ดาวน์โหลดแอป
83.72% She Stole The Gay's Brief / Chapter 36: SSTGB 35 : PHONECALL

บท 36: SSTGB 35 : PHONECALL

ARA'S POV

"Mom, Dad," kinatok ko iyong kwarto nila at sumagot naman si Mommy na pumasok lang ako. "Magpapaalam lang po sana ako," naupo ako sa gilid ng kama nila while they're preparing themselves for work.

"Where are you going, Sweetie?" tanong ni Mommy habang inaayos niya ang necktie ni Daddy. Aw, I hope I can also have this kind of scene in the future. It is so romantic and they're so cute! 

"I received an invitation from Mr. Anton, Mom," sagot ko. At habang nagsasalita si Mommy ay biglang tumunog ang cellphone ko kaya kinuha ko iyon mula sa bag ko at binasa ang mensaheng natanggap ko sa isang unregistered number.

'Good Morning!'

Nagreply naman ako ng. . .

'Good Morning, but who's this please?'

"Ano ulit 'yong sabi mo, Mom?" hindi ko kasi narinig ang sinabi niya, eh.

"Sabi ko baka he wants you to work in his school," aniya at napatango naman ako. Okay lang naman sa akin kung doon ako magtatrabaho. It's a public school at mas gusto ko iyon. I've studied in a private school since kindergarten until college kaya ngayon ay gusto kong maranasan ang buhay sa isang public school.

Muli na namang tumunog ang cellphone ko at mayroon na siyang reply.

'Secret, Kilatra.'

Tss! Parang sira ang Juding na ito.

Ahh! Ang weird talaga! Remembering how manly he is now and I'm still calling him Juding is really so weird and so awkward!

"Ara, I asked you aren't you gonna go now?" napatingin ako kay Mommy nang itanong niya iyan at hindi ko maipaliwanag ang ngiti niya ngayon. "I hope that kilig factor between you and Marcus won't fade kahit umabot pa kayo ng 50 years or even more than that," aniya at napalunok na lang ako bigla!

K-Kilig factor? Ano bang pinasasabi ni Mommy?

"Ah, aalis na po ako," humalik ako sa magkabilang pisnge nila at saka ako tuluyang umalis.

Nang nasa sasakyan na ako ay naalala ko na naman ang sinabi ni Mommy. It's just so strange that she uttered those words, all of a sudden. Dapat tinanong ko si Mommy kung bakit niya iyon sinabi, eh.

Nagbalik lang ako sa sarili nang muling tumunog ang cellphone ko and I saw my Bae's name on the caller ID. Nakangiti naman akong sinagot ang tawag niya.

"Ow, this is new, sinagot mo agad ang tawag ko," hindi makapaniwalang aniya. Usually kasi ay hindi ko agad nasasagot ang tawag niya lalo na kapag ganitong oras, 7 AM, kasi of course, tulog na tulog pa po ako niyan kaya usually, pagkagising ko ay napakarami niya ng missed calls.

"I deserve an award for this," pagbibiro ko pa.

"Alright. What do you want?"

Hala! Sineryoso niya naman agad. Naku, malapit na akong ma-spoil, Marcus! Baka mamaya ay bumalik na si Ara na super brat.

"Hmm, a one-week beach date," sagot ko at natahimik naman siya! Syempre, imposible talaga iyan lalo na at kakaupo niya lang sa pwesto niya and he still can't have his vacation leave. Tsk! "Joke! Let's just have lunch later?" iniba ko na iyong usapan dahil ayoko ng umasa na o-oo siya roon.

"Sige. I need to end the call, Bae, maliligo na muna ako. Actually, I just called you to say good morning."

"Tapos napahaba lang talaga," pareho lang kaming natawa, "good morning din. Sige na, maligo ka na," sabi ko at agad ko ng pinutol ang tawag.

Pero, kailan kaya ulit kami magkakaroon ng oras para sa isa't isa? Iyong tipong straight whole day ay kami lang dalawa ang magkasama? Simula kasi talaga ng palitan niya ang Daddy niya ay pakiramdam ko ang layo na namin sa isa't isa. But then, I need to understand him, that's the least I can do as his girlfriend.

MARCUS'S POV

Napatigil ako sa pagpipirma nitong mga papel na nasa harapan ko nang may biglang kumatok. "Come in," sabi ko at pumasok naman si Blue, ang aking sekretarya.

"Sir, ito na po 'yong pinapakuha ni'yong papers sa JF Park. Mukhang pwede ka na pong mag-acquire ng funds sa kanila," aniya at ibinigay niya sa akin iyon. "Ah, Sir?"

"Hmm?" usal ko habang binabasa ko ang nakasulat sa papel.

"Si Miss Ara po. . ."

Napatingin ako sa kaniya. "Bakit? Anong meron sa kaniya?" tanong ko.

". . .last Saturday nang pumunta po ako sa JF Park, nakita ko ho siya," aniya.

Last Saturday? Wala namang nabanggit sa akin si Ara na pumunta siya ng JF Park o kahit man lang may lakad siya ng araw na iyan.

"May kasama ho siyang lalaki," hindi ko pinahalata sa kaniyang nagulat ako sa narinig ko.

Pero baka naman isa iyon sa mga Kuya niya or baka si Jervin. Tsk! Ayokong mag-isip ng kanegahan ora mismo.

"Ang gwapo po ng lalaki, Sir, macho!"

"Macho? I think isa 'yon sa mga Kuya niya."

I'll just think positive, no need to jump into conclusion.

"Kuya? Mukha nga hong naiilang sila at first, Sir, tapos bigla na lamang nagkamayan."

Napaisip na ako this time. But still, ayoko talagang pag-isipan ng masama si Ara dahil sa mga narinig ko. Kinakailangan ko muna siyang makausap.

"You go back to work," sabi ko sa kaniya at agad niya naman akong sinunod.

Inikot ko ang aking swivel chair at humarap ako sa may bintana saka ako huminga nang malalim.

"I trust her," bulong ko sa sarili ko.

ARA'S POV

Nandito kami ngayon sa isang resto at tahimik lang kaming kumakain which is quite unusual. Pareho kaming madaldal ni Marcus kaya nakakagulat na hindi kami nag-uusap ngayon.

Tsk, I'll just do the first move! "How's work?" tanong ko kahit alam ko ng it's stressful.

"So far, it's okay," sagot niya. Gusto ko sanang magsalita pa siya, pero iyon lang talaga ang sinabi niya. Mukhang may mali talaga, eh.

"By the way, may nag-alok na sa akin ng trabaho. Si Mr. Anton? Iyong may-ari ng Anton Juan College, he wants me to teach in his school," ikinwento ko na lang sa kaniya ang nangyari kaninang umaga at puro tango lang siya! Naaasar na ako! I want us to have a long conversation! Kahit ngayon lang. "Marcus, are we okay?" halatang nagulat siya sa tanong ko, pero ngumiti naman siya after a second.

"Of course, ba't mo naman tinanong 'yan?" nakangiti pa ring tanong niya.

"Seriously?" I want to make it sure, baka kasi he's hiding something from me—wait, mukhang ako pala ang may itinatago sa kaniya. Tsk! I am wondering if he knows that Charles is back. But I think, hindi pa dahil hindi niya naman ito ino-open up.

"Alright, I just wanna know if lumalabas ba kayo ng mga Kuya mo or si Jervin?"

All of a sudden, he asked such a question? This is so weird! Kanina pa ba niya iyan nais itanong kaya tahimik siya? But, why?

"Ang mga Kuya ko, oo, but si Jervin, hindi. He's busy in his business. Bakit?" I tried to asked him normally, ayokong ipahalata na nagtataka talaga ako, sobra!

"Ahh, wala lang. Hindi ka kasi nagkikwento, eh," aniya. Kailan pa niya gustong marinig ang kwento tungkol sa paglabas namin ng mga Kuya ko? Sh*t, why is he acting so weird? "Oh, it's quarter to one, Bae, we need to eat fast," muling usal niya kaya kumain na lang ako kahit medyo nawalan ako ng gana.

Pag-uwi ko sa bahay ay naguguluhan pa rin talaga ako kay Marcus. Bago kasi ako umalis sa opisina niya ay sinabi niya sa akin na kapag may lakad kami ng mga Kuya ko ay sasabihin ko sa kaniya.

Sh*t! Ever since ay hindi niya iyan sinabi sa akin, ngayon lang! Ah! Sumasakit ang ulo ko. Tsk!

I'd just decided to take a nap para na rin pansamantala kong makalimutan ang weird na nangyayari kay Marcus. I was about to close my eyes, but my phone beeps. Inabot ko naman iyon agad at sinagot ang tawag. "Hello?" wala talagang kagana-gana kong sabi.

"Are you okay?" napabalikwas ako sa pagkakahiga at tiningnan kung sino ang tumatawag. It's Charles!

"A-Ah, oo," sagot ko naman kahit hindi talaga.

"Hello, joke?" note the sarcasm, everyone! "I know you're not fine, bakit?" tanong niya. Grabe talaga ang taong ito. We never saw and talk for four long years, but still, he knows if I sounded really fine or not.

But, should I tell him the reason why I ain't okay? Alright! Wala naman sigurong masama kung sasabihin ko and besides, we're friends.

CHARLES'S POV

"Ang weird ni Marcus, eh," napaayos ako ng upo dahil sa sinagot niya. Sana hindi na lang ako nagtanong, I don't want us to talk about him.

"Bakit?" pinilit kong iparinig sa kaniya na wala lang sa akin na siya iyong pinag-uusapan namin.

"Kaninang umaga, we're really so fine, tapos no'ng nag lunch na kami bigla na lamang siyang naging weird, sobrang minimal lang ng sinasabi niya and he asked me strange question. . ."

Napangiti na lang ako bigla. Siguro iniisip ni Ara na okay lang sa akin na sabihin niya ang mga iyan dahil pareho kuno kaming may jowa ngayon, but honestly, hearing that she's worried about Marcus's weirdness is a torture for me.

Ang sakit, man!!

". . .nanibago tuloy ako bigla. Ay! Sorry, Juding, ha ang daldal ko," sabi niya pa at natawa talaga ako.

I know by now she's placed in awkwardness when she called me Juding, but I don't want her to stop calling me by that. She fell in love with me when I was gay, when I was a juding kaya kahit iyan lang ay ayokong makalimutan niya dahil sa tuwing tinatawag niya ako ng Juding pakiramdam ko ay. . .ako pa rin.

"It's fine, you can tell me everything, I'll listen," sige, tutal inumpisahan ko ng i-torture ang sarili ko, bakit hindi ko pa sagarin? Ang importante ay naririnig ko ang boses niya and it's more than enough.

As of now, ayoko munang mag move on hanggang sa ayaw ng sarili ko. Ayokong pilitin, hihintayin ko na lang na dumating iyong araw na mapapagod na ako at hindi ko na talaga kaya kasi for sure, when that time comes, handa na talaga akong kalimutan iyong nararamdaman ko para sa kaniya.

"Thank you for listening to my dramas or should I say my ka-oa'han, Juding!" talagang ang laki ng ngiti ko ngayon. Umabot lang naman kami ng tatlong oras kakausap ng kung anu-ano at mga kadramahan nga niya sa buhay, but of course, she never failed to torture my heart even more whenever we're talking about Marcus.

Tsk. I really want to congratulate him for having Ara as his girlfriend, he's damn lucky!

"You're always welcome. Don't forget that I am always one call away, Kilatra," sabi ko. Wala eh, ito na lang ang magagawa ko para naman ma-satisfy ang puso ko na nananabik na makita at makausap siya.

ARA'S POV

Umabot yata sa kasukdulan ng Universe ang kasiyahan ko ngayon. It's just I can't believe I and Juding had a conversation na para bang nagbalik kami sa dati. Noong panahon na pareho kaming walang nararamdaman sa isa't isa, like we're just mere friends at pareho kami ng trip sa buhay.

Kaya ang tagal natapos ng usapan namin dahil kahit random na iyong topic ay natutuwa pa rin kami. Isa talaga ang pangyayaring iyan na gustong-gusto kong maibalik and well, it just happened!

Mabuti na lang talaga at nagkausap kami ni Charles dahil kahit panandalian lang ay nakalimutan ko iyong kay Marcus.

And, I shouldn't be bothered by that as of this moment. Let me have my peaceful sleep first, then  I just do a brainstorm about it afterward.


Load failed, please RETRY

สถานะพลังงานรายสัปดาห์

Rank -- การจัดอันดับด้วยพลัง
Stone -- หินพลัง

ป้ายปลดล็อกตอน

สารบัญ

ตัวเลือกแสดง

พื้นหลัง

แบบอักษร

ขนาด

ความคิดเห็นต่อตอน

เขียนรีวิว สถานะการอ่าน: C36
ไม่สามารถโพสต์ได้ กรุณาลองใหม่อีกครั้ง
  • คุณภาพงานเขียน
  • ความเสถียรของการอัปเดต
  • การดำเนินเรื่อง
  • กาสร้างตัวละคร
  • พื้นหลังโลก

คะแนนรวม 0.0

รีวิวโพสต์สําเร็จ! อ่านรีวิวเพิ่มเติม
โหวตด้วย Power Stone
Rank NO.-- การจัดอันดับพลัง
Stone -- หินพลัง
รายงานเนื้อหาที่ไม่เหมาะสม
เคล็ดลับข้อผิดพลาด

รายงานการล่วงละเมิด

ความคิดเห็นย่อหน้า

เข้า สู่ ระบบ