Daks
Nandito ngayon sa harapan ko sina Kalani at Cashmere. Tinutulungan nila akong mag-impake.
"Hoy! Liv Cameron, Sigurado ka ba na sasama ka talaga sa lalaking iyan?" Pagtatanong nina Cashmere.
"Oo nga, Girl! Hindi mo ba alam na may girlfriend yan?"
"W-What? Girlfriend?" Natigil ako sa paglalagay ng gamit.
"Ex na yun! Sabi ng mga mutual friends namin sa Manila ay naghiwalay na sila." Putol ni Kalani.
"Nako! Carmen ha! Don't fall for his traps. Kung pagkukunwari lang lahat ng iyan para sa kanya, ganoon din dapat sa iyo. Don't take things seriously for him." Pagpapaalala ni Cashmere.
"Not unless, Nagugustuhan mo na siya?" Dagdag ni Kalani.
"W-What? Hindi ah! Iba ang gusto ko noh." Pag-tanggi ko kahit na alam ko ay parang magulo.
"Sino ba gusto mo?" Deretsahang tanong nilang dalawa.
"S-Si.... Si Prixton."
"Really? Gusto ka rin niya ang alam ko." Kumislap ang mata nila.
"Pero nung nalaman niya na boyfriend mo si Alec eh pinipigilan niya. Desidido siya na ligawan ka. Kaya sinabi ko na nanliligaw pa lang sayo si Alec kahit na kunwari lang na boyfriend mo na siya." Kwento ni Kalani.
"Anyway, Carmen! Sinasabi ko sayo na huwag kang papaloko. You're smart and you know your limitations." Pagpapaalala nilang muli.
"Girls, Can I come in?" Kumatok si Mama sa pintuan.
"Of course, Ma!"
May dalang tray si Mama na may laman na lemonade at carbonara. Mahilig talaga si Mama magluto ng pasta kapag narito sila Cashmere at Kalani.
Iniwan rin kami agad ni Mama at nagpaalam na rin itong dalawang bruha pagkatapos kumain. Mga literal talaga na EAT AND RUN.
INCOMING CALL FROM ALEC PAKBOI
"Hello?" Pag-sagot ko sa tumutunog kong phone.
"Ready ka na ba? I'm on my way."
"Yes, Nasa sala lang ako naghihintay si Mama at Papa."
"Alright, Nasa gate na ako."
Binuhat ko na ang maleta ko at doon na sa salas naghintay. Pinapaalahanan ako nila Mama at Papa tungkol sa pag-alis ko.
"Alec, You take care of Carmen. Hindi ko kailanman pinakagat sa lamok ang anak ko. Make sure na safe siya." Matikas na paalala ni Papa.
"Yes, Sir. I will make sure."
"We'll leave now, Sir and Ma'am." Paalam ni Alec.
"Bye, Ma, Pa. I love you and Thank You." I kissed them both.
Nag-suot ako ng boyfriend jeans at kulay puti na off shoulder. Nag vans ako para ako ay kumportable sa biyahe.
"Saan mo ba ako dadalhin?" Agaran kong tanong.
"Manila."
"Sa Manila? Really?" Excited kong tinanong.
"Nakapunta ka na ba doon?"
"Yup! I've been there every now and then. Pero last month pa ang huli kong punta doon."
"Hmm, That's great."
Hindi ang Peugeot ang dala niyang sasakyan. Naka Ford Everest na kulay itim kami ngayon at may driver siyang kasama.
Nasa airport na kami ngayon at excited na talaga ako. Nag-hintay kami ng isang oras bago kami makapasok sa eroplano. Bumili ako ng Venti na Caramel Macchiato at Tuna Sandwich para may makain ako sa biyahe.
Nagulat ako na Siargao to Manila lang ang flight namin tapos naka Business Class pa. Ganoon ba kayaman si Alec at ang pamilya niya?
Business Class naman kami palagi nila Mama at Papa kapag bumibiyahe pero naisip ko kung si Alec ba ang nag-bayad nito o ang pamilya o kung sino ba.
Hay! Nag earphones ako at nagbasa ng dala kong fiction books. Pero sa huli ay inantok pa rin naman ako. Nahikab ako
"Pwede ka naman matulog muna."
"Wake me up if we're landing."
"Opo."
Hindi ako sumandal sa kanya pero isinandal niya ang aking ulo sa kanyang balikat. He was humming in my ear. Lalo akong inantok and at the same time ay na-relax.
"Wake up, Sweetie."
"Are we landing?" Tanong ko nang naka-hikab na ako.
"Yup. Straighten up your seat."
Hindi nagtagal ay naka-land na rin ang eroplano. Kinuha rin namin ang mga maleta na dala namin.
Madilim na nang naka-landing ang eroplano dahil gabi ang flight namin.
Nang naka-labas na kami ng airport ay naroon ang isang Range Rover na naghihintay.
"Sir Alec, Good Evening!" Bati ng lalaking na puting shirt at slacks.
"Where are we going?" I asked.
"We're staying in a hotel for the night and we're leaving the next day."
"At saan naman tayo pupunta bukas?"
"Batangas. My cousin got the entire resort for the guest."
"Oh, They own it?"
"Yes and They're expecting the whole family in their wedding. They originally planned to get married in Rome."
"Wow."
Nakarating din kami sa hotel and I didn't expect na iisa lang ang kama na kinuha ni Alec. Hanggang sa kwarto ba ay kailangan girlfriend ako?
"Let's eat dinner." Pag-yaya niya sa akin.
"Okay."
Naligo lang ako saglit at nagpalit ng jumpsuit na kulay pastel blue. Tapos naka sandals lang ako. Paglabas namin ng elevator ay pinag-titinginan si Alec ng mga tao, mapa-babae o mapa-lalaki.
"They're looking at you." Biro ko.
"I know." Mayabang niyang sagot.
"Oh, Whatever."
Nag-order ako ng beef lasagna, potato chips, at large strawberry milkshake. Habang si Alec ay nag-order lang ng steak at beer.
"Milkshake? Really?" He sarcastically asked.
"Yeah? Why?"
"Kid."
"I'm not a kid. I just don't drink alcohol that much."
"Does that make you a good girl?"
"No. I'm completely a mess."
"Well then, Eat well, Sweetheart."
"Umiinom ka na naman. Tapos sasakit ulo mo, magkakasakit. Bakit ba pag alam mo naman na magiging masakit ginagawa mo pa?"
"Masarap kasi sa pakiramdam. You get to get away and forget those sh*ts for a moment."
"Hmm, You have a point."
"Kumain ka na nga. Mauubos mo ba yan?" Naka-ngisi siya.
"Well, Let's see."
Nakakagutom din pala ano. Tapos ang sarap pa ng pagkain dito. Favorite ko talagang kainin ang pasta at mga milkshake. Maraming nagtataka kung bakit hindi ako tumataba, di ko rin alam.
"Parang kulang pa sayo, ano? Hindi ka pa busog?" Sarkastikong na naman niyang biro.
"Oo. Pwede pa ba ako mag-order? Kahit ako na lang ang magbabayad."
"Sige lang. Eat well."
Nag-order ako nung quesadilla at chocolate mousse. Hay! I feel like I'm already on a vacation.
Nang nakita na niya na tapos na akong kumain ay inaya niya akong mag-swimming.
"Tara! Bihis na tayo."
Sinuot ko ang one-piece na rashguard ko na kulay puti. Naisip ko rin na magsuot ng two-piece bikini kaso bukas nalang kapag nasa beach na kami.
Pag-kalabas ko ng bathroom ay may nakita akong di ko dapat makita.
"Oh my! I-I'm sorry, Papasok nalang ako sa bathroom uli."
OMG! Daks to! Naka boxers lang siya at naabutan ko na nagsusuot ng board shirts na itim. His abs looks really sculpted halatang pinaghihirapan. He looks more manly with his clean-cut hair.
"It's okay. Enjoy the view."
"Hayup ka! Ang yabang mo!" Napatili ako.
"You like what you see?" Ngisi niya.
"No way! Mag-shorts ka na nga."
"Alright, Let's go future real sweetheart."