Jungkook's Pov
Naalimpungatan ako ng biglang tumayo si Lisa at nagpunta ng banyo. Sinundan ko ito at hinagod ang likod dahil nasuka na naman si Lisa. Sabi ni Rose natural naman daw yun. Ganyan ba talaga ang pagbubuntis? Nahihilo, nagsusuka at humihiling ng kung ano anong kakaiba. Naalala ko pa nga yung nangyari kagabi.
"Jk gising na. Jk!" nagising naman ako sa pag aalog sakin ni Lisa.
"Ano ba yun mahal. Tulog na tayo mahal, may meeting pa kami bukas." sabi ko. Tapos bigla ba namang umiyak si Lisa.
"Hindi mo na ako mahal. Ginising lang naman kita kasi nagugutom ako" sabi nya.
"O sya sya. Ano ba gusto mo?" tanong ko.
"Gusto ng langka na kulay pink. Tapos bili ka ng ice cream na bubblegum flavor. Tapos last na lang pizza na tinapa flavor with shrimp ha." sabi ni Lisa.
"Pero Lisa san naman ako makakakuha ng mga yan. Wala namang pink na langka ha at yung pizza bakit tinapa flavor nya. Buti pa yung ice cream madali lang. At isa pa alas onse na. Wala nang mga bukas na bilihan." sabi ko.
"Ayoko na! Hindi mo na ako mahal. Eh sa ayun ang gustong kainin ng anak mo eh. Kung ayaw mo, ako na lang ang bibili." sabi nya sabay tayo at kinuha ang wallet nya.
Agad ko naman pinigilan si Lisa sa paglabas ng kwarto.
"Cge na mahal, matulog ka na. Bibili na ako at pag uwi ko gigisingin kita para makakain." pagkukumbinsi ko sa kanya na matulog. Bawal daw kasi magpuyat ang mga buntis.
"Sabi mo yan ha. Promise? Dalian mo ha gutom na kami ni baby. I love you!" sabi ni Lisa
"Love you too. Tulog ka na ha. Alis na ako." pagpapaalam ko.
Hiniga ko muna si Lisa at kinumutan, bago ako lumabas ng kwarto. Nasa sala na ako at nakaupo nang maisipan ko tawagan ang dalawa. Magpapatulong ako sa mga bibilihin ko.
"Hello Jk! Problema mo? Sarap na ng tulog ko." sabi ni V.
"Punta kayo dito. Dalhin mo si Jimin. May problema akong malaki. Bilisan nyo at dito ko na sasabihin." sabi ko.
Dumating naman agad ang dalawa. Ganyan yang mga yan pagtumawag ako, importante man o hindi laging nadating sila. Ganun din ako sa kanila.
"Oh ano ba ang problemang malaki mo? Bakit mo kami tinawagan?" sabi ni Jimin. Hahaha puro pala kami nakapajama.


"Si Lisa kasi eh naghahanap ng pagkain." sabi ko.
"Naghahanap lang pala ng pagkain. Eh bakit dinamay mo pa kami?" tanong ni V.
"Pano ba naman kasi nde ko alam kung saan kukuha ng pagkain ni Lisa. Gusto nya ng langka na kulay pink. Tapos ice cream na bubblegum flavor at last ay yung pizza na tinapa flavor with shrimp." sabi ko. Sabay tawa naman ng mga mokong.
"Langya Jk, iba din trip ng mag ina mo hahaha. Saan naman tayo kukuha ng langka na kulay pink." sabi ni Jimin.
"Tapos pizza na tinapa? Hahaha!" sabi ni V.
"Kaya ko nga kayo tinawagan eh, hindi ko alam kung saan kukunin. Buti yung ice cream madali dali. Ano may naisip ba kayo?" tanong ko.
"May kakilala akong kaibigan na may pizza restaurant. Baka pwede natin pakiusapan gumawa nung tinapa pizza hahaha." sabi ni Jimin.
"Paano yung langka? San naman tayo kukuha nun?" sabi ko.
"Bakit di na lang natin kulayan ng pink ung langka. Hanap tayo ng edible na food coloring. Siguro naman pwede na yun hahaha." sabi ni V. Nagulat naman si V ng yakapin ko sya.
"Walanghiya ka alien, may sense ka din palang kausap. Galing mo. Your the best!" sabi ko.
"Ulol! Tinutulungan na kita, tinawag mo pa akong alien." sabi ni V.
"Ikaw naman joke lang yun. Sige ka paglabas ng baby ko hindi kita gagawing ninong." sabi ko.
"Wag namang ganun. Halika na nga bili na tayo ng pagkain ng inaanak ko hahaha!" sabi ulit ni V.
Tara na daldal pa kayo ng daldal. Baka malipasan pa ng gutom yung mag ina mo." sabi sakin ni Jimin.
Umalis na kaming tatlo. Inuna na naming magpagawa ng pizza. Buti na lang at 3am pa sila nagsasara. Nakakahiya nga pinagtatawanan kami kasi nakapajama pa kami. Pero naintindihan naman nila nung pinaliwanag ko na ang pizza ay para sa mag ina ko.
Nakaalis na kami sa pizza parlor at kasalukuyang nasa convenience store para bumili ng ice cream.
"Bwisit ka Jk. Di mo man lang kami pinagpalit ng damit. Naranasan tuloy naming pagtawanan dahil sa suot natin." sabi ni Jimin.
"Ayos lang yan,tatlo naman tayo hahaha!" sabi ko.
"Wag ka na nga magreklamo. Para naman sa inaanak natin to. Bilisan na lang natin para makatulog na tayo." sabi ni V.
"Tara na bayaran na natin tong ice cream at daanan na natin ang langka at pizza. Antok na ako." sabi ni Jimin.
Nakauwi na kami sa bahay ko kasama ko pa rin yung dalawa. Nagulat kaming tatlo nang madatnan namin si Lisa na nakahalukipkip ang kamay.
"Ang tagal nyo naman gutom na gutom na ako." sabi ni Lisa.
"Eto na mahal ko. Sige kukuha lang ako ng lagyanan mo at plato para makakakain ka na." sabi ko.
Matapos ko maghain ng pagkain agad naman na nilantakan ni Lisa. Kasalukuyan nyang kinakain ang pizza na tinapa.
"Bakit kayo nakatingin sakin? Gusto nyo ba? Tikman nyo masarap sya." pag aalok ni Lisa.
"Hindi na mahal kumain kayong mabuti ng baby natin hehehe." sabi ko.
"Ayaw nyo eh di wag. Hmp! Ang sarap kaya." sabi ni Lisa
"Jk mabuti na lang at sa bahay ko natin dineretso at kinulayan. Baka pag nakita ni Lisa na kinulayan lang natin, baka magwala lang sya." bulong ni V.
"Tama ka nga alien. May utak ka pala hahaha." bulong din ni Jimin.
"Ano binubulong bulong nyo jan?" tanong ni Lisa.
"Wala mahal inaantok na daw sila. Uuwi na daw sila." sabi ko.
"Ah ganun ba? Sige babye. Thank you sa pagsama kay Jk." sabi naman ni Lisa.
At yun na nga ang nangyari kagabi. Mukhang makakatulog na naman kaming tatlo sa meeting ng BTS. Masesermunan na naman kami ng mga tanders. Sana hindi muna magpabili si Lisa mamaya.