ดาวน์โหลดแอป
94.73% I LOVE YOU SEATMATE (Tagalog) / Chapter 124: Entrep Congress

บท 124: Entrep Congress

Para bang bumalik sa normal ang lahat--- hindi, mas mabuti pa kaysa sa normal. Tanggap na tanggap na nga ni Mama si Richard, to the point na hinahayaan niya na itong magpunta-punta sa bahay namin nitong mga natitirang linggo bago magpasukan.

Mabilis na lumipas ang araw at enrollment na. Ang bilis ng araw dahil parang kakapasok lang namin sa university na ito, pero ngayon ay 2nd year college na kami! At dahil first day namin ulit sa UP ay nagpagupit ako ng buhok, 'yung dati kong buhok na hanggang kalahati ng likod ko ay pinaiklian ko hanggang sa balikat.

Ang ganda ng kinalabasan kaya naman excited ako noong nalaman kong susunduin ako ni Richard bukas para sabay na kaming magenroll sa school. Kinaumagahan, ay napangiti agad ako nang marinig ko na ang boses niya sa ibaba.

"Oh, iho, upo ka. Pababa na 'yon si ate," sabi ni Papa.

"T-Thank you po, Sir." aniya. Medyo natawa ako dahil hanggang ngayon e parang takot pa rin si Richard kay Papa, kahit wala naman kailangang katakutan.

"Huwag mo na nga akong i-Sir. Tito na lang. Tiiiiiii-tooooo."

Napahalakhak na lang ako sa utak ko habang iniimagine si Papa. Loko-loko talaga 'yon. Hahaha. Sinuklayan ko na nga sa huling pagkakataon ang buhok ko bago ako bumaba.

At katulad ng inaasahan ay napako na ng tuluyan sa akin ang mata ng isang Richard Lee. Hindi ko tuloy alam kung ngingiti ba ako sa kilig o magpapanggap akong walang nagbago sa looks ko.

"Uy," sabi ko nang makalapit ako dahil hindi na talaga siya nagsalita. Tinitigan niya na lang ako hanggang sa makalapit ako. "Bakit?"

Kumurap-kurap siya kaya naman parang mas lalo pang kiniliti ang tiyan ko. Hindi ko maiwasang kiligin! Shiz naman o!

"Nagpagupit ka?" aniya.

"Hindi ah, nagising na lang ako ganyan na yan." sagot ko sabay halakhak. "Hahaha, tara na nga!" hinila ko siya palabas nang magpout siya dahil sa pamimilosopo ko. Sumakay na kami sa kotse niya.

"Kamusta na nga pala kayo ng daddy mo?" iyon agad ang tinanong ko pagkaupong pagkaupo niya sa driver's seat. Tinignan niya ako saglit habang nagdadrive na siya.

"Actually... it's not good." aniya, magsasalita sana ako pero ngumiti siya agad. "Kasi naninibago akong bati kami."

"Hays, akala ko talaga hindi kayo okay!" humalakhak lang siya sa sinabi ko.

"We're fine. Buong buhay ko akala ko nagsisinungaling sa akin si Daddy na patay na si Mommy, 'yun pala ayaw niya lang akong masaktan. Totoong patay na ang Mommy ko, namatay ito sa panganganak dahil sa akin, at hindi dahil sa car accident. Now I know the truth, there's no reason for me to hate my dad."

Ngumiti ako sa kanya, "Tito Alfred cares for you all this time,"

"Yes, at ang gago ko lang dahil nagalit ako sa kanya." aniya.

"Hindi naman, hindi mo lang rin alam ang totoo." sagot ko naman at nginitian niya lang ako. Ilang sandali kaming natahimik. Nakatingin lang ako sa daan.

"Tsk, bakit ka nga pala nagpagupit?" biglang tanong niya. Napatingin ako sa buhok ko.

"Huh? Pangit ba?"

"You're too beautiful. Tss. Nakikita  rin ang collar bones mo." aniya. Natawa naman ako.

"Ano naman? Hahahaha!"

"Ayaw ko lang, gusto ko kasi ako lang nakakakita niyan e."

Gusto ko siyang kurutin sa sobrang cute niya ngayon grabe. Hahahaha!

"Damot mo naman." bulong ko.

"What?" natawa ako sa pagkunot ng noo niya. "Talagang madamot ako if it's you."

Hindi ko na napigilan, I kiss his cheek habang nagdadrive pa rin siya.

"Ang cute mo." sabi ko. Nakita ko kung pano pumula ang pisngi at tenga niya.

"W-What..."

"Hahahahahaha!"

Humalakhak na lang ako dahil sa pagsusungit niya. Ilang oras ang nakalipas at nakarating na rin kami sa Maynila. Medyo nakaidlip pa ako sa byahe. Mabuti at sakto lang ang dating namin.

"Dito na tayo," aniya. Pagtingin ko sa katabi ko ay parang kina-career niya pa rin ang pagsusungit. Mahaba pa rin ang nguso niya at namumula. "Mauna ka na, kasi dadaan lang ako saglit sa office."

Tinitigan ko siya saglit.

"Ah sige, babye!" bubuksan ko na sana 'yung pintuan ng kotse niya nang bigla niya akong pinigilan. Napangisi ako. "Oh? Akala ko ba babye na?"

"Tss." aniya kaya mas pinigilan ko pa ang pag-ngiti. "Hindi porket galit ako ay wala nang kiss."

Hindi ko na napigilan ang paghalakhak.

"Hahaha, gan'on ba 'yon?"

"Yup." saka niya ako hinawakan sa batok para hilahin palapit at para dampian ng saglit na halik. Smack lang dapat pero mas pinalalim niya pa ang halik.

"Galit ka ba talaga?" sabi ko sa gitna ng halik. Hindi siya sumagot agad, bagkus ay pinuntirya niya naman ngayon ang leeg ko paibaba sa collar bones.

"Hmm," aniya at sabay dampi ulit ng halik. "Galit na galit. Baka sa sobrang galit nito hindi na makapagtimpi."

Lumayo na ako sabay palo sa kanya. "Siraulo ka talaga!"

Nagba-bye na nga ako sa kanya  bago pa mapunta sa iba itong paguusap na ito. Pagkababa niya ng windshield ay tinitigan niya na naman ako muli mula ulo hanggang paa pabalik sa ulo ulit sabay ngiti ng nakakaloko. Ngumiti lang rin ako.

"Bakit?" tanong ko.

"Wala," aniya. "Sunod agad ako, I love you."

"I love you too." sabay flying kiss. Saka na siya nagdrive palayo.

Ipinagpatuloy ko na ang paglalakad at napapansin ko na yung pagtingin sa akin ng ibang nakakasalubong ko.

"Pre ang ganda niya talaga o."

"Si Ayra 'yan diba? 'Yung Miss Entrep? Nagpaikli ng buhok?"

Mas binilisan ko pa ang paglalakad para makaiwas sa mga naguusap. Bad idea pala 'tong pagpapagupit ko, hays.

Malapit na ako sa Admission Office nang madaanan ko ang grupo nila Sheena, as usual, pinagusapan nila ako.

"Baka nagmomove on yan kay Richard Lee? Hahahaha." sabi n'ong isa.

"Oo nga, diba iniwan siya n'on? Kawawa naman siya, no, Sheena?"

Umikot na lang ang mata ko habang naglalakad. Mabuti na lang at nakapila na doon sina Lea, Blesse, Rocel. At ayun na nga napansin rin nila ang buhok ko.

"Taray naman Ayradel!" puna ni Lea.

"Ang gandaaaaa! Bagay sa 'yo ang short hair!" ani naman ni Blesse.

"Hahaha thank you!" sabi ko.

"Ba't ka naman nagpaikli?" Rocel. Nagkibit balikat lang ako.

"Wala lang, kailangan ba may dahilan?" sagot ko.

"E kamusta ka naman?" ani ni Lea.

"Okay naman!" nakangiting sabi ko.

"Mabuti naman at okay ka na," sabi ni Lea. "Nakakamove-on ka naman ba?"

"Huy!" saway nila Blesse kay Lea.

Kumunot ang noo ko sa tanong niya. Oo nga pala, hindi ko pa nakukwento sa kanila ang lahat. Sasabihin ko na sana nang bigla silang napatingin sa likuran ko.

"A-Ayra, huwag kang lilingon!" sabi ni Blesse, pero huli na dahil nakalingon na ako. Doon ay nakita ko si Richard Lee na parang model na naglalakad patungo sa direksyon namin. "Baka mahulog ka ulit sa Adonis na papalapit. Grabe ang gwapo niya talaga ahehehehe."

Napatingin ako ulit kay Blesse na parang nagde-daydream. Nauntag lang siya noong napatingin siya sa akin, agad niyang sinampal ng marahan ang pisngi niya.

"Panget pala! Oo! Grabe ang panget niya talaga. Oo Ayra, mag-move on ka na kasi para--- OMG!?!" bigla silang napaatras at napanganga habang nakatingin sa likuran ko. Lilingon sana ako pero huli na dahil may kamay nang pumulupot sa bewang ko. Pag-angat ko ng tingin ay si Richard Lee na nga.

"Hello Blesse, Lea, and Rocel." aniya, sabay tingin ulit sa akin.

"H-H-H-Hiiii R-Richard---" sabi ni Blesse.

"What is the meaning of this?"

"OMG, si Ayra at Richard ulit?"

"Akala ko ba nagbreak na sila?"

"Nooo huhuhuhu!"

ani ng mga tao sa paligid namin. Napa-ehem ako kina Lea, Blesse, at Rocel na hanggang ngayon ay nakanganga pa rin.

"Sorry ngayon ko lang sasabihin, uhm," sabi ko sabay kamot sa batok. "Kami ulit." sabay kagat sa labi.

"What? No." singit naman ni Richard, kaya sa kanya naman ngayon napatingin sina Lea. Tinanggal niya ang pagkakahawak sa bewang ko sabay pinagsiklop ang mga daliri namin. "No. We never broke up. Si Tita lang naman ang may ayaw sa akin noon kaya I keep my distance."

"Ahhh, hehehe, gan'on palaaaa~ Congrats Richard and Ayra!" sabi ni Blesse na shinake hands pa kami ni Richard.

"Mabuti naman at okay na ang Mama ni Ayra sa relasyon niyong dalawa?"

tumango na lang ako at hindi na ikinuwento pa ang lahat.

Naalala ko tuloy si Jayvee at Tita Dianne. Kamusta na kaya sila? Pagkatapos n'ong rebelasyon na 'yon ay hindi na muli namin sila nakita. Pati si Jayvee, kahit sa chat ko ay hindi siya nagrereply.

"Ano? Tara na? Mag-enroll na tayo." sabi ni Richard.

"Ha? Oo sige." sagot ko naman, mukhang marami na silang napagusapan habang nagiisip ako kanina tungkol kina Jayvee.

Nasa tapat kami ng bulletin nang mapansin namin ang isang announcement.

"OMG. Sa katapusan agad ng June 'yong Entrep Congress?" sabi ng isang estudyanteng nakabasa rin ng announcement.

...

Ang Entrep congress ay ang pinakamalaking event yearly na inoorganize ng mga seniors para sa mga Entrep Students. Ito ay set ng mga seminars na sobrang makakatulong lalo na sa mga freshmen. Kadalasan, ang Entrep Congress ay ginaganap sa labas ng school, this time sa isang resort sa Quezon gaganapin ang event.

Tiningala namin ang malaking MANUELA RESORT na nakalagay sa unahang gate, gawa iyon sa punong kahoy na may mga baging sa paligid. Sobrang excited ang lahat lalo na 'yong mga social media savvy na todo na ang selfie sa magagandang background na nadadaanan nila.

"EVERYONE!" sabi ng head organizer pagkababa namin ng bus. "Sa mga gusto nang pumunta sa kanya-kanya nilang assigned room, sumunod sa akin. Tandaan, walang special rito huh? Sharing tayo sa room, okay?"

"Okay!!!!" sagot ng lahat.

"So, now's 5pm. You have 2 hours para magliwaliw before the first seminar, okay? Before 7pm dapat ay nasa event place na kayo. Understand?"

"Opoooo!"

"Hoy besty!" natigil ako sa pagtingin sa buong paligid nang hawakan ako sa braso ni besty, kakababa niya lang rin ng bus. "Don't tell me this is all your plan, huh?" aniya.

"Huh? Anong plan?"

She crossed her arms habang parang naiirita ang mukha. "Bakit nandito ang Mais na 'yon?!"

Napalingon ako kay Richard at Suho na naglalakad na pala ngayon palapit sa amin. Sa ibang bus kasi sila naassign so hindi kami nagkasama. Ngumiti ako saka kumaway, Richard and Suho waved at me too. Napansin ko naman 'yong mga estudyanteng napapatingin sa kanila.

No wonder, parang mga model na naglalakad. Hay, kailangan ko nang masanay.

Tinignan ko naman si besty at iniwasan kong magpahalata.

"Kasama rin pala si Suho?" inosente kong sinabi.

Ang totoo ay plinano namin 'tong dalawa ni Richard. Pwede kasing magsama ng outsiders, pero hindi sila required na umattend sa Entrep Seminars, pwede lang silang sumama upang magenjoy sa place. Kaya ang plano ay isasama ko si besty, at isasama naman ni Richard si Suho. Napapansin na kasi namin na hindi okay 'yung dalawa recently, so we have to make a move.

"What?! UGH!" Stress niyang sabi. "Makapunta na nga doon sa kwarto! Magkukulong na lang ako doon!"

Tumawa ako sa kanya.

"Bakit? Affected ka ba?"

"Hell no!"

Natikom ang bibig ni besty nang makalapit na sa amin sina Richard. Hinalikan ako sa pisngi ni Richard saka binati si besty. "Hi Lui."

"Don't call me Lui, we're not bestfriends." aniya habang sa ibang direksyon nakatingin.

"Hahahaha, sungit." ani Richard.

Humalakhak rin ako. "Tara na? Baka maubusan tayo ng space sa kwarto."

"No worries, nag-book na ako ng rooms sa hotel dito para doon na lang tayo magi-stay through out the event." sabi ni Richard. "And Suho book a room too." sabay halakhak.

Pinigilan ko na lang humalakhak para hindi mainis si besty. Hahaha!

"O ayun naman pala e! Tara na!" nauna na si besty palakad sa kung saan habang bitbit yung malaki niyang travel bag.

"Ayra..." bati sa akin ni Suho. Ngumisi lang ako saka nginuso si besty na nagiinarte na naman. Ngumiti lang rin siya saka sumunod na naglakad sa direksyong nilakaran ni besty.

Naramdaman ko naman ang pagdaloy ng kamay ni Richard sa bewang ko. I looked at him.

"I hope they'll be okay." aniya sabay tingin kina besty.

"Oo nga e."

Tinignan niya ako ulit. "Let's share in one room?" bulong niya sabay ngisi. Hinampas ko agad ang balikat niya.

"Baliw ka talaga!"

"Why?" aniya sabay halakhak. "Masama ba?"

Naglakad na nga kami doon sa Hotel na sinasabi ni Richard. The place was nice, mayroon pang pool sa mismong harapan. Dito rin magi-stay 'yung iba naming kaklase, yun nga lang ay hindi sila iisa o dadalawa sa isang kwarto. Baka abutin sila ng mga sampu.

Magkatabi lang ang room na binook ni Richard. Hawak niya ang kamay ko para sana isama sa pagpasok sa isang room nang bigla akong agawin ni besty.

"HEPHEP!" sabi ni besty, kumunot ang noo ni Richard. "I'll stay with besty. You stay with him!" sabi ni besty sabay turo kay Suho na napaatras dahil sa panduduro ni besty. Hinila niya ako papasok ng kwarto na pagpapasukan sana namin ni Richard.

"Hey I book that room!" sigaw ni Richard bago pa masara ni besty 'yong pinto.

"Don't care, doon kayo sa kabila!" sigaw pabalik ni besty.

"Huy besty, easy!" sabi ko pagkalapag ng gamit. Ano kayang pinagawayan ng dalawang ito at ganito kainis si besty?

"Hays. Nakakainis! Akala ko mageenjoy ako sa beach and pools dito, ba't pa kasi sumama 'yang Mais na 'yan." reklamo niya.

"Bakit ka ba galit na galit? Anong ginawa ni Suho?"

"Wala. Naiinis lang talaga ako sa kanya. Kahit dati pa naman ah? Kahit noong nerd pa siya!"

"Hmm...." I shrugged na lang saka na inayos 'yung mga gamit namin sa gilid ng kwarto. Nagstay muna kami dito ni besty ng ilang mga minuto. Hinayaan ko lang siyang humaba ang mukha sa pagkainis. Hindi ko alam kung matatawa ba ako o matatakot dahil pakana namin 'to.

Hanggang sa mag-beep ang cellphone ko. May nagchat.

Blesse: Saan ka Ayra? Nandito na kami sa room! May space ka nang nakuha? Save-an ka namin?

Me: Ay sorry hindi ko nasabi, nagbook si Richard ng bukod na room para sa amin pati sa mga kaibigan namin.

Blesse: OMG! So magkasama kayo sa isang room? 😱

Me: Hindi no! Kasama ko 'yung bestfriend ko.

Tapos nag-picture ako kasama yung likod ni besty na nagaayos ng gamit.

Blesse: Oki, sama ka sa amin mamayang first seminar ah?

Me: Oki...

Hanggang sa may nagbeep ulit, which means may nagtext.

Richard❤: Let's take a walk?

Napangiti agad ako't napatingin kay besty.

"Besty, gusto mo bang lumabas? Maganda 'yong view dito." sabi ko.

"Sige ikaw na lang muna, ayusin ko lang 'tong mga dala ko." aniya kaya naman ako na lang ang lumabas.

Pagkalabas ko pa lang ng kwarto ay bumungad na sa labas ng pintuan namin si Richard. Hinalikan niya agad ako sa labi, saglit lang at dampi.

"Sana pala hindi na natin sinama 'yong dalawa," aniya. "Gusto mo magbook ako ng another room for us?"

Hinampas ko na naman ang braso niya kaya humalakhak siya.

"Tumagil ka nga! Gusto mo i-ban ka ni Papa na lumapit sa akin?"

Humalakhak ako ng binitiwan niya ang bewang ko. "Oops, sabi ko nga kayo na lang ni Luisa magsama sa isang kwarto."

"Hahaha, joke lang. Tara na nga! Malapit na mag-7pm!"

We were holding hands habang naglalakad. Sobrang refreshing lang sa pakiramdam. Trees... fresh air... fresh wind... with the person you love the most. Wala nang mas ikakaperfect pa 'tong nararamdaman ko. Parang walang problema...

Our first day in Manuela Resort was perfect. Ang daming natutunan sa seminars at ang daming napasyalan.

Kakatapos lang ng isang seminar at nasa kwarto na kaming dalawa ni besty. Busy si besty sa kung anu-anong ginagawa niya, nagvo-vlog yata ang babaita... naisipan niya kasing mag-upload ng video online para ma-showcase 'yong mga talents niya..

nang biglang magvobrate ang cellphone ko. Nang tignan ko ay message mula kay Jayvee...

Jayvee: Ayra, can we talk? Huwag mo sana munang sabihin kay Richard ang tungkol dito.

Naisip kong wala namang kasalanan si Jayvee sa kasalanan ng mommy niya na si "Dianne" kaya walang masama kung magu-usap kami. Saka isa pa, naging isang mabuting kaibigan rin naman siya noong panahong nagkalayo kami ni Richard. He's my friend afterall.

I replied; "Sige. Saan tayo magu-usap?"

Jayvee: Kahit sa may pool area na lang. Nandito na ako.

I replied; "I'll be right there."

"Besty, labas lang ako saglit ah?" sabi ko kay besty na tumango lang.


Load failed, please RETRY

สถานะพลังงานรายสัปดาห์

Rank -- การจัดอันดับด้วยพลัง
Stone -- หินพลัง

ป้ายปลดล็อกตอน

สารบัญ

ตัวเลือกแสดง

พื้นหลัง

แบบอักษร

ขนาด

ความคิดเห็นต่อตอน

เขียนรีวิว สถานะการอ่าน: C124
ไม่สามารถโพสต์ได้ กรุณาลองใหม่อีกครั้ง
  • คุณภาพงานเขียน
  • ความเสถียรของการอัปเดต
  • การดำเนินเรื่อง
  • กาสร้างตัวละคร
  • พื้นหลังโลก

คะแนนรวม 0.0

รีวิวโพสต์สําเร็จ! อ่านรีวิวเพิ่มเติม
โหวตด้วย Power Stone
Rank NO.-- การจัดอันดับพลัง
Stone -- หินพลัง
รายงานเนื้อหาที่ไม่เหมาะสม
เคล็ดลับข้อผิดพลาด

รายงานการล่วงละเมิด

ความคิดเห็นย่อหน้า

เข้า สู่ ระบบ