Jungkook's Pov
Araw na ng pag uwi namin ng pamilya ko. Pinayagan na ni Rose na makauwi na kami. Nandito ang buong BTS at Blackpink. Kasalukuyan na pinag uusapan namin ang seguridad sa buhay namin.
"Hindi tayo sigurado sa mga tirahan ninyo. Mabuti pa na sa compound ng mga agents kayo tumira pansamantala. Di tayo nakakasigurado sa pwedeng mangyari sa inyo." sabi ni Jennie.
"Sang ayon ako kasi nung nakaraan may naaligid sa bahay nila Jk." sabi ni Namjoon.
"Totoo ba yan? Bakit hindi mo agad sinabi?" tanong ni Jisoo.
"Hindi ko sigurado. Sa sobrang dami ko din na inaasikaso malamang nakalimutan ko sya." sabi ni Namjoon.
"Namjoon, Jin, Jhope at Suga sasamahan kayo nila Jennie at Jisoo. Mag empake na kayo ng mga importanteng gamit ninyo. Pagkatapos wag nyo kakalimutan i on ang mga cctv ng mga bahay nyo." sabi ni Lisa.
"Mahal nasa sasakyan na lahat ng mga gamit natin pati na ng mga bata." sabi ko.
"Salamat. Mauuna na tayo nila Rose na pumunta sa bahay at dun na natin pag uusapan ang mg gagawing hakbang. Kayo V at Jimin, ready na ba kayo sa mission nyo?" sabi ni Lisa.
"Oo naman sis kami pa ba ni Jimin." sabi ni V.
"Nakaempake na ba kayo?" tanong ko.
"Oo naman handang handa na kaya kami hehehe." sabi ni Jimin.
"Oh sige na uwi na tayo sa bahay nyo." sabi ni Rose.
Pagkauwi namin ng bahay agad naming inayos ang hihigaan ng kambal sa kwarto namin ni Lisa.
"Rosie simula ngaun habang nakaleave ka pwede bang tulungan mo muna ako mag alaga sa kambal? At alam ko wala kang pera dahil sa mga magulang mo kaya naman suswelduhan kita. Di ka naman pwede magtrabaho sa labas dahil sa mga problema kaya naman sakin ka muna magtatrabaho. At dahil natauhan ka na may regalo ako sayo bukod sa suswelduhin mo sakin." sabi ni Lisa. Tumango tango naman si Rose.
"Salamat Lisa." sabi ni Rose.
"Mahal kailangan bang sumabak ka ulit sa labanan? Hindi ba pwedeng ako na lang?" sabi ko.
"Hindi mo pa kaya si Josh. Nakita nyo naman sya nung huli kung gaano sya kagaling sa pakikipaglaban. Mahal, hindi ako matatahimik hanggat malaya pa sya. Gusto ko syang pagbayarin sa ginawa nya kay Errol at lalong lalo na sa pagbabalak na dukutin ang kambal." paliwanag ni Lisa.
"Cge kung hindi na kita maaawat pa basta lagi mo akong kasama. Gusto ko ako ang maging partner mo. Para mapanatag ako." sabi ko.
"Cge mahal kung yan ang gusto mo." sabi ni Lisa.
Bumukas ang pinto at isa isang nagpasukan ang iba pa naming mga kaibigan.
"Ano nang plano natin?" sabi ni Suga.
"May gaganaping malaking bentahan sa black market ng mga droga at mga armas. Napag alaman ko na ang tatay ni Rose ang namumuno sa pagbebenta. Isa pa miyembro ang ama nya ng mafia." sabi ni Jennie.
"Anong black market?" tanong ni Jin.
"Ang black market ay ang mga bentahan ng mga illegal na kalakal tulad ng droga at mga armas. Karaniwang mga miyembro ng mafia ang mga kasali dito. Ang mga mafia ay mga grupo na kumakalaban sa gobyerno. Makapangyarihan sila dahil wala silang sinasantong tao. Pinapatay nila lahat ng hahadlang sa kanila. Sila din ang matagal na naming sinusubaybayan." paliwanag ni Jisoo.
"So anong plano natin. Kailangan bang umatake sa kanila? Pipigilan ba natin ang bentahang magaganap?" tanong ni V.
Tama ka V. May basbas na tayo sa mga kinauukulan sa paglusob dito. Ang mga pulis ang huhuli sa kanila, tayo lang ang aatake." sabi ni Jennie.
"Sasabihin ko sa inyo ang mga parte nyo sa mission nyo. Kayo Namjoon, Suga, Jhope at Jin may iba akong ipapagawa sa inyo. Ikaw naman V, Jungkook at Jisoo ang mga aatake kasama ang iba pang elite. Si Jennie at Jimin ang sa tech department na maaassign sa van at ikaw Rose aantabay kayong mga medic. Naintindihan nyo na ba?" sabi ni Lisa.
Himala hindi ka sasama?" tanong ni Jennie.
"Malamang magpapadede ako sa kambal. Hahaha may iba akong gagawin. At isa pa kayang kaya nyo na yan." sabi ni Lisa.
"Bakit ano bang gagawin mo? Pwede ba wag ka na maglihim pa nakakainis ka na." sabi ni Jisoo.
"Wag kayong mag alala babantayan ko kayo. Ako ang magiging gabay ninyo bukod kina Jennie at Jimin. At isa pa may mga kompanya akong pababagsakin at mga ari ariang dapat kunin." sabi ni Lisa.
"Hala sya, nakakatakot ka pala talagang makaaway. Hindi kita aawayin, baka maubos ang kayamanan ko." sabi ni Jhope
Nagtawanan kami sa sinabi ni Jhope pero talagang nakakatakot magalit ang asawa ko. Ilang beses ko na nasubukan. Mabait sya talaga pero pag inaway mo ang mga mahal nya sa buhay ay kaya nyang pabagsakin ang kaaway nito.
"Kaninong kompanya naman ang magiging kaawa awa?" tanong ni Namjoon.
"SDR Company. Actually nag uumpisa na ako. Uunahin ko ang mga shareholders tapos bibilhin ko isa isa ang mga ito. Kayong apat Namjoon, Suga, Jin at Jhope, kayong apat ang gagawin kong front sa pagbili nito. Pati na sa meeting na magaganap para sa mga shareholders. Wag kayong mag alala papayag sila. All you have to do is to let them sign the contracts." paliwanag ni Lisa.
"Gaano ka naman makakasigurado na pipirma sila." tanong ni Suga.
"100% sure yan. Si Lisa pa ba. Eh pag di nagsipirmahan yan malamang may mga nakahandang baho ang mabubunyag hahaha." sabi ni Jennie.
"Kilalang kilala mo na talaga ako." sabi naman ni Lisa.
"So scary!" sigaw ni Jimin.
"Lisa pakiusap wag mo silang sasaktan. Pamilya ko pa rin sila, nakikiusap ako sayo." pakiusap ni Rose.
"Gaga ka ikaw na nga itong binugbog at ibinenta tapos sila pa din ang iisipin mo. Kahit tita ko pa sya ay hindi uubra sakin ang mga ganyan. Kahit magmakaawa pa sila." sabi ni Jisoo.
"Pasensya na pero may isa pa akong pabor Lisa. Kasi may itinatago akong lihim sa inyo, tatlong taon na ang nakakaraan. Ito ang dahilan kung bakit ako nagpapaalipin sa kanila." sabi ni Rose.
"Eto ba yung bigla kang umalis sa agency at nagresign? Tapos ilang taon ka naming hindi mahagilap?" tanong ni Jennie at biglang umiyak si Rose.
"Oo. Parang awa nyo na tulungan nyo akong mailigtas ang anak ko huhuhu." sabi ni Rose.
"Anak!" sabay sabay naming sabi.
"Anak! May anak ka na? Bakit hindi mo agad sinabi. Gaga ka talaga. Naku makukutusan kita eh. Sana inuna kong iligtas ang anak mo." sabi ni Lisa
"Hindi ko na kasi alam ang gagawin ko. Sabi ni papa pagnagsumbong ako at hindi sumunod sa kanila ipapapatay nila ang anak ko. Natatakot ako para sa anak ko. Please help me huhuhu." sabi ni Rose.
"Naiintindihan ka namin pero sana Rose pinagkatiwalaan mo kami. Sana nuon pa ay nagawan natin ng paraan yan. Nakakalimutan mo ata na mga Agent tayo. Ang dami na nating natulungan tapos ikaw pa ba hindi namin tutulungan?" sabi ni Jennie.
"Patawad. Pakiusap iligtas nyo ang anak ko huhuhu." pakiusap ulit ni Rose.
"Tutulong kaming lahat sa iyo, asahan mo yan Rose. Matitiis ka ba nila lalo na ng asawa ko." sabi ko.
"Cge pagplanuhan na rin natin yang maige. May idea ka ba kung nasaan anak mo?" tanong ni Jisoo.
"Oo bago sya mahiwalay sa akin, nailagay ko yung hikaw na binigay ni Lisa." sabi ni Rose.
"Kaya pala hindi ko nakikita sa tenga mo yun. Maige naman at nailipat mo sa anak mo. Mabuti naman at umaayon pa sa atin. Tamang tama at mahahanap ko agad sya." sabi ni Lisa.
Wala eh genius ang asawa ko.
"Pede bang magtanong? Sino ang ama?" Nasaan nga pala yung ama nya?" tanong ni Jimin.
"Si Blake. Ang hayop na yon huhuhu. Ni rape nya ako. Parang awa nyo na iligtas nyo ang anak ko huhuhu." sabi ni Rose at humagulgol ito.
Napasinghap kami lahat at natulala. Di namin inaasahan na bukod sa mga sugat at bentahan ay mararanasan pa ni Rose ang marape. Niyakap nila Jennie, Jisoo at Lisa si Rose.
"Wag ka mag alala ililigtas natin sya. At wag na wag mo nang sasabihin na iyon ang ama nya. Hayop sila, mga walang kaluluwa." sabi ni Lisa.