Lisa's Pov
Hindi ako nakatulog kagabi dahil sa mga sinabi ni Jk. Masaya ako kasi may isang lalaki na gusto ako kahit nde nya pa ako lubos na kakilala. Kaso may mas malaking bumabagabag sa akin.
Naghilamos ako ng mukha ko. Nang matapos ako ng paghihilamos, nanalamin ako.
"Hala! grabe naman ang nangyari sa mata ko, halatang nde ako nakatulog. Alam ko na gagawin ko, make up lang katapat nito hahaha." sabi ko sa sarili ko.
Pagkatapos kong mag ayos bumaba na ako. Nadatnan ko si inay Rita na naghahanda ng pagkain.
"Nay bakit isa lang po yang hinahain nyo?" tanong ko
"Naku nak ikaw lang ang kakain. May meeting daw kasi sila eh. Halika na at maupo ka na para makakain." sabi ni inay.
"Sabayan nyo na po ako nay." pag aaya ko kumain.
"Cge sabay na tayo. Teka bakit ka naka uniform? Sabi ni Master hindi ka muna papasok. Baka kasi mabinat ka." tanong ni inay.
"Ako na po bahala magsabi kay Jk. Nababato na po kasi ako dito. Kailangan ko din pong makahabol sa lesson. Promise po tatawag ako if ever na makaramdam ako ng hilo." sabi ko.
"Bahala ka nga ang tigas din ng ulo mong bata ka. O sya cge na kumain ka na at ng makapasok ka na." sabi ni inay.
Natapos akong kumain at nagpaalam kay inay na aalis na ako. Pagdating ko ng school medyo pinagtitinginan ako.
Gusto kong itanong kung may dumi ba ako sa mukha. Narating ko ang classroom namin. Kumpleto na silang lahat, ako lang pala ang wala.
"Lisa?" tanong ni Jk. Nagsitinginan naman ang mga classmate ko sakin.
"Huh? Ano nangyayari sa inyo? Bakit kau natulala?" tanong ko
"Sis parang ibang tao ka kasi. Lalo kang gumanda sa make up mo hahaha." sabi ni V.
"Tulala nga yung isa dyan eh. Hoy tikom mo bibig mo." sabi ni Jimin.
"Oa nyo ha. Nagmake up lang ako tapos makareact kau ng ganyan." sabi ko. Nagpunta na ako sa upuan ko.
"Lisa bakit ka nga pala pumasok? Nagbilin na ako kay manang na wag ka na muna papasukin. Baka mabinat ka. Nakainom ka na ba ng gamot?" tanong ni Jk
"Isa isa lang ang tanong ha. Pumasok ako kasi bored na ako sa bahay. Pangalawa nagpaalam ako kay inay. Pangatlo nag almusal na ako at uminom ng gamot." sabi ko.
Nagsimula na ang klase at nde na kami nakapag usap pa. Seryosong nakikinig ang mga estudyante maliban sakin. Tumingin ako sa bintana at nagmuni muni. Ang dami ko kasing iniisip.
"Lisa nakikinig ka ba?" Nagulat ako ng tawagin ako ni Mrs. De leon.
"Opo nakikinig po ako." sagot ko. Hala meron ata si Mrs. De leon. Ang init ng ulo hahaha.
"Lisa give me one famous poet." sabi ni mam.
"William Shakespeare was an English poet, playwright and actor, widely regarded as the greatest writer in the English language and the world's greatest dramatist.He is often called England's national poet and the "Bard of Avon". His extant works, including collaboration, consist of approximately 39 plays, 154 sonnets two long narative poems, and a few other verses, some of uncertain authorship. His plays have been translated into every major living language and are performed more often than those of any other playwright."pag eexplain ko.
"Good! Another one, give me one famous qoutes of him." sabi ni mam.
"Love all, trust a few, do wrong to none." sagot ko.
"Good! Ok sit down." sabi ni mam.
Buti na lang alam ko na ung mga nilelesson ni mam.
Nag ring ang bell. Time na para kumain, gutom na ulit ako. Napagod ako kakasagot kay mam De Leon hahaha.
"Tara Lisa sabay sabay na tayo kumain." Aya ni Jk
"Cge gutom na nga rin ako hehehe." sabi ko.
"Sis dun ka na uupo sa tabi namin ha. Baka lapitan ka na naman ni kalbo.'' sabi ni Jimin.
"Cge salamat" sabi ko at nginitian sila.
"Nga pala sis, bakit ka nag make up? Para ba itago yung pangingitim sa gilid ng mata mo? Di ka nakatulog? Bakit may nangyari ba kagabi? Kaya pala ang tagal nyo ni Jk kagabi ah." sunod sunod na tanong ni V.
"Shut up alien. Dami mo tanong." sigaw ni Jk
"Nothing serious. Its just, Jade happens." sabi ko.
"Tara na nga kwento ko na lang sa inyo mamaya habang nakain." sabi ni Jk.