ดาวน์โหลดแอป
40% Aza&Miguel / Chapter 8: Chapter 8

บท 8: Chapter 8

Nagising ako dahil sa bango ng niluluto sa labas ng kwarto. Ano kaya ang niluluto ni Nanay? Unti unti akong dumilat at doon ko naalala na wala pala ako sa bahay, nasa kwarto ako ni Aza! Sa kwarto ni Aza, ang babaeng gusto ko! Bumangon ako at inayos ang comforter at unan na pinahiram niya sa akin, naghilamos na din ako para naman hindi nakakahiya. Kinakabahan ako sa totoo lang, ito kasi ang unang beses na nakitulog ako, lalo na sa babae pa, sigurado akong sandamakmak na tawag at text na ang natanggap ng cellphone ko, lalo na nasa bahay sila Ate Maya. Naramdaman siguro ni Aza na gising na ako kaya kumatok siya sa pinto para tawagin ako at sabayan siya sa almusal.

"Good morning, Migs!"

"Good morning din, Aza."

Nagluto si Aza ng sinangag, daing na bangus at tuyo, kumakain naman pala siya ng tuyo! Mas lalo tuloy akong nahulog. May dalawa na ding kape na nakahanda, maraming gatas yung isa, alam kong sa akin yun.

"Salamat ah, sa bahay na sana ako mag aalmusal kasi nakakahiya naman sayo, Aza."

"Hiya? Wag ka nga mahiya sa akin, Migs. We're like best friends na hindi ba? So don't be shy, let's eat, I'm hungry."

Habang kumakain kami ay nasabi sa akin ni Aza na sinagot niya ang tawag ni Nanay dahil tulog pa daw ako.

"Your mom is super bait, she said she wanted to meet me. Baka pwede mo naman ako dalhin sa inyo." sabi ni Aza sa akin ng nakangiti, paano ba naman ako tatanggi?

"Sige ba, kailan mo ba gusto?"

"Ngayon? Pwede ba?"

"Hala! Hindi pa ako ready."

"Hindi naman ako maarte, Migs. Please"

"Sige na nga, ikaw ba matatanggihan ko?"

"Yay! Thank you Migs."

"Wala yun."

Pagkatapos namin mag almusal ay naligo na si Aza habang nanunod ako ng pelikula sa laptop niya. Sa totoo lang, kung may makakakita sa amin ngayon aakalain nila na may relasyon kami ni Aza, ayun din naman ang gusto ko, kailan kaya ako pwede umamin sa nararamdaman ko para sa kanya? Maya maya lang nakaayos na si Aza at umalis na kami para pumunta sa bahay, sana nabasa ni Nanay yung request ko na magluto siya ng Sinigang na baka para kay Aza.

"Makukulit ang pamilya ko, Aza wag ka sana mahiya sa kanila. Mababait sila lahat wag ka mag alala"

"Alam ko naman, kitang kita naman sayo."

Bumili si Aza ng cake para naman daw may dessert kami mamaya sa bahay. Sino ba ang hindi magmamahal kay Aza kung ganito siya, maganda na mabait pa, swerte talaga ni Franco.

"Excited na akong mameet ang parents mo, sana magustuhan nila ako no?"

"Naku, sigurado yun Aza. Walang duda, magugustuhan ka nila."

Pagdating namin sa bahay, sinalubong kami ng mga pamangkin ko, nagmano sila sa akin pati na din kay Aza. Nakahanda na ang mesa namin, aba parang may fiesta at ang daming pagkain, sila Nanay talaga.

"Good morning po." bati ni Aza sa kanilang lahat, bumati naman sila pabalik. Pinatuloy ko si Aza sa munti naming tahanan, at salu-salo kaming kumain. Nakikita kong gusto siya ni Tatay at Nanay siguro kasi siya ang unang babaeng pinakilala ko sa kanila.

"I'm a freelance photographer po, Tita. Wala pa po akong stable job kasi puro daw ako passion sabi ni Daddy, but he loves me so much kaya sinusuportahan niya ako."

"Ayos lang naman yun ineng, basta ang mahalaga masaya ka sa ginagawa mo. Itong si Miguel nga eh, pinatitigil na namin sa pamamasada para mag aral ulit pero mukhang natutuwa siya sa ginagawa niya kaya ayaw muna bumalik sa eskwelahan."

"Kaya nga tita eh, sabi ko sa kanya magiging magaling siyang architect. Pero I'm sure babalik din si Miguel dun, he just needs time."

Madami pa silang napagkwentuhan, si Ate Maya naman sobrang dikit kay Aza, bulong niya sa akin kanina ang swerte ko daw sa girlfriend ko eh hindi pa naman kami. Natutuwa akong natutuwa si Aza sa bahay, ngayon alam na nilang lahat kung bakit isang tawag lang ni Aza, to the rescue na agad ako. Isa siyang Anghel na bumaba sa lupa, swerte ko lang dahil isa ako sa biniyayaan na makilala siya.

"Nanay, ano nga pala, next week hindi po ba birthday ko na. Aalis sana kami ni Aza, pupunta kaming Baguio."

"Ah yes po, sana okay lang sa inyo Tita"

Pumayag sila Nanay na umalis ako kasama si Aza, lalo na at gusto nila si Aza para sa akin, kahit hindi nila sabihin, nararamdaman ko.

---

It was so fun visiting Miguel's family. Mabait nga sila, kanino pa ba magmamana si Miguel. I feel so at home sa bahay nila, lalo na kay Tito at Tita. It was a good way to start the day, especially with my Miguel. Alam ko naman na unti unti ko na nagugustuhan si Miguel, but I'm still forcing myself to ignore my feelings because I still believe in Franco. Speaking of Franco, he called last night, he said na extended ang business trip niya abroad, so baka next month pa ang dating niya. Ano pa nga ba gagawin ko? I will just let him do what he needs to do, sa ngayon, I will just enjoy my time with Miguel, kahit na alam kong mali na ipagpatuloy ko pa ito.

Binaba ako ni Miguel sa tapat ng Condo, papasada na siya, late na actually dahil napasarap ang kwentuhan namin sa bahay nila.

"Sige, trabaho muna ako. Mag iingat ka, kapag kailangan mo ako, tawag ka lang."

"Yes, thank you Migs."

I kissed him on the cheeks, hindi na siya nagugulat, sanay na siguro. We smiled at each other bago maghiwalay.

"Mag iingat ka ah, see you later."

Hinintay ko siyang makaalis bago pumasok sa condo, wala naman akong gagawin ngayon, matutulog na lang ako maghapon, mamaya magkikita naman kami ni Miguel for dinner. I decided to clean my room, ang messy na din kasi para naman hindi nakakahiya kay Miguel if ever mag sleep over ulit siya sa akin.

Habang naglilinis, I received a call from Daddy.

"Hello, Daddy?'

"Hi, baby. How are you?"

"I'm good Dad, how about you?"

"I'm well, I just wanted to check my princess."

"Aww, I miss you Daddy."

"I miss you too, Azalea. How's work?"

"All is good Daddy, I think I'm going to have my exhibit anytime soon. I'm so excited! I hope you can visit me here, You and Mommy."

"Of course, Darling. We'll be there in your exhibit. Anyway, I'll go now. Take care of yourself Aza."

"Yes, Daddy. I love you"

Pagkababa ni Daddy ng telepono ay pinagpatuloy ko ang paglilinis. After cleaning my unit, nag grocery din ako at nagmerienda sa labas. Sinubukan ko ulit tawagan si Franco pero hindi pa rin siya sumasagot. I don't have friends here, si Miguel yata ang una, aside from Franco. Intimidating daw kasi ako sabi ng iba kong kakilala, siguro kasi unang tingin sa akin mukhang mataray. I decided to cook Paella, sana makapunta si Miguel dito para makapag dinner kami.

Nag bake din ako ng Brownies, ipapadala ko kay Miguel para sa Mom at Dad niya. Tulad ng napag usapan kanina, alas nuwebe ng gabi ay nasa Condo na si Miguel.

"Traffic, dapat kanina pa ako eh."

"That's okay, katatapos ko lang magluto."

"Mukhang special yang niluto mo ah."

"Of course, special Paella for a special person like you. Let's go and eat, para makauwi ka din ng maaga. I have brownies, pasalubong mo kay Tita at Tito."

"Special talaga ako?"

"Ayaw mo ba Miguel?"

"Hindi...gusto ko, gustong gusto."

I just smiled at him and continue eating. I swear when he said those words, my heart skip a beat. Aza, why are you feeling this way? May boyfriend ka na.

After dinner ay tumambay muna si Miguel sa Condo, we decided na magpahangin sa tabi ng Pool.

"Aza may sasabihin ako"

"Sure, what is it?"

Ibinuka ni Miguel ang bibig niya para magsalita pero tinikom niya ulit. Bakit kaya?

"Hey Migs, ano yun?"

"Aza.."

"Yes?"

"Aza gusto kita."

He likes me? I know it's obvious, pero hearing those words, bigla akong kinabahan.

"Alam ko naman may boyfriend ka, pero gusto ko lang malaman mo na special ka sa akin, na gusto kita, gustong gusto."

Paano ako sasagot? Ano ang sasabihin ko? That I like him too pero hindi pa ako sigurado because I still have Franco inside my heart.

"Sana kahit umamin ako ngayon, tuloy pa din yung bakasyon natin sa birthday ko. Sana din hindi magbago yung ganito, yung tayo. Sorry ah, hindi ko na din kasi kayang itago."

He just smiled at me at tumingala sa langit.

"Ang ganda ng buwan oh, ang dami ding bituin"

Gusto kong sumagot pero kasi para akong napipi. Maya maya lang tumayo na si Miguel.

"Sige, pahinga ka na. Uuwi na din ako." I nodded.

Tahimik kaming umakyat sa Unit ko para kunin ang bag ni Miguel.

"Mag lock ka ng pinto ah, tawagan mo lang ako kapag kailangan mo ng kasama."

Paalis na sana si Miguel pero bigla ko siyang niyakap, I just feel the need to embrace this man.

"Aza?"

"I like you too, Miguel. And I'm scared...I don't want to hurt you because I still have Franco with me."

Niyakap ako ni Miguel pabalik, mahigpit na yakap ang natanggap ko.

"Handa akong tanggapin kung ano ang kaya mo ibigay sa akin Aza, handa din akong maghintay."

I look at him and I can see the sincerity on his eyes. The admiration, the love and the promise..I'm sorry God, I want to kiss him and I will kiss him right now.

When our lips met, I melted. It feels like this is my first kiss, it was a simple kiss but full of promises and love.

"Handa akong masaktan Aza basta hindi ka lang mawawala."

"Hindi ako mawawala, Miguel."

Our lips met again and we said goodbye to each other knowing that tomorrow, it'll never be the same again.


Load failed, please RETRY

สถานะพลังงานรายสัปดาห์

Rank -- การจัดอันดับด้วยพลัง
Stone -- หินพลัง

ป้ายปลดล็อกตอน

สารบัญ

ตัวเลือกแสดง

พื้นหลัง

แบบอักษร

ขนาด

ความคิดเห็นต่อตอน

เขียนรีวิว สถานะการอ่าน: C8
ไม่สามารถโพสต์ได้ กรุณาลองใหม่อีกครั้ง
  • คุณภาพงานเขียน
  • ความเสถียรของการอัปเดต
  • การดำเนินเรื่อง
  • กาสร้างตัวละคร
  • พื้นหลังโลก

คะแนนรวม 0.0

รีวิวโพสต์สําเร็จ! อ่านรีวิวเพิ่มเติม
โหวตด้วย Power Stone
Rank NO.-- การจัดอันดับพลัง
Stone -- หินพลัง
รายงานเนื้อหาที่ไม่เหมาะสม
เคล็ดลับข้อผิดพลาด

รายงานการล่วงละเมิด

ความคิดเห็นย่อหน้า

เข้า สู่ ระบบ