ดาวน์โหลดแอป
33.33% Fall of Demon / Chapter 2: Chapitre 2

บท 2: Chapitre 2

"Kambal ilang araw na hindi parin gising si bakla"ani ni Sugar kay Honey habang umiiyak na nakatingin sa nakahigang katawan ni Minute. Anim na araw na ang nakalipas ng mangyari ang aksidente at nagpapasalamat parin ang kambal na nadala nila si Minute sa hospital at naayos ang kalagayan nito.

Nakaramdam kasi ng kakaibang kaba ang kambal noong oras na iyon kaya'y napagkasunduan nilang puntahan si Minute at hindi nga sila nagkamali. Nakita nila itong nakahandusay at duguan sa kalsada kasama ang mga iba pang nakasabay nito sa sinakyang jeep. Lahat patay at si Minute lang ang nakaligtas. Kung binalewala nila ang kanilang pakiramdam nun baka wala narin ang kaibigan nila.

"Wag kang mag alala Asukal gigising din si Minute"pag alalo ni Honey

"Paano kung hindi na sya magising? Nagaalala ako mamamatay syang virgin"

sinamaan naman ng tingin ng dalaga ang kanyang kakambal. Nagawa pa talaga nitong magbiro sa ganitong pangyayari?

"Peace tayo Pulot pinagagaan ko lang ang pakiramdam natin" napailing nalang si Honey at hinawakan ang kamay ni Minute

"Besti gumising kana,ang dami mo ng na miss na assignment at lessons baka di kana mag 2nd year nyan, saka di mo pa pala nababayaran yung monthly payment sa Boarding house mo wag mo sanang takasan kawawa si Aleng Iska doon".

"A-lam k-ko" nagulat ang kambal ng makita nilang nagsalita si Minute at nakatingin na ito sa kanila. Hindi maiwasang mapangiti ni Minute ng makita ang reaction ng Kambal.

Nakamulagat at nakanganga kasi ang mga ito.

"MINUTE!!!"

Samantala sa Inferno(Kung saan nakamalagi ang mga demonyo)

Nagsasaya ang mga demonyo dahil wala na si Lucifer sa kaharian ni Haring Satan

"Ngayon lang ako naging masaya ng ganito haha dahil wala na sa lugar natin ang walanghiyang prinsipe na si Lucifer" banggit ng isang demonyo sumabat naman ang isang incubi

"Panigurado magwawala ang Hari at ang fallen angels sa pagkawala ng Prinsipe. Mahihirapan silang hanapin at ibalik si Lucifer dahil sa malakas na mahika na ginamit ng witch"tumango tango ang iba habang may ngisi sa kanilang mga labi.

"Mga hangal" bulong ni Medina habang pinagmamasdan ang mga Demonyong nagsasaya sa pagtalsik kay Lucifer

"Sa Pagitim ng langit ,dudugo ang buwan lalabas ang mga sikreto na hindi natin aasahan"bigkas nya bago sya maglaho sa dilim.

------

"Minute ito o kainin mo pa, para lumakas ka na"

nakangiti ko namang inabot ang mansanas na inaalok ni Honey. Agad ko itong kinagatan at napapikit pa ako sa tamis

"Sabi ng doctor pwede ka na daw makauwi sa bahay nyo bukas kaya magpahinga ka Minute ah para sa Monday pwede ka na pumasok"sabi naman ni Sugar habang sinusuklayan ang aking buhok.

"Mabuti naman kung ganon nababagot na ako dito eh,miss ko na ang higaan at mga stufftoy ko"napatawa naman sila sa sinabi ko

"Sya nga pala nung nakita nyo kong nakahandusay sa daanan may nakita ba kayong lalake na nakaitim sa lugar na iyon? "

napakunot noo naman ang kambal sa Tanong ko

"Wala Minute, Ikaw lang at ang iba pang nakasabay mo sa jeep ang nandoon at wala kaming nakitang lalaki na sinasabi mo. "sagot ni Honey

napaisip ako ng matagal, sure talaga ako na may lalakeng nandun at nakatayo sya sa harap ko,nakangisi pa nga eh.Pero hindi ko matandaan ang kanyang mukha. Masyado kasing malabo ang paningin ko nun.

"Sige hayaan nyo na baka guni guni ko lang"sabi ko nalang

8pm din ng gabi bago umuwi ang kambal.Magisa nanaman ako sa kwarto na ito. Ilang oras ang lumipas pero di ako makatulog kaya naisipan kong bumaba sa kama at binuksan ang sliding window. Sinilip ko kung gaano kataas ang pwede kong talunan.

"Medyo mababa lang pala"

dali dali akong inayos ang sarili ko sa pagtalon.Nagdasal muna ako bago ko sinimulan ang kagagagahan ko.

Ng tumalon ako inaasahan ko na sa matigas na lupa ako babagsak ngunit pagmulat ng aking mga mata, nakadantay ako sa katawan ng isang tao. Wow abs yum yum banggit ng malandi kong utak Inangat ko ang aking pagtingin at nasilayan ko ang mga matang para akong lalamunin dahil sa sobrang lalim ng titig nito. Ang ganda, pinaghalong berde at pula ang kulay ng mga mata nito. Magsasalita sana ako ng naunahan nya ako

"Sino ka hangal na nilalang? "


Load failed, please RETRY

สถานะพลังงานรายสัปดาห์

Rank -- การจัดอันดับด้วยพลัง
Stone -- หินพลัง

ป้ายปลดล็อกตอน

สารบัญ

ตัวเลือกแสดง

พื้นหลัง

แบบอักษร

ขนาด

ความคิดเห็นต่อตอน

เขียนรีวิว สถานะการอ่าน: C2
ไม่สามารถโพสต์ได้ กรุณาลองใหม่อีกครั้ง
  • คุณภาพงานเขียน
  • ความเสถียรของการอัปเดต
  • การดำเนินเรื่อง
  • กาสร้างตัวละคร
  • พื้นหลังโลก

คะแนนรวม 0.0

รีวิวโพสต์สําเร็จ! อ่านรีวิวเพิ่มเติม
โหวตด้วย Power Stone
Rank NO.-- การจัดอันดับพลัง
Stone -- หินพลัง
รายงานเนื้อหาที่ไม่เหมาะสม
เคล็ดลับข้อผิดพลาด

รายงานการล่วงละเมิด

ความคิดเห็นย่อหน้า

เข้า สู่ ระบบ