Lisa's Pov
Kanina pa ako lakad ng lakad hindi ko alam kung saan ako pupunta? Nadatnan ko na lang ang sarili ko na naglalakad sa bahay namin ni Jk. Binuksan ko ang pinto at pumasok sa bahay. Napansin ko si Jk na nakaupo sa sofa.
"Mahal bakit ka natutulog dyan sa sofa. Teka asan na si baby?" sabi ko.
Ayaw naman gumising ni Jk. Sinubukan kong tapikin si Jk. Nang hawakan ko sya napansin ko na malamig ang katawan nya.
"Jk anong nangyayari sayo. Gumising ka nga. Wag ka magbiro ng ganyan!" sabi ko.
Hindi pa rin na gumigising si Jk kahit anong gawin kong alog sa kanya.
"Hindi gigising yan kahit anong alog mo sa kanya." sabi nung lalaking biglang sumulpot sa harap ko.
"Anong ginawa mo sa asawa ko Josh! Hayop ka! Papatayin kita!" sabi ko.
"Wala kang magagawa, akin ka lang hahaha! Tinurukan ko sya ng gamot na walang lunas hahaha! Isusunod ko na ang anak mo." sabi ni Josh.
"Huwag! Papatayin kita!" sabi ko.
Bigla naman akong nagising. Panaginip lang pala. Masamang panaginip. Bumukas ang pintuan at pumasok si Jk at lumapit sa akin na hinihingal pa halata mong tumakbo ito.
"Anong nangyari mahal bakit ka nasigaw?" tanong nya.
"Wala naman mahal nanaginip lang ako. Masamang panaginip." sabi ko sa kanya tapos niyakap ko sya.
"Kung ano mang masamang panaginip mo na yun eh kalimutan mo na. Di ba sabi pagnanaginip ka, kabaliktaran ang mangyayari?" paliwanag naman ni Jk.
"Siguro tama ka. Pero mahal mag iingat ka pa rin palagi ha." sabi ko.
"Oo naman mahal. O sya matulog ka na ulit at tatapusin ko muna yung mga dapat pirmahan sa opisina bukas." sabi naman nya.
Dito na kasi muna nag oopisina si Jk dahil gusto nya palagi na may kasama ako. Si Manang Rita kasi umuwi ng probinsya dahil nagkasakit ang anak nya. Sinagot naman ni Jk ang lahat ng gagastusin ni Manang Rita para sa anak nya.
Nagising akong katabi na ang asawa ko. Dahan dahan akong bumangon dahil nagugutom ako. Ayaw ko namang gisingin si Jk dahil alam ko na puyat iyon sa mga gawain sa opisina.
Bumaba ako at nadatnan ko si V na nanunuod ng tv. Di na nakapagtataka salitan sila ni Jimin para umalalay kay Jk sa pagbabantay sakin.
"Oh Lisa gising ka na pala. Saan ka pupunta?" tanong ni V.
"Nasakit ang tyan ko, nagugutom ata ako. Ayoko naman gisingin ang asawa ko kasi alam ko puyat sya kaya ako na ang bumaba para kumuha ng pagkain ko." sabi ko sa kanya.
"Ah ganun ba? Gusto mo ba ipagluto kita? Kaya ko naman ang simpleng prito hahaha." sabi ni V.
"Hindi na, parang gusto ko kasi ng cereal at milk. Yun na lang kakainin ko." sabi ko.
"Samahan na kita. Baka mapaano pa kayo ng inaanak ko hahaha." sabi pa nya.
Masaya ako kasi kahit napakaover protective nila eh alam ko naman na gusto lang nila akong maging safe. Sanay na ako sa kanila. Feeling ko tuloy ang dami kong kapatid na nagbabantay sa akin.
Patuloy pa rin ang pagsakit ng tiyan ko. Tumayo ako para maglakad lakad. Medyo may kaalaman na ako sa mga buntis dahil nagkaroon kami ng agent na nanganak sa headquarters. Patuloy pa din ako sa paglalakad.
"Lisa bakit kanina ka pa palakad lakad dyan? Teka lang di mo na ba mapigilan at naihi ka na dyan?" tanong ni V.
Kalmado ko naman na tinignan ang binti ko. Pumutok na ang panubigan ko, ibig sabihin manganganak na ako.
"V, pakigising na si Jk. Pakisabi na manganganak na ako. Pakikuha na din ang gamit ng baby." sabi ko sa kanya.
"Ano manganganak ka na? Teka ano uunahin ko. Tatawagan ko muna sina Jimin? Kukunin ko yung kotse, bubuhatin na ba kita?" sabi ko na nga ba matataranta tong si V.
"Anong nangyayari dito at parang natataranta ka alien?" tanong ni Jk.
"Mabuti naman at gising ka na. Kunin mo na ang gamit ng bata at dalhin mo na ako sa ospital. Manganganak na ako. Bilisan mo na at pumutok na panubigan ko!" sabi ko kay Jk.
"Ano? Bat di nyo ako agad ginising? Sandali lang mahal. Alien! tawagan mo na ang Bts, dalian mo!" sigaw ni Jk kay V.
Tinawagan na nga ni V ang buong Bts. Imbes na problemahin ko ang sakit ng tyan ko eh natatawa pa ako sa kinikilos ni V hahaha. Parang sya ang asawa sa sobrang taranta. Nagdatingan na ang ibang mga kaibigan namin.
"Jimin ikaw na ang magmaneho. Natataranta kasi itong si V. Bilisan na natin at hindi na maipinta ang mukha ni Lisa." sabi ni Jk.
"Jk susunod kami sa inyo. Natawagan ko na rin sila Jisoo. Magkita kita na lang daw tayo sa ospital." sabi ni Namjoon.
"Dalian nyo sobrang sakit na ng tiyan ko huhuhu." pagmamakaawa ko.
"Oo nga dalian nyo. Baka makalbo na ako sa sobrang sakit ng sabunot ni Lisa." sabi ni V
"Oo mahal eto na pupunta na tayong ospital." sabi Jk.
Jungkook's PoV
Di namin alam kung paano kami nakarating sa ospital. Ang alam ko puro sigaw ni Lisa dahil sa sakit ng tiyan nya tapos pati si V panay din sigaw kasi sya yung nasasabunutan ni Lisa.
Isinakay na si Lisa sa wheelchair at ipinasok sa delivery room. Si Rose ang doktor na magpapaanak kay Lisa. Naghihintay kami nila V at Jimin sa labas ng delivery room nang magdatingan ang iba pa naming kaibigan.
"Kamusta ang mag ina mo Jk?" tanong ni Jisoo.
"Wala pa. Kakapasok pa lang nila sa delivery room." sabi ko habang pabalik balik ako ng lakad sa harap ng delivery room.
"Pwede bang umupo ka muna Jk at nahihilo ako sa kakapabalik balik mo dyan." sabi ni Suga.
"Eh kinakabahan ako eh. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko." sabi ko.
"Sana maging okay sila Lisa. Nasasabik na akong makita si baby." sabi ni Jennie.
"Wag kang mag alala Jennie, parang di mo kilala si Lisa. Walang inuurungan yang babae na yan eh." sabi ni Jisoo.
"Sya nga pala Jk may nakahanda na ba kayong pangalan para sa baby. Pwede bang Jin Jr.?" sabi ni Jin. Binatukan naman sya ni Namjoon.
"Sira ka ba? Anak mo ba yan at gusto mo maging Jr. mo? Nababaliw ka na ba?" sabi ni Namjoon.
"Meron na kaming napili ni Lisa na pangalan babae man o lalaki." sabi ko sabay ngiti.
Tinapik naman ako ni Jimin at inakbayan ako ni V.
"Tatay ka na Jk. Akalain mo ikaw pala ang mauunang magkapamilya sa atin." sabi ni V. Di maalis ang ngiti sa labi ko sa sinabi ni V na tatay na ako.
Naririnig namin ang sigaw ni Lisa. Naaawa ako sa kanya dahil nararanasan nya ang ganyang sakit. Sumunod ay narinig namin ang iyak ng isang bata.
Bumukas ang pinto at lumabas si Rose.
"Rose kamusta ang mag ina ko?" tanong ko sa kanya.
"Babae ba ang baby?" tanong ni Jennie.
"Sana lalaki." sabi naman ni Jhope.
"Congrats Jk tatay ka na ng kambal. Girl at Boy ang anak ninyo." sabi ni Rose.
"Kambal?" sabay sabay naming sabi.
"Kamusta naman ang asawa ko?" tanong ko.
"Mabuti naman ang kalagayan ni Lisa. Lilinisan muna ang mag iina mo tapos mamaya ililipat na nang kwarto si Lisa. Tapos isusunod ko na yung kambal. Ako na ang magdadala sa kwarto nyo. Mauna na kayo sa room 2019 sa 3rd floor." sabi ni Rose.
Lalong di maalis ang ngiti ko sa labi. Pinagmamasdan ko ang mga kaibigan namin na masasaya. Salamat po Panginoon at ligtas ang mag iina ko.
"Tara na Jk. Dun na natin hintayin si Lisa sa kwarto nya." sabi ni Jimin.
Tumango ako at nag akyatan na kami papuntang 3rd floor.