Jungkook's Pov
Lumipas ang mga araw na maayos ang nangyayari sa amin. Napag alam nila Lisa na lumabas ng bansa ang grupo ni Josh. Huling engkwentro namin sa kanila ay nang magpunta kami sa bahay ng mga magulang ni Lisa. Maghahanap sana kami ng ebidensya sa kanila kaso pagdating namin hinahalughog na nila ang buong lugar.
Nung mga oras na iyon nagkaharap si Lisa at Josh. Nung mga oras na iyon parang tumigil ang puso ko ng makita kong nakatutok ang baril kay Lisa. Alam ko naman na magaling si Lisa at kaya nyang ipagtanggol ang sarili nya kaso iba pa rin pag actual mong nakikita na nasa panganib sya. Sa huli nabaril ni Lisa si Josh sa tiyan nya. Nakatakas sila at alam namin na buhay pa sya at malamang lalong gaganti yun.
Simula nuon naging tahimik ang buhay namin. Napag alaman namin na umalis ng bansa ang mga ito. Nakauwi na rin kami sa kani kaniyang bahay namin. Kami nila Lisa, Jimin at V, pabalik balik kami sa agency.
"Jk, nasan si Sis? Bakit parang mag isa ka dito." tanong ni Jimin na kakapasok lang sa bahay ko kasama si V.
"Kasama yung ibang girls, nagshopping at magpapaspa daw sila." sabi ko.
"Napapadalas ang lakad nila ah. Ganun ba talaga ang mga babae. Panay shopping?" tanong ni V.
"Hinahayaan ko na lang kasi sabi ni Jennie ngaung lang nila nakakasama sa ganun si Lisa. Kadalasan daw silang tatlo lang. Di ba nga ilag si Lisa nun." sabi ko.
"Parang ikaw lang yan alien, pag may gusto kang game, bibilhin mo agad. Sila madalas bags and shoes." sabi ni Jimin.
"Namimiss ko na mag outing. Gala tayo." sabi ni V.
"Cge magsasabi ako kay Lisa." sabi ko.
"Asan nga pala ang mga tanders?" tanong ni V.
"Palibhasa lagi kayong natakas sa meeting. Nasa Palawan sila, may kameeting sila duon. Kasama nila si Agent Maroon at Agent Blue.
"Pero teka kelan balik nila. Balita ko may nangyari kay Jin?" sabi ko.
"Oo bumalik si Lea at kasama pa ang mapapangasawa nya. Grabe talaga ang babaeng yon, pinagpalit si Jin sa isang mayamang businessman. Ang tagal na nila palang niloloko si Jin. " sabi ni Jimin.
"Tanga lang sya eh mayaman din naman si Jin. Malamang hindi sya para sa kanya. Alam nyo ganyan din ang nangyari kay Jisoo. Ang galing nga ni Lisa maghiganti, inubos ba naman ang ari arian nung mga nanloko kay Jisoo ng isang araw lang." paliwanag ko. Napanganga naman sila sa kinuwento ko.
"Grabe naman pala. At Brad nakakatakot pala awayin yang asawa mo. Ang bilis bumili ng mga ari arian, sabagay mayaman kasi. Naisip ko lang maghiganti din kaya tayo dun para kay Jin. Balita ko pinagtatawanan nung lalaki si Jin. Katuwaan lang oh." sabi ni V.
"Sure! Para kay Jin!" sabay naming sabi ni Jimin.
Napaplano pa lang kaming mag outing ng tumawag si Namjoon. Niloudspeaker ko ito.
"Guys sunod kayo dito sa Palawan. Nadelay ang meeting. Umalis pala si Mrs. Alba. At isa pa nandito si Lea at nagwawalwal na naman si Jin." sabi ni Namjoon sa kabilang linya.
"Nananadya ata yung mga yun. Sa lahat lahat ng lugar na pupuntahan nila, sa Palawan pa talaga sila pumunta." sabi ni Jimin.
"Dont worry may plano kami para hindi magmukhang tanga si Jin pag nagkaharap sila ni Lea." sabi ni V.
"Hintayin lang namin si Lisa bago pumunta dyan. Aalis kami agad." sabi ko.
Binaba ko na ang cellphone. Nagplano na kami kung anong gagawin. Mukhang kailangan namin ang tulong nila Lisa.
Makalipas ang isang oras, dumating din ang mga girls.
"Sabi sa inyo ayokong sumama eh, napagod lang ako." sabi ni Lisa habang papalapit sa akin tapos humalik sa pisnge ko.
"Di ka ba nag enjoy mahal." tanong ko.
"Pano ako mag eenjoy eh grabe mamili pala tong mga to. Parang walang bukas, lahat sinukat. Sa spa lang ako natuwa hahaha." paliwanag ni Lisa.
"Sya nga pala sis, pwede ba kaming makahingi ng pabor sa inyo?" tanong ni Jimin.
"Ano yun? Bakit parang seryoso kayo?" tanong ni Lisa.
"Basta ba kaya namin." sabi ni Rose.
"Ganito kasi, yung ex girlfriend ni Jin na si Lea dumating sa Pinas. Actually nasa Palawan din ito kung nasan si Jin. Yung lalaki medyo minamata si Jin, kasi akala nila mahirap itong kaibigan natin. Akala ni Jin si Lea na ang papakasalan nya. Nung magpropose si Jin, sinabi nung babae na meron na syang iba. Niloloko nya pala si Jin ng mahigit tatlong taon. Umalis nung nakaraang taon ung babae." paliwanag ni Jimin.
"Mahigit tatlong taon? Di ba sya nakahalata na niloloko na sya." tanong ni Jisoo.
"Alam ko may kutob na sya. Pero kilala namin si Jin, itatago nya lang ito. Parang ngaun akala namin ok na sya pero nung malaman nya na dumating si Lea eh nagwawalwal na." sabi ko.
"So ano maitutulong namin sa inyo?" tanong naman ni Jennie.
"Gusto sana namin na may isa sa inyo na magpanggap na girlfriend ni Jin. Kasi masyadong tinatapakan na pagkatao nito." sabi ni Jimin.
"Madali lang yan. Kaso nde ka na pwede Lisa, baka magalit pa yang nasa tabi mo. Oh bunutan tayo ha. May the best actress wins hahaha!" sabi ni Rose.
"Talaga! Payag kayo? Akala namin mahihirapan kami sa inyo." sabi ni V.
"Kaibigan turing nyo sa amin so, kaibigan din namin kayo. Ang magkakaibigan eh nagtutulungan di ba?" sabi ni Lisa.
"So ano plano?" tanong ni Jisoo.
"Bago ang lahat mag empake na kayo at pupunta tayong Palawan. Tapos bibili tayo ng mga dress ninyo para sa engagement party." sabi ko.
"Wow exciting hahaha.." sabi ni Rose.
"Sana makatulong tayo kay Jin." sabi naman ni Jennie.