ดาวน์โหลดแอป
26.31% I LOVE YOU SEATMATE (Tagalog) / Chapter 33: Kidnapped

บท 33: Kidnapped

Ayradel's Side

Marahas kong inalis yung kamay niya sa bibig ko at agad na humarap upang hampasin siya ng buong lakas ko!

"AW! AW! AW!" Hinaharang niya ng kamay yung mukha niya kaya hindi ko siya masiyadong maaninag. Mas nilakasan ko pa ang paghampas sa kanya habang sigaw ng sigaw. "Aray! Please please wag naman yung mukha! Aray naman! Huy! Ano b— Be gentle!"

"PABABAIN NIYO 'KO DITOOO!" sigaw ko pa rin at halos mapiyok na. Hinawakan niya ang magkabilang kamay ko para pigilan ako sa panghahampas.

"Teka! Tumigil ka nga muna!" sabi niya at muli akong hinawakan sa mga kamay.

Tumalbog ang dibdib ko.

Napatingin ako sa mga mata niya kaya parang automatic na napatigil ako sa pagsigaw. Pamilyar ang mukhang inosente niyang mga mata. Ang itim niyang buhok. Ilang segundo ko pa siyang tinitigan, gabi na kaya di ko makumpirma ang nasa isip ko. Pero nang tumama sa mukha niya yung ilaw ng lamp post na nadaanan namin ay tsaka lang nag-sink in sa utak ko kung sino itong kaharap ko.

"I-IKAW?!" halos maiyak na ako. Kinalas ko ang kamay niya mula sa pagkakahawak sa akin, saka siya muling hinampas hampas.

"Oh, you know me?"

"Oo! Sino ka?!"

"Ha? Ang gulo mo ah! Kilala mo ako pero tinanong mo rin ako kung sino ak—?"

"Ano bang ginawa kong kasalanan sa'yo! Ibaba mo ako dito!"

Sabi na nga ba. Kinabahan ako sa taong ito kanina! Siya yung nakita kong ngumisi at kumindat sa akin.

"Kailangan ko nga kasing makaraos—" nilingon niya yung nakaputing driver habang pinipigilan ako sa pagsabunot sa kanya. "Maximo! Gumawa- aray! ka naman ng paraan!"

laglag ang pangang napatingin ako kay Kuya Maximo na ngayon ko lang napansin.

"K-kuya... Maximo?" lumunok ako pero di ko na mapigilang umiyak. "Bakit po...?"

"Damn it, why is she crying?!" tanong n'ong lalaki habang hawak pa rin ang mga braso ko.

"Young master, mali po kasi ang paraan ng pagkakasabi niyo. Masiyado pong double meaning." sagot ng kasabwat niyang driver habang nakatingin sa rearview mirror. Napatingin ako dito habang hawak-hawak pa rin ng lalaki na 'to ang dalawang kamay ko.

"Kuya Maximo naging mabait naman po ako sa inyo ah?" pagmamakaawa ko at halos lumabas na sa dibdib ko yung puso ko sa kaba. "Sige na kuya, please? Bata pa po ako!"

"Paumanhin young lady," sagot niya na tatawa-tawa pa rin. "Pero eto po ang trabaho ko. Ang sundin ang utos ng mga amo ko."

Sinubukan kong buksan ang pintuan ng sasakyan na katabi ko pero hindi ito mabuksan. Natigilan na lang ako nang mapansin kung nasaan kami tumigil ngayon.

Sa Tirona High.

Pagkatapos ay ang pagbukas ng pintuan ng sasakyan sa side nung lalaking katabi ko. Pumasok sa loob ang taong kilalang-kilala ko...

Walang iba kundi si Lee-ntik.

"I... kaw!"

Napatingin si Lee-ntik sa direksyon ko at nanlaki ang mata. "Oh, Baichi? Nandito ka na agad?"

"Walangya ka!" inabot ko siya upang sabunutan, saktan, at hampasin. Todo awat naman yung katabi kong lalaki sa braso ko.

"Aray! Baichi— Ano ba- akala ko ba payag k— ARAY!"

"Akala ko pa naman okay ka! Pero hindi! Masama ka pala talaga! Pababain niyo na ako dito please!" tinakpan ko ang mukha ko dahil naiyak na ako sa takot. Naramdaman ko ang pagkataranta ni Lee-ntik at ang paminsang-minsang paghawak niya sa balikat ko na parang hindi niya alam yung dapat gawin. Siya na ang nasa tabi ko ngayon.

"Takte, Maximo! Bakit ba siya umiyak? Ha, Karl? Ano bang ginawa mo?" tanong niya.

"Wala, sinunod ko lang naman ang gusto mo ah. Pati kami dinadamay mo sa problema mo. Ayan na, pamparaos mo ngayong gabi."

"Gago," sambit ni Lee-ntik na sa tingin ko ay inambahan ng suntok yung Karl. "Anong klaseng— Kahit kailan talaga Karl ang gagago ng mga salitang ginagamit mo.

"Eh bakit ba? Gan'on naman talaga tawag natin sa lahat ng dinadala mo sa lugar na 'yon diba? Pamparaos?"

"Tsk! Mali ka naman kasi Karl— wait, Baichi..."

Hinawakan niya na naman ang magkabilang balikat ko. Parang natatawa siya na natatae. Humalakhak siya kaya naman napatigil ako sa pagiyak ko.

"Are you thinking that we are going to rape you?" di makapaniwalang tanong niya. Uminit ang pisngi ko at umiwas ng tingin habang kumakalabog ng napakalakas ang dibdib ko.

Doon lang ako nahimasmasan at doon lang rin nawala ang takot sa dibdib ko nang nagtawanan silang tatlo.

"H-hindi ba?" sagot ko, saka automatic na napakagat sa labi.

Shiz. Did it sound like na nanghihinayang ako? Tinignan ko siya. Shocks! Mukhang na-misinterpret nga nila yung sinabi ko kasi mas lalo pa silang tumawa, including Kuya Max. Mas lalo kong naramdamang sasabog na talaga ang pisngi ko sa sobrang init.

"Sabi ko naman kasi kay Sir Karl, na hindi angkop 'yong mga salitang binitawan niya kanina para sa isang binibini." Sabi muli ni Kuya Max.

"Okay, sorry," sambit nung Karl na nakahalukipkip na. "Gan'on lang talaga ako magsalita. Hahaha."

"Baichi ka talaga. Sa tingin mo, mangre-rape na lang ako, ikaw pa? Mas maraming magaganda dyan oh!"

"So kasalanan ko?"

Mas kumalma na ako ngayon pero hindi ko pa rin maiwasang mainis.

"Bakit niyo ba ako sinakay dito? Who do you think ang babaeng hindi matatakot sa ginawa niyo? Saka ano ba ang pinagsasabi niyo?"

Tumawa na naman siya, pero ngayon, mas mahina na. Tumindig ang mga balahibo ko. Gusto ko na tuloy sabunutan ang sarili ko for considering that voice sexy! What the freak! Napailing-iling na naman ako sa mga naiisip ko. Ano ka ba naman, Ayra!

"Woah, she's brave ah. Akala ko ba lampa 'yan, RJ?"

Hindi makapaniwalang tinignan ko si Lee-ntik na nanlalaki na ang mata ngayon kay Karl.

"Ah— I mean... Muntik pang masagi ng babaeng yan ang mukha ko kanina." dugtong niya sabay sipol at tumingin sa ibang direksyon.

"Ibaba niyo na ako ngayon din."

"Wait, Baich—"

"Please. Hahanapin na ako ng Mama ko."

"A- I... just need your help." natigilan ako sa biglaang pagbabago ng boses niya. "Ito na 'yon, yung sinasabi kong favor na hihingin ko."

Biglang natuod ang mga paa ko.

"Ano bang favor 'yan?"

"You'll find out."

Maya-maya pa'y tumigil na kami tapat ng kung ano-man-ang-tawag-dito. Nabigla na lang ako nang hawakan niya ang kamay ko at hinila ako pababa ng sasakyan papunta sa loob ng isang boutique. Nabasa ko ang kumikinang na 'Danica's Fashion' bago kami tuluyang makapasok.

"Mauna na ako RJ, you owe me big time!" nakangising pagpapaalam nung Karl. Bago niya ako nilingon. "See you around, Ra."

Pagkaalis ni Karl ay agad akong nilingon ni Richard na kunot ang noo.

"What? Ngayon lang kayo nagkakilala ni Karl, may tawag na agad siya sayo?"

"Ha?"

Napakamot na naman siya sa ulo at parang naiinis na tinignan ako. "Wala!"

Umirap ako. "Bakit mo ba 'ko dito dinala?" tanong ko habang pinapasadahan ng tingin ang buong paligid.

Ang ganda sobra sa loob. Kasing laki lang ito ng buong sala ng bahay namin, pero halata mong pang-mayaman talaga dahil may chandelier pa sa gitnang ceiling, which makes the surrounding appears yellowish.

"Dito kita dinala kasi magbabasketball tayo," he sarcastically smirked, so I gave him a death glare as we wormed our way into the counter.

"What can I do for you, Sir...?" nakangiting bati sa amin ng isang babaeng nung napatingin sa akin ay awtomatiko na tumaas ang kilay. "...and Ma'am?"

Kumunot naman agad ang noo ko. Halos mapatalon ako sa gulat nang hawakan ni Lee-ntik ang braso ko at di-nrag ako na parang upuan papunta d'on sa babae.

"Aray naman!" reklamo ko pero ngumisi lang siya at hindi ako inintindi. Yung babae lang talaga yung kausap niya.

"Pagmukhain mong tao ang isang 'to," sabi nya. Uminit ang pisngi ko. "Yung pwedeng ma-rape, ha?" tumingin siya sakin saglit at ngumisi.

My jaw dropped kasabay ang pagsinghap ng babaeng katabi ko. Tinalikuran niya na ako kasama 'tong babaeng 'to habang pa-whistle whistle pa!

Napalingon ako sa babae at sigurado akong iba ang nasa isip nyan ngayon.

"Hoy! Bakit ba ako magbibihis? At saka-"

"Shut up and dress up." sabi niya nang di ako nililingon. Bwisit talaga! Hinila na nga ako ng tatlong babaeng naka-white and maroon na uniform papunta sa kung saan.

Argh! The nerves! Badtrip talaga 'yong lalakeng 'yon eh! Basta masaya siyang nasusunod lang ang gusto niya! Grrrr!

Favor pala ah? E parang utos 'to e! Bwisit!

"Ma'am, what color of dress do you want?" tanong sakin ng isa pang babaeng taga-assist na sa pakiramdam ko ay mukhang mas mabait, hindi katulad nung isa kanina na parang mangangain ng buhay kung makatingin.

"Ah, wala po kasi akong alam sa mga ganyan," sagot ko naman. "Ikaw na pong bahala."

Tinignan ko yung mangilan-ngilang tao sa boutique at halos manliit ako sa sobrang sophisticated nila. Tapos ako, naka-uniform pa na pang-public.

Tsk, ano ba naman kasing nakain ng kumag na yon at bigla na lang akong pabibihisan sa mga 'to?

May nalalaman pang pakidnap-kidnap effect! Akala ko tuloy rapist eh! Badtrip!

Hindi na rin naman ako makakauwi mag-isa kasi hindi ko naman alam kung anong lugar 'to. Wala na akong choice kundi ang mag-'shut up and dress up'.

Napairap ako sa hangin habang ginagaya sa isip ko ang boses ng Lee-ntik.

"Ma'am, ang swerte niyo naman po kay Sir Lee," napatingin ako d'on sa babae na taga-assist na katabi ko at namimili ng damit habang kinikilig.

"Naku. Hindi ko po boyfriend yon!"

"Ano pong hindi?" sabi niya at may nginuso na kung saan. "Tignan mo po kung pano ka nya tignan."

"Eh?" napatingin ako sa direksyong tinuro niya.

Tinititigan ako ng seryoso ni Lee-ntik habang nakaupo sa couch sa hindi kalayuan. Napaiwas agad ako ng tingin. Pakiramdam ko, uminit nanaman ang pisngi ko at naririnig ko nanaman ang puso ko. Shut up and dress up, Ayra!

"Uyy, awkward ba?" ngumiti lang ako ng peke sa babaeng kaharap ko at napailing. Ibang klase.

Nabigla na lang ako nang may pinakita sya sa aking mga sampung uri ng magaganda at eleganteng damit. Pagkatapos n'on ay pinapasok na nila ako sa fitting area para sukatin lahat ng 'yon.

"Oh, baka pwede na 'to," bumuntong hininga ako habang tinitignan yung sarili ko sa salamin. Badtrip, pagod na ako ah! Pitong damit na yung sinosoot at pinapakita ko kay Lee-ntik pero wala pa syang ina-approve ni isa! Kapag eto talaga hindi niya pa rin nagustuhan!

Lumabas ako ng fitting room at unang tumambad sakin ang Lee-ntik na nakaupo sa couch ng fitting area. Deretso ang tingin niya sa 'kin pagkalabas ko pa lang ng pinto. Nakalagay yung thumb niya sa lower lip, at nakapatong yung siko sa headboard ng couch habang pinapasadahan ako ng tingin mula ulo hanggang paa.

Hindi ko alam kung bakit kinakabahan ako everytime na haharap ako sa kanya, at di ko alam kung bakit mas kinakabahan ako ngayon.

Uminit ang pisngi ko at napalunok nang tumigil yung titig niya sa mata ko.

"Pwede na," plain na sabi niya pagkatapos ay tumayo.

Kumalabog ng sobra ang dibdib ko nang naglakad siya palapit sakin habang tinititigan ako sa mga mata. Napaatras pa ako ng isang hakbang.

"Can you be my girlfriend, Miss?"

Sandaling tumigil ang tibok ng puso ko.


Load failed, please RETRY

สถานะพลังงานรายสัปดาห์

Rank -- การจัดอันดับด้วยพลัง
Stone -- หินพลัง

ป้ายปลดล็อกตอน

สารบัญ

ตัวเลือกแสดง

พื้นหลัง

แบบอักษร

ขนาด

ความคิดเห็นต่อตอน

เขียนรีวิว สถานะการอ่าน: C33
ไม่สามารถโพสต์ได้ กรุณาลองใหม่อีกครั้ง
  • คุณภาพงานเขียน
  • ความเสถียรของการอัปเดต
  • การดำเนินเรื่อง
  • กาสร้างตัวละคร
  • พื้นหลังโลก

คะแนนรวม 0.0

รีวิวโพสต์สําเร็จ! อ่านรีวิวเพิ่มเติม
โหวตด้วย Power Stone
Rank NO.-- การจัดอันดับพลัง
Stone -- หินพลัง
รายงานเนื้อหาที่ไม่เหมาะสม
เคล็ดลับข้อผิดพลาด

รายงานการล่วงละเมิด

ความคิดเห็นย่อหน้า

เข้า สู่ ระบบ