' Ramdam ko ang lungkot sa bawat salita na binitiwan niya. So I held his cold hand and squeezed it, giving him comfort.
''Don't worry. Alam kong kayang-kaya n'yo kung anuman 'yon. Nandito lang ako para sa inyo. Para sa 'yo.'' Ewan ko ba. Kasi kung dati ay ayokong-ayoko ang nakikita siya. Ngayon naman ay gusto kong palagi na lang na nasa tabi niya.
He kissed my forehead that made me stunned for a moment. ''Salamat. Alam ko naman 'yon, eh. Saka nandito rin ako para sabihing...'' napakamot siya sa batok niya at tila kinakabahan.
''Para sabihing ano?'' Hindi ko alam kung bakit bigla na lang bumilis ang tibok ng puso ko. I suddenly have this feeling na hindi ko magugustuhan ang sasabihin niya.
He sighed. Lalo tuloy akong nakaramdam ng kaba.
He looked at my eyes directly. Kitang-kita ko sa mukha niya na parang nahihirapan siya. ''Nandito ako para magpaalam.''
Napaawang na lang ang bibig ko nang dahil sa sinabi niya.
Galit ba siya dahil sa ginawa ko? O may nagawa ba kong mali? Sawa na ba siya sa 'kin? May iba na ba siya? Ginawa lang niya ba kong girlfriend para pa-ibigin ako pero iiwan din niya sa huli? Pinaglalaruan lang niya ba ko?
Samot sari na ang mga naiisip ko ngayon. Hanggang sa kusa na lang tumulo ang aking mga luha. Ang sakit lang. Parang hindi ko ata kaya.
Bakit? Bakit kung kailan mahal ko na siya? Bakit kung kailan hulog na hulog na ko?
''M-Makikipaghiwalay ka na sa 'kin? Bakit? A-Ano bang-'' hindi ko na nagawang tapusin ang sasabihin ko dahil bigla na lang lumapat ang labi niya sa labi ko.
Natulala na lang ako at ni hindi ko magawang gumalaw. I was so shocked! This is my first kiss and I don't really know what to do!
Hanggang sa namalayan ko na lang ang labi ko na kusang gumagalaw at tumutugon sa mga halik niya. I encircled my arms around his neck and pressed my body more to him that made him groan. I want him to be close to me. I need him. I love him.
Pero natigilan ako at napahawak sa ulo ko ng bigla itong sumakit. ''Aaaahhh!''
''Nicole! Anong nangyayari sa 'yo?'' I felt him hug me tight. His voice was so worried.
''A-Ang sakit ng ulo ko!" Muntikan pa kong matumba dahil halos mamilipit ako sa sobrang sakit. Mabuti na lang at mabilis niya kong nasalo.
Sa isang iglap ay may mga eksenang hindi ko maalala ang biglang lumitaw sa isip ko.
''Ang ganda-ganda mo, anak. You're indeed a princess. The gown suits you well.,' my Mom said with teary-eyed.
''Thanks, Mom. Pero wag ka na pong magdrama riyan. Baka masira pa po ang make-up n'yo, eh.'' I kiss her cheek then hug her.
''Pasensya na, anak. Hindi lang talaga mapigilan ni Mommy ang maiyak. Lalo pa at ikakasal na ang nag-iisa kong anak.'' I just gave her a smile.
''Tara na nga at baka mahuli pa tayo. I know that Carl can't already wait to see you.'' Napatango na lang ako sa kanya. Excited na rin talaga ko.
Kinakabahan and at the same time ay masaya ko. This is it. Sa wakas ay magiging asawa ko na ang pinakamamahal kong lalaki.
Nang makarating na kami sa lugar na pagdadausan ng kasal ay nagsipaghanda na ang lahat. Nagkalat ang mga bantay sa paligid dahil pareho kaming royalties at makapangyarihan ang angkan na pinanggalingan namin ni Carl. Agad akong nilapitan ni Daddy and I clenched my arm to his.
"You're so beautiful, my princess,'' he whispered.
''Thanks, Dad.''
Sa paglakad ko ay nagsimula na ring tumugtog ang isang mabagal na musika. Hindi ko naiwasan ang pagtulo ng aking mga luha nang makita ko siya na parang maiiyak habang nakatitig at naghihintay sa 'kin sa unahan.
We're both smiling at each other as I go nearer. Ilang hakbang na lang ay malapit na ko sa kanya.
Hanggang sa tumigil kami sa mismong harap niya. My Dad gave my hand to him. Pero bago pa man niya 'yon maabot ay bigla na lang nagkagulo sa paligid.
''Jade!''
''Carl!''
Hindi ko na nagawang makalapit sa kanya dahil may bigla na lang humila sa 'kin palayo. Habang siya naman ay nilalabanan ang bawat humaharang sa kanya.
Sa isang iglap ay napuno ng sigawan at dugo ang buong lugar.
Dahan-dahang nawala ang sakit ng ulo ko at wala sa sariling nilingon si Kyle. He looked so shocked, just like me.
Bakit? Bakit kamukha namin sina Jade at Carl? Bakit kung kailan naging klaro na ang mukha nila kumpara sa mga panaginip ko rati ay mas lalo lang naging magulo para sa 'kin ang lahat?
O baka naman kami talaga 'yon? Pero...
''N-Nicole... Anong nangyari? May nakita ka ba?'' Hinawakan niya ko sa magkabilang balikat at ramdam ko ang panginginig niya.
Nakatitig lang ako sa kanya. Hanggang sa unti-unting pumikit ang mga mata ko.
''P-Paano? B-Bakit?'' 'yon na lang ang nasabi ko bago ako tuluyang nawalan ng malay.