Jungkook's Pov
Lumipas ang mga araw at unti unti nang gumaling si Lisa. Masigla na rin syang nakikipaglaro sa kambal.
"Mahal kapag lumabas na tayo saan mo gustong manirahan. Sa bahay mo o sa bahay ko." tanong ko sa kanya.
"Makabahay ko at bahay mo naman ikaw. Kanya kanya ba tayo hahaha. Wag ka mag alala kung ano meron ako sau na din yon." sabi ni Lisa.
"Eh saan mo nga gusto para maayos na natin." sabi ko.
"Mahal alam ko naman na namimiss mo na ang bahay mo. Nararamdaman ko na gusto mo dung manirahan tayo kaya naman dun na lang tayo umuwi." sabi ni Lisa na ikinangiti ko. Eto ang maganda sa amin masyadong maunawain. Pinag uusapan namin agad ang mga bagay bagay para walang away.
"Kelan tayo pwede umuwi? Pero hindi ba dapat malapit ka muna dito para maobserbahan ka ng mga doktor?" sabi ko.
"Okay na ako. Wag ka mag alala sa akin kaya ko ang sarili ko. Hindi mang ako doktor eh nag aral naman ako ng medicine. Kailangan ko ireport lahat ng nararamdaman ko para maseguro na okay sya sa ibang pasyente." paliwanag nya.
"Alis muna ako mahal aayusin ko muna yung bahay natin. Wala si Manang Rita, di pa daw sya makakabalik." paalam ko sa kanya.
"Okay. Tawagan ko na lang muna si Jennie para matulungan ako sa kambal." sabi ni Lisa.
Hinalikan ko muna sya sa noo bago ako umalis. Sumakay ako ng kotse at tinungo ang BTS village. Malapit na ako sa bahay ko nang may mapansin ko na parang may ikakasal. Ang ganda ng pagkakaayos sa park. Teka kami lang bts ang nandito sa village. Ikakasal na si Jhope? Tinawagan ko si V sa cellphone.
(Cellphone Convo)
Jk: San ka?
V: Who you?
Jk: Alien!!!! Sumagot ka ng maayos kundi kikidnapin ko si Yeontan!
V: No!!!! Wag ang baby ko.
Jk: Siraulo pag di ka umayos kikidnapin ko talaga yang aso mo.
V: Bakit ka ba tumawag miss mo na ako?
Jk: Bwisit kang alien ka. Sino ikakasal sa Bts village?
V: Ah si Jhope. Oo si Jhope nga. Kaya nga aattend tayo mamayang gabi. Hindi ba nasabi sayo ni Lisa?
Jk: Nakalimutan siguro. Alam mo naman busy kami sa pagtutok sa paggaling ni Lisa. Kailangan pa namin idocumentary ang lahat ng pangyayari sa kanya.
V: Oo nga pala nasa bahay mo na ang suit mo para mamaya. Ikaw daw best man. Hahaha!
Jk: Asan ka ba. Puntahan mo ako dito sa village. Wala akong katulong maglinis ng bahay ko. Dito na kami titira.
V: Wag ka mag alala nakikita kita.
Tumingin ako sa bahay nya. Nakita ko sa terrace na nilalaro si Yeontan ang aso nya. Kumaway ito at ngumiti. Binaba ko na ang cp ko at umiling. Bwisit na alien to nakipag usap pa sa cp nandun lang pala sya.
Pumunta sa bahay ko si V at naglinis kami ng buong bahay ko. Actually wala naman talagang lilinisin. Kasi maayos naman sya. Konting punas lang at konting walis lang.
"Wag mo na daw sunduin ang mag iina mo. Kasama na daw ni Jennie." sabi ni V.
"Huh? Okay. Teka asan nga pala si Jimin at ang tanders?" tanong ko.
"Oh sige uwi na ako at mag aayos na ako. 1 oras na lang kasalan na. Mag ayos ka na. Dapat mauna tayo kasi best man ka." sabi ni V.
"Gago! Ayun lang ang park oh. Kala mo naman malayo pa ang venue. Sige na umalis ka na Alien at masakit na ang ulo ko kakasagot sayo." pagtataboy ko kay V.
Naligo muna ako at nagbihis. Medyo natagalan ako sa pagligo kasi nagbabad ako sa bathtub. Medyo napagod ako ng mga nakaraang araw. Nang matapos akong magbihis, lumabas ako ng bahay ko at pumunta sa park. Nadatnan ko ang buong Bts na nag uusap usap.
"Oh ako ang Mc ngayon. Wala namang pari. Magbibigay lang ng vows tapos sing sing." sabi ni Namjoon.
"Pumunta na kayo sa harap V at Jk. Mag antay na kayo dun." sabi ni Suga.
"Teka bakit kami ni V. Eh si Jhope saan pupwesto?" tanong ko sa kanila.
"Nag cr lang yun si Jhope at ninenerbiyos daw sya." sabi ni Jin.
Nagsimula na ang tugtog pero wala pa din si Jhope. Pinapatugtog naman ang I knew i loved you ng Savage Garden. Nag umpisa nang kumanta si Jimin. Hindi naman ako nagtaka na kumakanta si Jimin kasi grupo kami na kumakanta at nasayaw sa school dati.
Unti unti nang lumalapit ang mga kasali sa entourage. Nauna muna ang mga maliliit na batang kasali. Siguro mga anak to ng mga agent. Kasama din ang anak ni Rose na flower girl. Natawa ako kasi isinama din ang kambal ko na nakalagay sa stroller tapos may singsing na nakakabit sa stoller.
Sumunod ang mga kaibigan namin. Si Rose kapartner si Suga. Si Jisoo at Jin. Tapos may ibang agent din. Nagtaka naman ako kasi kasama si Jhope at Violet. Lumingon ako kay V. Nakita ko na ngumiti ito at nagsalita.
"Enjoy you day brad. From now on be happy." sabi ni V. Nagtataka naman ako pero bumalik ang tingin ko sa harap. Naglalakad naman si Jennie nakadress sya na off shoulder.

Natawa naman ako ang theme ng kasal puro purple. Natapos na maglakad si Jennie na maid of honor. Nanlaki naman ang mga mata ko at napatitig nang makita ko si Lisa na nakawedding dress. Kaya pala nakasuite ako ng purple.


Napakaelegante ng wedding dress nya na white with purple design. Lumapit ako kay Lisa at inalalayan sya sa harapan. Ngumiti sa akin si Lisa at nagsalita.
"Surprise mahal. Sana nagustuhan mo ang inihanda ko sayo." sabi ni Lisa. Nanunubig na ang mga mata ko. Ano ba yan simula ng naging kami ni Lisa naging iyakin na ako.
Humarap kami kay Namjoon dahil uumpisahan na daw ang program. Ngaun oras na ng pagsusuot ng singsing.
"Lisa, kailanma'y di kita pagtataksilan. Isuot mo at pakaingatan ang singsing na ito na siyang tanda ng aking pag-ibig at katapatan. Sa ngalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo. Amen." sabi ko. Huminga muna ako ng malalim at nagsalita ulit. Natulo na luha ko.
"Lisa, mahal ko. Sobrang nasurprise ako sa nangyayari. Hindi ko alam na ikakasal na pala ulit ako. Akala ko si Jhope ang ikakasal." huminto muna ako sa pagsasalita kasi natawanan sila.
"Grabe ka inunahan mo pa ako. Magpopropose pa lang ulit ako sayo eh. Pero mahal gusto kong malaman mo na una pa lang kitang makita sa overpass ay tumibok na ang puso ko sayo. Ipapangako ko na ikaw lang ang mamahalin ko. Wala akong masabi at maisip na sasabihin kasi hindi ako prepared. Simula ngayon bumuo tayo ng masasayang ala ala ng ating pamilya. Kalimutan natin ang mga masasakit na nakaraan at magpatuloy ng masayang buhay. Ano ba yan nagiging iyakin na ako." sabi ko. Pinunasan naman ni Lisa ang mga luha ko. Napansin ko din na naiyak din sya.
"Jungkook, kailanma'y di kita pagtataksilan. Isuot mo at pakaingatan ang singsing na ito na siyang tanda ng aking pag-ibig at katapatan. Sa ngalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo. Amen." sabi ni Lisa. Huminga din sya ng malalim bago nagsalita.
"Jk, mahal ko. Kung ikaw speechless ako hindi. Pagpasensyahan nyo na kung mahaba ang sasabihin ko. Una, sana nagustuhan mo ang supresa ko sayo." sabi pa niya at tumango ako.
"Pangalawa, kaya ko ginawa ang kasalang ito kasi gusto kong magpasalamat sa pagmamahal na ibinigay mo sa akin. Maikli lang ang buhay kaya gusto kong gawin ito. Sobra ang nangyari sa atin at sobrang pagtityaga mo na alagaan ako sa oras ng nangangailangan ako ng kalinga. Salamat kasi hindi mo ako sinukuan. Tapos inaalagaan mo pa ang kambal. Hindi ko alam kung ano ang nagawa kong mabuti kasi ibinigay ka sa akin. Sabi nga ni Jennie san pa ba daw ako makakakita ng isang lalaki na tulad mong mabait at hindi babaero." sabi ni Lisa. Nagsigawan naman sila lalo na si Jennie ng tama yun.
"Kung inaalala mo ang ginastos ko at baka nahihiya ka, wag mong alalahanin yun. Sa totoo lang kulang pa yan at deserved mo lahat yan. Kung nag iisip ka na bayaran ay sige, pero hindi cash ang hihilingin ko sayo ha kundi ang pagmamahal mo lang. So mahal ang cheesy na natin last na. Mabuhay tayo ng masaya!" sabi pa ni Lisa.
"Kiss na para makakain na!" sigaw ni Jin.
Hinalikan ko na agad si Lisa. Hindi ko pinansin ang mga tayo sa paligid ko. Sa totoo lang maswerte din naman ako sa kanya. Natigil lang kami nang magsalita si V.
"Hoy! May honeymoon pa! Wag kauong mang inggit sa mga single."
"Picture muna tayo." sabi naman ni Rose.
Pumwesto na kami una muna ang girl. Kasama namin. Sunod ang boys at sa huli sama sama na kami. Grabe ang daming kuha namin buti na lang ang photograper at si Agent Blue kaya sanay na sya sa amin.
Ang akala ko na mga lumipas na araw namin ay natural lang. Hindi ako talaga nakahalata. Ospital at sa kambal lang umiikot ang mundo namin ng mga nakaraang araw.
Una ko syang nakita kahit madami syang sikreto hindi ko sya hinusgahan. Nang makilala ko sya lumalim ang pagmamahal ko sa kanya. Mabilis man ang pangyayari pero hindi ako nagsisisi.
Love at first sight hindi ako naniniwala hangga sa ako ang nakaramdam. Pwede pala yun. Nahuhulog ka ng walang dahilan. Di mo alam kung bakig mo sya mahal. Ang alam mo lang ay hindi mo kayang mabuhay ng wala sya at pinakahuli nakikita mo ang future na kasama sya.