ดาวน์โหลดแอป
29.57% Kung Maibabalik ko Lang / Chapter 63: Hamon

บท 63: Hamon

"Nagpabaya tayo!"

Ito ang unang bungad ni Issay ng naroon na sila at nagkakatipon sa opisina nya.

Habang nagaganap ang party sa baba, nasa taas naman sila Isabel, Belen, Edmund, Anthon at Tess para pagusapan ang mga kaganapan.

Wala pang kumain ni isa man sa kanila pero hindi sila nakakaramdam ng gutom bagkus ay pagaalala.

Pakiramdam nila mukhang nagkulang ang paghahandang ginawa nila dahil nagawa pa ring makalusot ni Roland.

Tess: "Pasensya na kasalanan ko, hindi ako naging maingat!"

Nakokonsensya sya dahil sya ang

nag plano ng 'event' na ito.

Belen: "Huwag mong sisihin ang sarili mo at lahat tayo nagkulang!"

Anthon: "Sa tingin ko hindi naman tayo nagkulang naging kampante lang tayo!"

Sa isip ni Issay:

'Tama si Anthon! Masyado kaming naka 'focus' sa paiingat sa mga empleyado at nakalimutan namin ang 'security' dahil kampante kami sa serbisyo nila.'

'Mabuti na lang may nakahandang 'backup' si Anthon at napigilang lumala ang sitwasyon. Kung hindi, kung nagkataon na wala sya, pare pareho naming hindi alam ang gagawin!'

Kanina napansin nyang may mga naglalabasan na ng cellphone kaya agad na nyang pinigilan ano man ang planong gawin ni Roland.

Alam nilang gusto nitong gumawa ng ingay.

Edmund: "Bakit hindi napaghandaan ito ng Papa?"

May halong pagkadismaya ang boses nya dahil hindi nya akalain na nagkamali ng kalkula ang ama. Ito pa naman ang isa sa mga hinahangaan nyang katangian ni Luis.

Issay: "Sigurado ka ba na hindi sumagi sa isip ng Papa mo ito?"

Nangiti si Isabel.

Nagtatanong ang tingin ni Edmund.

Issay: "Hindi nya basta basta pipilin si Anthon at gagawing shareholder ng walang dahilan!"

May 'private security' sila Anthon na pinamumunuan nilang magkakapatid. Nagte training sila ng mga tao para maging mga personal bodyguard. Sa kanilang ama nagmula ang ideya na ito at pinagpatuloy nilang magkakapatid. At batid ni Luis ang bagay na ito.

Belen: "Salamat Anthon sa ginawa mo, pero ano ang pwede nating gawin ngayon?"

Anthon: "Kailangan nating magpalit ng 'security', at mas maiging gawin nating pribado ito!

Kahit mas magastos mas 'safe' kayo!"

Belen: "Tama! Mas kailangan natin ang loyal na tao!"

Anthon: "Halos dalawang buwan ng nagpalit ng mga tao ang security agency, at nagpalit sila ng head isang buwan pagkamatay ni Sir Luis! Kaya hindi natin tiyak kung kelan nagsimulang kumilos si Roland!"

"Pero natitiyak kong nagkaroon siya ng kontak dun kay Noel na head ng security ngayon at malaman siya ang nagmungkahi na palitan ang mga tao nila dahil hindi man lang kayo nakatanggap ng abiso!"

"May posibilidad din na labas masok sya sa building na ito lalo na sa opisina nyo ng mga panahon na iyon na hindi ninyo nalalaman!"

Kinilabutan naman ang mga babae na isiping may kumakalikot ng mga gamit nila.

Hindi sila nagaalala sa mga legal na dokumento ng kompanya dahil nasa 'vault' ito at si Belen lang ang nakakaalam kung paano ito buksan.

Belen: "Pano mo natiyak ang lahat ng ito?"

Anthon: "Sa surveillance video! Tininingnan namin ang kuha kung saan pumasok si Roland at mga kasama nya, sumaludo pa yung security at magalang syang pinapasok!"

Tess: "Kaya pala minsan napapansin ko may gumalaw sa drawer ko!"

Belen: "Pano mo naman nalalaman na may gumagalaw ng drawer mo?"

Tess: "May nilalagay akong tanda, pagnawala iyon alam kong may gumalaw!" Itinuro ito sa akin ni Sir Luis!"

"Pero ano naman kukunin nya dun?"

Issay: "Letter head!"

*******

Sa isang silid dinala pansamantala ni Anthon si Roland at ang mga kasamahan nito.

Walang pang binibigay na utos si Issay kaya hindi muna nya ito pinalabas ng silid.

Naiirita na si Roland dahil wala syang magawa, maraming nakapaligid sa kanila na kung kumilos mga militar pero naka sibilyan.

Roland: "Bakit nyo kami dinala dito at ayaw palabasin? Ano ang ibig sabihin nito?!"

"Bawal itong ginagawa ninyo!" Hindi ninyo ba ako nakikilala?"

Pero kahit anong gawin nya wala syang magawa dahil hindi siya sinasagot ng mga ito.

Ni hindi siya tinitingnan pag kinakausap nya.

Sinubukan nyang tumawag upang makahingi ng tulong para mailabas sila pero walang signal sa silid na iyon.

"Sir, kailangan natin tumawag ng mga pulis! Sa sitwasyon natin sila lang ang maaring hingan ng tulong!"

Suhestiyon ng abogado nya.

Pero nagdadalawang isip si Roland kung tatawag ba siya ng pulis dahil natitiyak nyang magimbestiga ang mga ito at iyon ang kanyang iniiwasan.

At isa pa walang signal!

Gusto nyang umalis sa lugar na ito para maghanap ng signal.

Pero tama ang abogado nya kailangan nilang makaalis dito. Kung sana nagtagal sya sa stage at naipakita nya lahat ng dala nyang papeles malamang mas magandang issue ito. Pero hindi nya nagawa ang plano nya na maipagsigawan sa lahat na siya ang tunay na mayari ng kompanya dahil napigilan siya agad na gawin iyon. Ang inaasahan na lang nya ay may kumuha ng video at makita sa social media ang ginawa nya at natitiyak nyang pagpipyestahan ng media ito.

Pero ang pinagtataka nya ay bakit hindi siya makakontak. Kanina pa niya tinatawagan ang media na kausap nya.

Ang hindi alam ng mga naruon may signal jamming ang building kaya hindi sya makakontak.

At sila Issay, Anthon at Belen lang ang nakakaalam nito.

Pagkaraan ng dalawang oras bumukas na ang pinto. Pumasok si Belen kasama si Anthon ang isang attorney ng kompanya at mga pulis.

Bubulyawan na sana ni Roland ang dalawa pero nagulat sya na kasunod nila ang mga naka unipormeng pulis.

Roland: "Ano ibig sabihin nito? Ba't may kasama kayong pulis?"

Belen: "Pasensya na kung natagalan kami!"

"Mga 'officers' kayo na po ang bahala sa kanila!"

At iniwan na nilang nagsisigaw si Roland habang ibinababa ng mga pulis. Hindi nya kilala ang mga pulis na ito kay hindi siya tumigil sa pagsigaw.

Gusto nyang maka tawag ng pansin, bagay na sinadyang gawin ni Roland dahil umaasa syang may media sa labas pero nagulat sya na malinis ang paligid at ni isang media wala syang nakikita.

Pinasundan naman ni Anthon sa mga tauhan si Roland para masigurong makakarating ito ng presinto.

****

"Alam mong makakapagpiyansa sya!"

Sambit ni Belen kay Issay habang pinapanuod nila si Roland na nagpupumiglas habang dinadala sa 'police car.'

Issay: "Hmmm...."

'Masyado na akong nagiging mabait sa kanya!"

Belen: "Anong susunod nating gagawin?"

Issay: "Antayin kung sasagutin nya ang hamon!"


Load failed, please RETRY

สถานะพลังงานรายสัปดาห์

Rank -- การจัดอันดับด้วยพลัง
Stone -- หินพลัง

ป้ายปลดล็อกตอน

สารบัญ

ตัวเลือกแสดง

พื้นหลัง

แบบอักษร

ขนาด

ความคิดเห็นต่อตอน

เขียนรีวิว สถานะการอ่าน: C63
ไม่สามารถโพสต์ได้ กรุณาลองใหม่อีกครั้ง
  • คุณภาพงานเขียน
  • ความเสถียรของการอัปเดต
  • การดำเนินเรื่อง
  • กาสร้างตัวละคร
  • พื้นหลังโลก

คะแนนรวม 0.0

รีวิวโพสต์สําเร็จ! อ่านรีวิวเพิ่มเติม
โหวตด้วย Power Stone
Rank NO.-- การจัดอันดับพลัง
Stone -- หินพลัง
รายงานเนื้อหาที่ไม่เหมาะสม
เคล็ดลับข้อผิดพลาด

รายงานการล่วงละเมิด

ความคิดเห็นย่อหน้า

เข้า สู่ ระบบ