Mabilis na nagyakapan si lola Hanada at Ashley sa tuwa. Sa sobrang tuwa, hindi namalayan ng dalawa na tumutulo na pala ang kanilang mga luha.
"I'm so proud of you, apo! Good job! Now, sigurado na ako na hinding hindi ka na pakakawalan pa ng asawa mo. Hahaha! I'm so happy na makikita ko ang apo ko sa tuhod bago ako mawala sa mundong ito. Hahaha!" Maligayang sinabi ni lola Hanada kay Ashley habang mag-kayapos pa rin sila.
"Totoo po lola? Sa palagay nyo po ay hindi na ako hihiwalayan ni Tan? Sana naman po, dahil hindi ko po yata kakayanin na mapalayo sa magiging anak namin." Bulong ni Ashley sa matanda para hindi ito marinig ng doctor na nanunuod lang sa kanilang dalawa.
"Congratulations! Mrs. ???" Nag fishing ang doctor malaman kung sino ang ama ng batang dinadala ni Ashley. Ang kaso mo ay mabilis si lola Hanada maka-isip ng isasagot.