ดาวน์โหลดแอป
42.1% Jonnie's Valentine [Tagalog Romance] / Chapter 8: Chapter 8

บท 8: Chapter 8

It's been a week after ng disastrous wedding ni Lee at Michelle. Why is it disastrous? Doon ko kasi natikman ang first kiss ko. Yes, first kiss ko. First kiss ko si... Jimmy. Saka it's been a week na din noong sabihin niyang ibabalik niya ang dating Jonnie, pero pagkatapos noon , di na ito nagpakita sa akin.

"Uy, bakit lumilipad utak mo?" Tanong sa akin ni Jenniquer habang may kung anong kinukutkot sa table ko. Co-teacher ko rin siya sa school na ito.

Hinayaan ko lang ito sa ginagawa nito sa table ko. Malayo naman kasi sa ginagawa nito ang laman ng utak ko.

"Paano mo naman nalaman na lumilipad ang utak ko?" tanong ko rito.

Humarap ito sa akin at tiningnan ako ng may pang-aasar. "Halata naman kasi. Kanina pa kaya ako nakikipag-usap sa'yo pero dedma mode mo ko teh"

"Pasensya naman bakla. Okay, aamin na ako, I'm in a daze right now. Medyo magulo talaga utak ko ngayon. Nakadroga e. Hehehe."

Naramdaman ko na lang na binatukan ako ni Jenniquer. Tinignan ko ito ng masama habang hawak hawak ang ulo kong binatukan nito.

"Bakla masakit ah!"

"O sorry na. Pasensya na. Para ka kasing adik diyan sa mga sagot mo eh! But seriously, bakit lutang ka bakla?" Sabi nito sabay tabi nito sa upuang nasa kanan ko.

"Kasi ganito ... " sabi kong alumpihit pa rin kung sasabihin ba o hindi ang gumugulo sa akin.

"Ano ngaaaa?" Inip na tanong ni Jenniquer.

"Kasi ganito, ahmmm.. remember the guy na kinwento ko sayo noon? Yung si 16 years ago?"

"Alin yung nambasted sa'yo? Yeah, I do remember him. Bakit?"

"Nagkita kaming muli..."

Tumingin ito sa akin na punong-puno ng amazement sa mukha nito.

"Whaaaat?" Tanong ko rito.

"My gooosh baklaaaa! Pinagtatagpo kayong muli ng tadhana!" Sabi nito na halos baliw na nagtititili sa loob ng classroom niya.

Tinignan ko ito ng masama. Bakit ganito reaksyon nito? Bakit parang tuwang-tuwa ito? Di ba nagegets nito ang gumugulo sa isip ko?

"Alam mo bakla ang ingay mo." saway ko dito.

"BAKLAAAAAA! Grabe! I'm happy for you!"

"AKO hindi." sagot ko ritong nakasimangot.

"Bakit naman? Malay mo naman this time it's a yes na, di ba? Napaka mo..."

"Excuse me lang ano. Anong sinasabi mong it's a yes na? FYI, what I have in him in the past? Matagal nang wala yun."

Narinig ko itong tumawa ng malakas na nagpakunot ng noo ko.

"Grabe teh ang saya mo." sabi ko rito.

Niyakap ako nito sabay sabing, "Paano kasi napakadefensive mo. Anyway, dahil sinabi mo na wala, e di wala. Maglokohan tayong dalawa! Hahaha!"

"Ewan ko sa'yo." Inis kong sagot dito. Naputol ang pagkukwentuhan namin ng dumating si Bernard. Nakasuot ito ng tshirt na bumabakat sa malamang katawan nito. Yung katawan na nasa gitna ng macho at hindi macho, ganun.

"Hi Bernard!" Bati ni Jenniquer rito.

"Hi Quer! Musta?"

"I'm okay! Tanungin mo yang bestfriend mo. Kamusta kaya siya?" Sagot nito sabay nguso sa akin.

"Bakit, ano problema Nie?"

"Wala. Nagpapaniwala ka diyan kay Jenniquer. Okay lang ako."

"Ay alam ko kung bakit di siya okay..." sabi ni Jenniquer. Tinignan ko na naman ito ng masama. Siguro kung nakakamatay ang tingin ko, tegi na toh e.

"Alam mo Jenniquer, ang daldal mo. Umalis ka na nga! Shoooo!" Pagtataboy ko rito. Umalis naman ito pero iniwanan muna siya nito ng nakakalokong ngiti at sinabihan pa si Bernard na if ever gusto nitong malaman ang problema ko, itext lang daw siya nito.

"So come on, wala na si Quer, ano ang problema?" Sabi nito sa akin sabay hawak sa kamay ko. Nagulat ako sa paghawak nito dahil kahit naman matalik silang magkaibigan ay hindi naman ito clingy sa akin. Mas madalas na ako pa nga ang mahawak dito. Hinila ko ang kamay mula rito na siyang naging dahilan upang mamayani ang sandaling katahimikan.

"Buti na lang talaga hindi ako umasa..."

"Umasa saan?"

"Sa mga pangakong lagi namang napapako hehe" sabi ko sabay tawa ng hilaw. Tumayo ako sabay punta sa pintuan ng classroom ko. Nagulat ako ng may sumulpot na ulo mula sa likod nun.

"Hi Jonnie!"

Nagulat ako sa biglang dumating. There, the person who keeps my mind unfocused is standing right in front of my face. May dala itong dalawang pirasong lavender roses at nakaplaster sa mga labi nito ang isang napakagandang ngiti. Although nagulat ako sa biglaang pagdating nito, I tried my best to hide it. Yung parang ano ngayon kung nandiyan ka? Pake ko? Ganung keme.

"I miss you..." sabi nito sabay abot ng dalawang roses at yumakap sa akin. Nabigla ako kasi ano ba nangyayari dito? Bigla bigla na lang nangyayakap? Saka... miss niya daw ako? Talaga ba?

"Wait, bitawan mo ako. Nasa school tayo." Sabi ko rito sabay alis sa pagkakayakap nito.

"Okay," sabi nito sabay alis ng mga braso nito. "Pero kung wala ba tayo sa school pwede kitang yakapin ulit? Yung matagal? Yung... di ka na bibitaw sa akin?"

Natameme ako sa sinabi nito. Di ko alam kung seseryosohin ko ba ito o hindi. Anong nakain nito? Bakit ganito magsalita ito?

"Nakainom ka ba?" Tanong ko rito sabay pasok muli sa loob ng classroom ko. Sinundan ako nito sa loob na parang at home na ito dito.

"Hindi. Makikipagkita ako sa'yo tapos iinom ako? Very wrong. Uy pare kamusta?" Sabay bati nito kay Bernard na parang close silang dalawa.

Tinanguan lang naman ni Bernard si Jimmy pero di na maipinta ang mukha nito.

"E ano ba ginagawa mo rito? Isang linggo kang di magpapakita tapos bigla kang susulpot diyan."

Nakita kong napangiti ito. " So, namiss mo nga ako." Sabi nito habang ang ganda ng mga ngiting ibinibigay sa akin.

"Haaaa! In your dreams! Ako, mamimiss ka? Gwapo mo!"

"Bakit, hindi ba ako gwapo? Naaalala ko pa nga ..."

"Hep hep! Tigilan mo yan!" Sabi ko rito sabay takip ng kamay ko sa bibig nito. He just gave me a very mischievous look na dahilan ng pagkabog ng dibdib ko. Tinitigan niya ang mga mata ko at nalulunod ako sa mga iyon. His stares are so deep and ... sexy.

"Ehem." Narinig kong tikhim ni Bernard. Nang dahil sa mga tingin ni Jimmy nakalimutan kong nasa likod lang namin si Bernard at nakalimutan ko rin kung nasaan kami.

"Bern, pwede bang labas ka lang saglit?" sabi ko kay Bernard na ikinalaki ng mata nito. Napagdesisyunan kong palabasin muna siya para makausap ang kumag na si Jimmy. Nalilito na ako e.

Kitang kita sa mga kilos ni Bernard na ayaw nitong lumabasp at iwan siyang kasama ni Jimmy sa loob. Lumapit ako rito at hinawakan ang mukha nito, "Trust me, I can handle him."

Tumango ito pero bago ito umalis, iniwanan muna nito si Jimmy ng matalim na tingin. A dagger kind of look. Ibinalibag nito ang pinto na nagpagulat sa akin.

"Baby Jonnie, boyfriend mo ba yun?" Napatingin ako dito dahil narinig ko na naman ang tawag nito dati sa akin.

Baby Jonnie. Kung ako pa siguro yung dating Jonnie, baka naglulupasay na ako sa tuwa pero dahil iba na ang Jonnie na nasa harap niya, pinili ko na lang dedmahin ang endearment nito sa akin.

"E ano naman sa'yo kung oo?" Sagot ko rito. Sorry Bernard, sabi ko sa isip ko.

"Well, kung boyfriend mo siya, wala akong choice kundi agawin ka..."

"What? Anong sinabi mo?"

"Aagawin kita sa kanya. Sabi ko sa'yo di ba, ibabalik ko ang dating Baby Jonnie ko?"

Napapikit ako dahil inulit niya na naman yung 'Baby Jonnie' na yan.

"Pwede ba, tigilan mo ang kakatawag sa akin ng Baby Jonnie?" singhal ko rito. Sakit mo sa bangs Jimmy!

"Ayoko. If that man can call you 'Nie', why can't I call you Baby Jonnie? After all, ako ang mas naunang magbigay ng endearment sa'yo. Ako ang mas nauna kesa sa kanya sa buhay mo."

"Wow ha. Let me tell you something, si Bernard, he never hurt me. Siya ang nandun sa mga oras na down na down ako. Siya yung laging nagsasabing I am lovable and I am capable of loving. He is the man you never was."

Feeling ko sasabog ang puso ko sa mga oras na ito. I am strong but I do not like confrontations. Hindi ko namalayang umiiyak na pala ako. Kailan ako umiyak?

Nagulat ako sa sunod na ginawa nito.

Muli, nakaramdam ako ng mahigpit na yakap mula rito. Yung yakap na parang nagsasabing di na ito aalis ulit.

"Ssshhh, wag ka ng umiyak" sabi nito sabay lagay sa gilid ng mga tenga ko ang mga buhok na nagkalat sa mukha ko. When he already cleared my face from strands of hair, he looked intently to my eyes. He also cupped my face upang hindi ko maiiwas ang mga mata ko mula rito. Parang isang dejavu ang nangyayari, his face comes closer, and closer and closer. Pinaglabanan kong huwag ipikit ang mga mata ko pero parang may sariling utak ang mga iyon at wala akong choice kundi sumunod doon. Ang huling naramdaman ko na lamang, magkadikit na ang mga labi namin. Niyakap niya ako ng mas mahigpit na parang wala akong chance na makatakas dito. Ang halik na pinagsasaluhan namin ngayon ay hindi na tulad ng nauna tulad ng nangyari sa kasal, this kiss is deeper and more dangerous. Dangerous kasi ipinagkakanulo na naman ako ng damdamin ko para sa lalaking ito.

--


Load failed, please RETRY

สถานะพลังงานรายสัปดาห์

Rank -- การจัดอันดับด้วยพลัง
Stone -- หินพลัง

ป้ายปลดล็อกตอน

สารบัญ

ตัวเลือกแสดง

พื้นหลัง

แบบอักษร

ขนาด

ความคิดเห็นต่อตอน

เขียนรีวิว สถานะการอ่าน: C8
ไม่สามารถโพสต์ได้ กรุณาลองใหม่อีกครั้ง
  • คุณภาพงานเขียน
  • ความเสถียรของการอัปเดต
  • การดำเนินเรื่อง
  • กาสร้างตัวละคร
  • พื้นหลังโลก

คะแนนรวม 0.0

รีวิวโพสต์สําเร็จ! อ่านรีวิวเพิ่มเติม
โหวตด้วย Power Stone
Rank NO.-- การจัดอันดับพลัง
Stone -- หินพลัง
รายงานเนื้อหาที่ไม่เหมาะสม
เคล็ดลับข้อผิดพลาด

รายงานการล่วงละเมิด

ความคิดเห็นย่อหน้า

เข้า สู่ ระบบ