Jungkook's Pov
Narating na namin ang aking bahay. Nakatulog si Lisa habang nagbabyahe kami. Mukhang excited lumabas ng ospital kasi maaga nagising kaso hapon na sya pinalabas dahil hinintay pa namin ung huling result ng laboratory nya.
"Gising na Lisa nandito na tayo." sabi ko habang tinatapik ko sya para magising. Dumilat sya ng mata at bumaba ng sasakyan.
"Wow Jk, bahay mo to? Seriously bahay ba to? Eh mansion to eh " manghang sabi ni Lisa.
Ngumiti lang ako at pumasok sa mansion. Oo mansion nga at di ko sinabi sa kanya, baka kasi nde pumayag na tumira pansamantala sa akin hehehe.
"Welcome to Jk's house, Lisa!" sabay sabay na sabi ng BTS.
"Wow salamat may welcome party pa ako. Salamat talaga sa inyo. Ang laki na ng naitulong nyo sakin. Malaki na ang utang na loob ko sa inyo" sabi ni Lisa.
"Wala yun ang importante eh magaling ka na." sabi ni Jin
"Oo nga kaibigan ka na din namin. Ang kaibigan ni Jk ay kaibigan na din namin." sabi ni Namjoon.
"Tara kain tayo at alam ko gutom na kayo sa byahe nyo. Suga mamaya ka na matulog." sabi ni Jhope
"Panira ka talaga Jhorse ka." grabe talaga manlait tong si Suga.
"By the way Lisa, sya nga pala si Manang Rita. Ang yaya ko simula sanggol pa lang ako. Sya ang mag aalaga sayo hanggat nandito ka." pakilala ko kay Manang Rita.
"Good evening po manang Rita, ako nga po pala si Lisa. Pasensya na po at makakaabala po ako sa inyo." paumanhin ni Lisa.
"Naku batang to wag mong alalahanin yun. Importante ka sa alaga ko kaya aalagaan din kitang mabuti." sabi ni manang
"Salamat po." sabi ni Lisa
"Ay naku Master napakaganda nitong batang to at ang bait pa. Naku tara na sa hapagkainan naghanda ako ng masasarap na pagkain para makakain na si Lisa." sabi ni manang.
"Jk bakit Master tawag sau ni Manang." tanong ni Lisa.
"Nasanay lang si manang na tawagin akong ganun. Master kasi tawag nya kay Dad. Ngaun ako naman tinatawag nya na ganun." paliwanag ko sa kanya.
Nagpahanda talaga ako ng maraming pagkain kay manang Rita.
"Jk sobra naman ito. Bakit ang daming pagkain?" tanong ni Lisa
"Ok lang yan. Mamaya ubos na yan sa mga kaibigan ko hehehe." sabi ko. Totoo naman malalakas kumain ang mga yun.
Nagsimula na kami kumain habang nagkukwentuhan. Napapansin ko na napapangiti si Lisa sa mga joke ng mga kaibigan ko. Nakikipagkwentuhan din sya lalo na kina V at Jimin. Masaya ako na nakikita syang masaya. Sana ganito na lang palagi. Sisikapin ko na mapalagay ang loob ni Lisa para mag open na sya sakin. Dami ko pa kasing tanong sa kanya lalo na sa mga sugat nya. Malamang mahaba habang kwentuhan to. Madadaldal pa naman ang mga kaibigan ko at para itong walang kapaguran.
Lisa's Pov
Natapos na ang welcome party nila para sakin at isa isa na silang nagsialisan. Actually nandyan lang sila sa tabi tabi. Sabi kasi ni Jk isang subdivision lang sila at ang BTS lang ang nakatira. Ang pinakamalapit na bahay kay Jk ay ang bahay ni V. Sa susunod daw sasamahan ako ni Jk pumasyal sa bahay ng iba nyang kaibigan.
"Lisa gusto mo ilibot muna kita sa buong bahay?" sabi ni Jk.
"O cge mukha kasing maliligaw ako sa laki ng mansion mo. Malamang ang ganda ng buong bahay mo kasi salas pa lang ganito na kaganda.
Naexcite naman ako malibot ang bahay. Mahilig ako sa pag aayos ng bahay. Kasi sa bahay ko ako lang ang nag ayos. Pag may pagkakataon ako, magtatapos ako sa kursong BS in Interior Design.
Una naming pinuntahan ang dining room.
Nakita ko na nga pala ito kasi dito kami nagkainan. Napaka elegante ng design nito.
Ang galing 2 kitchen na pinag isa. Ung isa medyo dark ung isa naman white. Ang sarap magluto sa ganito. Next time pag magaling na ako ipagluluto ko sila bilang pasasalamat sa lahat ng ginawa nila sakin. Sumunod naman naming tinignan ay ang theater room.
Wala akong masabi kundi wow. Ganda talaga hahaha. Ang ganda ng taste ni Jk. Next naman ang gaming room nila.
Meron din namang recording room. Sigurado magagaling kumanta ang mga to. Di naman sila magpapagawa ng ganitong kwarto at bibili ng mga instrumento kung di sila musician hahaha. Sunod naman ang dance rehearsal studio.
Sumunod naman naming pinuntahan ang kwarto ni Jk. Ang ganda ng buong kwarto nya. Bagay na bagay sa personality nya very masculine. May walk in closet pa tapos may bathtub at may shower room pa. Ang laki ng room nya. Next naman ang guest room.
Pinapili nya ako ng kwarto at eto ang napili ko. Ayoko sana dito kasi sobrang laki kaso wala akong pagpipiliang iba kasi pare parehas ang mga kwarto na malalaki.
"Lisa kung may kailangan ka kumatok ka lang sa katapat mong kwarto. Natatandaan mo naman siguro na yun ang kwarto ko." sabi ni Jk. Tumango ako sa sinabi nya. Tama sya magkatapat lang ang kwarto namin.
"Salamat Jk. Sige magpapahinga na ako. Medyo napagod ako sa paglalakad natin. Sige Goodnight Jk." pagpapaalam ko
"Goodnight Lisa." sabi nya sabay ngiti.
Nahiga na ako sa kwarto ko at unti unti na akong nakatulog.