Jungkook's Pov
"Ano kaya ang nangyari sa kanya? Bakit ang dami nyang mga sugat? Kaya pala lagi syang nakajacket ang dami nyang itinatagong sugat." sunod sunod na tanong ni JHope.
"Napansin nyo ba ung ibang sugat nya parang ang tatagal na kasi nagpeklat na sya." pansin ni Namjoon.
"Oo nga grabe, hindi ako makapaniwala sa nakita ko, parang ewan ko. Parang demonyo lang ang gagawa ng ganun. Paano natiis ni Lisa yung ganun. Ang liit ng katawan nya at payat. Nagtataka ako pano nya nakaya yun?" sabi naman ni V.
Hindi rin ako makapaniwala at mapakali. Ang dami kong naiisip at gustong itanong kay Lisa. Di ako makapaniwala sa lahat ng nakita ko. Sobrang misteryoso naman ng babae ito.
Nasa operating room pa rin si Lisa. Halos magdadalawang oras na wala pa rin kaming balita sa kalagayan nya. Umuwi muna si Namjoon, Jin, JHope at Suga dahil may kanya kanya silang gawain. Kaming tatlo na lang nila V at Jimin ang natitira. Kaming tatlo kasi ang bunso ng grupo. Medyo magkakasundo kami sa kalokohan kaya ganon kung nasan ang isa susunod din ung 2.
Bumukas ang pinto ng E.R. at lumabas ang doktor. Tumayo kami at lumapit sa kanya.
"Sino ang kasama ng pasyente?" tanong ni dok.
"Kami po mga kaklase nya kami." sagot ni Jimin.
"Ayos na ang pasyente. Naipaalam nyo na ba sa magulang nya ang nangyari? Kailangan ko makausap ang magulang nya o kamag anak kasi para malaman kung saan nanggaling ang mga sugat nya. Di biro kasi ang mga sugat nya. May tama sya ng baril kahit pa natanggal na ung bala bago pa sya dinala dito eh naimpeksyon naman ung sugat at di natahi. Isa pa may mahaba syang hiwa sa magkabilang braso nya. Pareho itong kinailangan tahiin. Bukod dun marami pa syang sugat pero nalapatan na namin ng lunas. Ang importante wala syang internal damage sa katawan. Alam nyo ba ang nangyari sa kanya?" sabi ng doktor.
"Wala po kaming alam dok. Bagong lipat po kasi sya sa school namin." sabi ni V.
"Sige ipaalam nyo agad sakin kapag nacontact nyo na ang mga magulang at kamag anak nya. Mauna na ako sa inyo at may iba pa akong pasyente. Maya maya ay ililipat na sya ng kwarto. Kailangan pa syang obserbahan kaya medyo magtatagal sya dito." paalam ng doktor.
"Sige po maraming salamat po. Gawin nyo po ang lahat ng magagawa nyo at kung tungkol po sa lahat ng gagastusin ako na po ang sasagot sa lahat. Pakilagay na lang po sya sa private room. Salamat po ulit." sabi ko
Naupo ulit kaming tatlo habang hinihintay na ilabas si Lisa sa E.R.
"Kung gusto nyo munang umuwi ok lang sakin. Dito muna ako magpapalipas ng magdamag. Ayokong iwan si Lisa mag isa." sabi ko kina Jimin at V.
"Sige Jk uuwi muna kami. Babalik kami agad. Kukuha na din kami ng mga pamalit mo at mga pagkain. Ipapaalam na rin namin sa iba na ok na si Lisa. May iba ka pa bang ipapadala o ipapabili?" tanong ni V.
"Wala na. Salamat mga brad." sabi ko.
"Youre welcome brad. Alam mo na man na ang mahalaga sayo ay mahalaga na din sa amin. Sige alis na kami." paalam ni V.
Umalis na sila at naiwan akong nakaupo. Iniisip ko ang sinabi ng doktor. Tama ng bala? Bakit? Minamaltrato ba sya sa kanila o napapaaway sya? Ang daming tumatakbo sa utak ko. Alam ko na matatapos lang ang iniisip ko pag nakausap ko na si Lisa.