ดาวน์โหลดแอป
85.71% My mysterious girl (tagalog) / Chapter 60: War

บท 60: War

Jungkook's Pov

Breakfast na naman at kasama na naman namin ang dalawang kumag na to. Feeling ko may inampon akong dalawang bata. Kulang na lang pati damit nila dito sa bahay namin ilagay.

"Anong balita sa kompanya mo?" tanong ko kay Jimin habang  nag aalmusal kaming apat.

"Mabuti na. Nahuli na ang maysala at sisiguraduhin ko na mabubulok sila sa bilangguan. Sya nga pala Lisa, sobrang thank you sayo. Napakalaki ng tulong na ginawa mo." sabi ni Jimin sa asawa ko. Ngumiti naman ang asawa ko sa kanya.

"Ano? Bakit ka nagpapasalamat sa kanya eh di ba kami ni Jk ang tumulong sayo? Pakiexplain nga. Samin ni Jk di ka nagthank you." paawa effect na naman si V. Kahit ako nde ko maintindihan kung bakit nagtethank you si Jimin sa asawa ko.

"Syempre kayo pa V at Jk. Sobrang pasasalamat ko sa inyo. Pero hindi ko ineexpect na tutulungan ako ni Lisa." sabi ni Jimin.

"Mahal pinautang mo si Jimin?" tanong ko sa asawa ko. Ngumiti lang ang asawa ko. Kainis to naglilihim sakin.

"Hindi naman nya ako pinautang. Actually pinahiram nya sakin ang ibang trainees para magtrabaho sakin at mag undercover sa kompanya ko. Yung iba kasi walang mga trabaho kaya tinanggap ko kapalit sa mga tinanggal ko sa trabaho dahil puro sila salot sa kompanya. Hanggat gusto nilang magtrabaho at loyal sa kompanya ko welcome sila. Atleast alam ko may mga mapagkakatiwalaan ako diba. Medyo mas mataas lang pasahod ko sa kanila kaysa sa regular employees ko. Sa tulong nila unti unti kong napapakulong ang maysala." paliwanag ni Jimin.

"Wow ang galing! Hindi ko naisip yun ah. Pero bakit mga trainees? Di bat mas mapapadali ang paghuli kapag mga elites?" tanong ko.

"Ang mga trainees kasi allowance lang ang napupunta sa kanila. Kapag walang madadaling mission eh wala silang kita. Sa dami nila, hindi ko sila mabigyan agad ng regular job. Kaya naisip ko na irecommend sila kay Jimin. May trabaho na sila, may spy pa si Jimin. Oh di ba hahaha. Isa pa hindi purket trainees sila eh mahihina pa sila. Once na makapasok ka na maging trainees ibig sabihin may kakayahan ka na angat sa pangkaraniwang tao." nailing na lang ako sa sinabi ng asawa ko. Kaya sobra ang paghanga ko dito kasi mabait na sobrang talino pa.

"Teka magrecommend ka din sakin. Yung sobrang loyal ha. Ano kaya kung dagdagan ko ang secretary ko hahaha." sabi ni V.

"Siraulo ka! Eh di lalo ka nang hindi magtatrabaho nyan. Ano puro pirma na lang gagawin mo? Grabe nang pagkatamad nito. Di ko alam kung papaano lumalago ang kompanya mo sa asta mo na yan." sabi ko. Yun ang palagi kong nasa isip kung bakit mayaman pa rin tong alien na to.

"Ako pa ba? Di ba Leo at Lala, genius ang ninong V nyo. Hahaha!" sabi ni V. Habang nilalaro nya ang kambal na nakalagay sa stroller. Napailing na lang kaming tatlo. Natigil ang usapan namin dahil nakarinig kami ng sigaw.

"Lisa! huhuhu! Lisa nasan ka?" mukhang si Rose yun ah.

"Nandito kami sa kusina Rose!" sigaw ko. Pumasok si Rose na panay iyak nya. Nataranta naman si Lisa sa inaasal ni Rose.

"Lisa, tulungan mo ako huhuhu. Tinangay nila si Jennie at Jisoo. Iligtas natin sila huhuhu" pagmamakaawa ni Rose. Luluhod sana sya pero inagapan ni Lisa.

"Wag kang luluhod. Hindi mo kailangan na magmakaawa sakin kasi tutulong ako na mahanap sila. Sabihin mo muna sakin ang nangyari." sabi ng asawa ko. Kalmado si Lisa pero alam ko sa loob loob nyan nagpapanic na ito. Kailangan nya lang maging matapang dahil baka lalong panghinaan si Rose.

"Ano bang nangyari Rose? Huminga ka muna ng malalim at ikalma mo ang sarili mo." sabi ni Jimin. Huminga muna ng malalim si Rose bago nagsalita.

"Namamasyal kaming apat, si Jennie, Jisoo, ako at ang anak ko sa mall ni Jennie nang biglang may lumapit sa aming isang lalaki na nakamask. Akala namin magtatanong lang o makakasalubong lang namin pero hindi eh inatake nya kami agad. Nakipaglaban sina Jennie at Jisoo tapos pinatakbo kami ni Jisoo at sabi nya magtago muna kami. Tumawag ako ng mga pulis at kina agent Blue kaso bago sila dumating may itinurok sila kina Jennie at Jisoo. Tapos bigla silang hinimatay tapos.... tapos.... isinakay sila sa isang van. Lisa nakita ko si Blake kaya natakot ako lumapit sa kanila dahil mas naisip ko ang anak ko. Huhuhu masama na ba akong kaibigan? Di ko man lang sila tinulungan. Parang awa nyo na iligtas nyo sila." sobra sobrang pagmamakaawa ni Rose kay Lisa.

Napansin ko na biglang tumahimik si Lisa. Nakayukom ang kamay nya. Niyakap naman ni Jimin si Rose at lumapit ako kay Lisa.

"Ano mahal tara na sa headquarters. Magtutulungan tayong masagip sina Jisso at Jennie." tumango naman si Lisa sa sinabi ko.

"Rose kunin mo ang anak mo at dalhin mo dito ikaw na rin muna bahala sa kambal. Safe naman kayo dito sa bahay ko. Jimin tawagin mo ang mga tanders at papuntahin mo dito. Maige na na sama sama sila habang wala tayo. V pakihanda na ang 2 sasakyan natin na nasa garahe. Itype mo lang ang code na 1167 para makapasok ka sa garahe. Jk tulungan mo akong buhatin ng mga gagamitin nating armas laban sa kanila." sabi ni Lisa.

Dumating ang mga tanders sa bahay at binigyan ng instuction ni Lisa ang mga ito sakaling may makapasok sa bahay. May secret room duon si Lisa na talagang hindi mo mapapansin ang pinto. Nang matapos nya na sabihan sila Rose at mga tander ay sumakay na kami sa kotse at nagtungo sa headquarters.

Nadatnan namin na nagkakagulo sa headquarters. Even the boss, Jennie's dad was a mess. Naintindihan naman namin dahil anak nya si Jennie. But he is the boss at kailangan nya maging kalmado. Nagulat na lang ako ng lapitan ni Lisa si bosa at biglang nyang sinampal nya ito.

"Alam mo ba sa ginagawa mong yan lalonb napapahamak si Jennie? Kumalma ka muna. Panay utos ka sa kanila ng mga bagay na walang katuturan. Mukhang hindi nyo pa sila natatrack ano? Dapat unahin nyo ito." sabi ni Lisa.

"Inuna na namin yun kaya lang napakalakas ng system nila at hindi namin mabreak ito. Papasok pa lang kami bigla kaming ibablock. Sampu na kami na sunod sunod na gumagawa kaso wala pa din eh." paliwanag nung isang agent sa tech department.

"Masyado silang malalakas at magagaling. Kaya nagpapanic ako. Pero tama ka kailangan kong kumalma kung gusto kong masagip ang anak ko." sabi ni Boss.

"Ok simulan na natin. Uumpisahan ko sa tech dep. Boss pakihanda ang mga nasa field department. Kakailanganin ko ang mga elites. Bigyan nyo ako ng 1 oras hanapin sila. Tara Jimin , V at Jk tulungan nyo ako." sabi ng asawa ko.

Pumasok kami sa kwarto ni Lisa sa tech. Umupo agad si Lisa sa harap ng computer. Puno ang lamesa ng mga laptop. 5 laptop at isang desktop ang nakapaligid kay Lisa. Tapos may monitor pa na pagkalaki laki. Inumpisahan na ni Lisa na magtipa sa computer. Ang bilis ng galaw ng mga daliri nya. Nakakamangha.

"V at Jk tignan nyo sq monitor kung may lalabas na kulay pink at gold na dot. Kapag lumabas ito bilisan nyong alamin kung saang lugar ito nakatigil. Medyo nahihirapan akong pumasok at tumagal kaya pakibilisan. Jimin back upan mo ako.  Ikaw na bahala sa 2 laptop. Kaya mo ba?" utos ni Lisa.

"Kaya, kakayanin ko." sagot naman ni Jimin.

Kalahating oras na kami na nag aantay kay Lisa. Panay na reklamo at sigaw na ni Lisa. Alam kong nanggigigil na sya dahil hindi sya makapasok. Tinapik ko ang balikat ng asawa ko. Tumingin sya sakin at huminga ng malalim. Tumango sa sakin bago humarap ulit sa computer. Bumalik din ako sa monitor na nakatoka sakin.

"Lisa nakita ko na! Yung pink nasa Tagaytay!" sabi ni V. Napansin ko naman ang gold na dot. Kumunot ang noo ko.

"Mahal yung gold nasa Subic! Teka! nawala agad. Sina Jisoo at Jennie ang dot di ba? Ibig sabihin magkahiwalay sila? Si Jennie sa Tagaytay at si Jisoo sa Subic." sabi ko at tumango si Lisa.

Tatawag na sana si Lisa para ipaalam kay Boss kaso biglang may nag email kay Lisa. Binuksan nya ito agad at lumabas ang mukha ni Josh sa screen.

"Ano Lisa kaya mo pa ba? Hindi ka makapasok sa system namin ano? Bilis bilisan mo babe kasi baka mainip ako. Sino sa dalawa ang gusto mo unahin ko?" sabi ni Josh. Pinakita sa magkahiwalay na screen na nakatali sila sa tag isang upuan. May tape ang bibig nila.

"Hayop ka Josh! Papatayin kitang hayop ka! Subukan mong saktan sila at makikita mo ang hinahanap mo. Sisiguraduhin kong pagdudusahan mo lahat." pagbabanta ni Lisa.

"Isa lang naman ang gusto ko babe. Yung ang sumama ka sa akin. Kaya naman kitang paligayahin. Hindi ka magsisisi pag nakasal ka na sakin." sabi pa ni Josh.

"Gago! Hindi mo babe si Lisa at isa pa kasal na kami. Pakyu ka! Tignan mo ang sing sing namin. Subukan mong agawin ang asawa ko, sisiguraduhin kong ako ang papatay sayo!" sigaw ko.

"Madali lang yan babe. Papawalang bisa natin ang kasal mo. Sasama ka sakin sa ibang bansa. Bilisan mong iligtas ang mga kaibigan mo bibigyan kita ng isang araw. Bilisan mo baka hindi mo na sila maabutan ng buhay." sabi pa ni Josh bago ito mawala sa screen.

"Sisiguraduhin kong mamamatay ka Josh kapag sinaktan mo mga kaibigan ko. Ipinapangako ko maipaghihiganti ko si Errol. Hindi ko na rin kakailanganin ng isang araw bago sumugod sayo. Tara na V, Jimin at Jk punta na tayo sa conference room. Maghanda na kayo para sa giyera kakaharapin natin." tumango naman kaming tatlo.

Lumabas na kami ng tech department at papunta na sa conference room. Inakbayan ko si Lisa at hinalikan sa noo. Alam kong kakalma ang asawa ko sa ganitong paraan. Wag ka mag alala mahal nasa likod mo palagi ako at hindi kita hahayaang mapahamak.


Load failed, please RETRY

สถานะพลังงานรายสัปดาห์

Rank -- การจัดอันดับด้วยพลัง
Stone -- หินพลัง

ป้ายปลดล็อกตอน

สารบัญ

ตัวเลือกแสดง

พื้นหลัง

แบบอักษร

ขนาด

ความคิดเห็นต่อตอน

เขียนรีวิว สถานะการอ่าน: C60
ไม่สามารถโพสต์ได้ กรุณาลองใหม่อีกครั้ง
  • คุณภาพงานเขียน
  • ความเสถียรของการอัปเดต
  • การดำเนินเรื่อง
  • กาสร้างตัวละคร
  • พื้นหลังโลก

คะแนนรวม 0.0

รีวิวโพสต์สําเร็จ! อ่านรีวิวเพิ่มเติม
โหวตด้วย Power Stone
Rank NO.-- การจัดอันดับพลัง
Stone -- หินพลัง
รายงานเนื้อหาที่ไม่เหมาะสม
เคล็ดลับข้อผิดพลาด

รายงานการล่วงละเมิด

ความคิดเห็นย่อหน้า

เข้า สู่ ระบบ