ดาวน์โหลดแอป
38.7% TELEPORTED TO ANOTHER WORLD WITH GODLY POWERS (TAGALOG) / Chapter 12: Chapter 12: Magpapagawa ng Bahay

บท 12: Chapter 12: Magpapagawa ng Bahay

"Arayyyy!!!!"

Magandang umaga nanaman ang dumating sa bayan ng Juperia pero sa labas nito, ang magandang umaga ay nasira nang isang sigaw. "Ang sakit nanaman ng ulo ko. Araw araw ba ito? Hayysss." Sabi ni Farrah habang tumatayo mula sa kama. Nang nakatayo na si Farrah, nakita nya na biglang somolpot ang limang Shadows. "Goddess Farrah, pasensya na kasi pumasok kami basta basta dito. Narinig kapo kasi naming sumigaw at akala namin ay may nangyari na sayo Goddess." Nagsalita si Shadow 1 at nagpaliwanag kay Farrah.

"Ok lang ako wag kayong mag alala, midyo sumasakit lang ulo ko. Mawawala rin ito pagkagamit ko ng Healing Magic." Sabi ni Farrah habang kinakamot ang ulo at naglalakad papunta sa living room. "May pumunta ba ditong lalaki na may dalang pagkain? Sya yung lalaki doon sa may counter. Tuwing ganitong oras naman sya nagdadala ng pagkain dito, bakit kaya wala pa sya. Meron bang pumunta dito?" Tanong ni Farrah.

Pagkarinig sa tanong ni Farrah, tumingin si Shadow 2, Shadow 3, Shadow 4 at Shadow 5 kay Shadow 1. Tumingin din si Shadow 1 sakanila at hinde nya alam ang sasabihin nya. Kagabi kasi inutos nya kay Shadow 4 na dalhin doon sa bobong yung lalaki at natakot ito pagkakita sakanilang lima at tumakbo saka nahulog. Hinde na yun kasalanan ni Shadow 1 kung tanga lang talaga yung lalaki.

Tinulak ni Shadow 2 si Shadow 1. "Hmm? Bakit? Pumunta ba sya dito? Nasaan na sya?" Tanong ulit ni Farrah sakanila. "Goddess Farrah, may nangyari kasi kagabi at midyo may nangyari sa tinotokoy nyo pong lalaki." Hinde alam ni Shadow 1 ang gagawin kaya mas minabuti nya nalang na sabihin ang totoo kay Farrah at lahat ng nangyari kagabi.

"Huh!? Edi patay na sya? Pano na yan, saan ako kakain. Gutom na pati ako hayysss." Sabi ni Farrah habang hinawakan ang tyan na tumotunog na sa gutom. "Pasensya napo Goddess, pero wag po kayong mag alala, kami na bahala sa pagkain nyo." Mabilis na sinabi ni Shadow 1. "Wag na, bibili nalang ako ng pagkain sa loob ng Juperia. Sumunod nalang kayo at protektahan ako. Wag kayong magpapakita ok?" Sabi ni Farrah sa mga Shadows.

"Opo Goddess Farrah, at pasensya napo ulit." Sabi ng mga Shadows. Nagtinginan pati ang apat na Shadows kay Shadow 1 habang sinasabi ito. Sinisisi nila si Shadow 1 kasi kung hinde dahil sa pinagawa nya kay Shadow 4, edi sana nakakain na ngayun si Farrah. Si Shadow 1 naman ay walang magawa kundi ngumiti nalang at nagkamot ng ulo.

"Tara na sa Juperia, maghahanap ako ng makakainan dun." Sabi ni Farrah. "Opo Goddess." Sabi ng mga Shadows. Lumipad na si Farrah sakay ng HoverBoard nya at ang mga Shadows naman ay nag anyong anino at sumonod kay Farrah mula sa baba. "Hmm, siguro kailangan konang magpagawa ng bahay sa loob ng Juperia para hinde kona kailangang lumabas pasok sa Juperia."

Napapagod na kasi si Farrah sa kakalabas pasok sa Juperia, dahil nga sa nangyari kay Farrah nung unang pag punta nya palang dito ay hinde na sya nakapasok sa Juperia at napilitan syang mangopahan sa isang Hotel sa labas ng Juperia. Kaya naisipan nyang mag pagawa ng bahay, pag may sariling bahay na sya, hinde nya na kailangang patagoin ang mga Metal Giants nya sa ilalim ng lupa at pwede nya nang palabasin ang mga ito.

Pagkatapos ng ilang minuto, nakapasok na agad si Farrah sa Juperia at naglakad lakad sya para maghanap ng restaurant na makakainan nya. "Goddess Farrah, tulongan napo namin kayo, maghahanap kami ng magandang makakainan nyo para hinde kana po maghanap pa at maglakad nang maglakad." Habang naglalakad si Farrah, nagsalita si Shadow 1 habang nasa lupa sya.

"Ahh ganun ba, sige sige. Mas mabuti yun, parang nauubosan na kasi ako ng lakas sa kakalakad. Bilisan nyo ha at yung may masasarap na pagkain ang hanapin nyo ok?" Sabi ni Farrah sa mga Shadows. "Opo Goddess Farrah, masusunod po." Sabay sabay sinabi ng mga Shadows at naghiwa-hiwalay sila papunta sa ibat-ibang direksyon.

Ilang saglit lang, bumalik na agad ang mga Shadows. "Goddess Farrah, may nakita napo kami. Sigurado masasarap po ang pagkain doon." Sabi ni Shadow 3 habang naka anyong anino. "Tama po si Shadow 3, tinikman kopo ang mga pagkain doon at masarap nga po." Sabi ni Shadow 5. "Tinikman mo? Bakit hinde ka nang alok? Ang daya mo Shadow 5." Sabi ni Shadow 4 habang tinitignan ng masama si Shadow 5.

"Kaya nga Shadow 5, dapat sinabihan mo kami. Kaya pala ang tagal mo dun. Tinikman mo pala ang mga pagkain doon." Sabi ni Shadow 2. "Ok ok sige na. Tigil na kayo, wag na kayong mag away. At saka hinde naman natin kailangan kumain para mabuhay, hanggat buhay ang Goddess natin hinde tayo mamatay, kaya tigilan nyo na yan." Sabi ni Shadow 3 para matigil na sila sa pag aaway.

"Ok mga Shadows, ituro nalang natin kay Goddess kung saan yung kainan na nakita natin kaysa mag away kayo jan." Sabi ni Shadow 1. "Ayy oo nga pala. Sorry po Goddess hehe." Sabi ng mga Shadows na nagtatawanan nalang.

Si Farrah naman ay natatawa rin kasi nakakatuwa silang tignan habang naka anyong anino sila at nasa lupa. Mga korteng bilog sila at tanging ang bilog at puting mata lang ang meron sila kaya pag nagsasalita sila aakalain mo na ang mata nila ang bibig nila. Nakakatawa ang mga itchura nila habang nag aaway, para silang mga maskara nung mga superhero na mata lang ang meron tulad ni Spiderman at Batman at yung ibang superhero.

"Ituro nyo na at nagugutom na ako." Sabi ni Farrah sa mga Shadows. "Opo Goddess." Ang mga Shadows naman ay naging korteng arrow at itinuro kay Farrah kung saan yung daan. Dinala si ng mga Shadows sa isang malaking Restaurant na sa unang tingin palang ay halatang halatang pang sosyal na at pang mayaman. Napaka ganda ng pagkakagawa sa Restaurant na ito, at pag tinignan mo sa malayo aakalain mo kumikinang sya sa daming makikinta na gintong nakalagay sa mga padir.

Pumasok si Farrah at ang mga Shadows naman ay nagtago sa anino ni Farrah. Pag pasok palang ni Farrah, na amoy nya na agad ang masarap na mga pagkain na niluluto dito. "Hoy! Bawal pumasok ang polobi dito!" Habang ene-enjoy ni Farrah ang ganda at bango ng lugar na ito, biglang may narinig syang sumigaw. Tumingin sya sa gilid nya at nakita nyang may lalaking naglalakad papalapit sakanya. Base sa soot nya, taga welcome sya ng mga guest dito sa Restaurant na ito.

"Goddess, papatayin naba namin sya?" Tanong ng mga Shadows na nasa likod na nung lalaki. "Wag! Magtago lang kayo." Sabi ni Farrah sakanila. "Hahh!? Sino yung nagsalita?" Tumingin yung lalaki sa likod nya pero wala naman syang nakitang tao. "Ahmm, gusto kopong kumain dito." Madaling sinabi ni Farrah para mabaling sakanya ang attension nung lalaki.

Tumingin kay Farrah yung lalaki at tinignan sya mula sa taas pababa. "Ikaw? May pang bayad kaba? Pang bili nga ng maayus na damit wala ka tapos kakain ka dito!? Lumayas ka nga baka malasin pa kami dito!" Sigaw nang lalaki kay Farrah. Sa itchura kasi ni Farrah, kahit sino aakalain na polobi sya. Matagal na syang hinde nakakapag palit ng damit at dahil sa mga nangyari ng mga nakaraang araw, nagkasira sira na ang damit nya at naging madumi na ito.

Pagkarinig ni Farrah sa sinabi ng lalaki, nagalit sya pero pinigilan nya na gawing inasal ang lalaki. "Meron akong pang bayad, kaya ko ngang bilhin itong boong Restaurant nyo! Kahit ikaw kaya kitang bilhin! Sabihin mo kung magkano ka at bibilhin kita." Galit na sigaw ni Farrah. "At sumasagot kapa. Anong sabi mo kaya mong bilhin ang boong restaurant namin? Alam moba kung gaano kamahal ito!? Baka pagkarinig mo sa presyo eh mahimatay ka kaagad." Sabi nung lalaki.

"Sige sabihin mo at tignan natin kung hinde ko kaya." Sabi ni Farrah sa lalaki habang nakangiti. "At talaga gusto mong malaman!? Oh sige ito ang presyo! Makinig ka! 50,0000 Gold. Oh ano!? Kaya mobang bilhin ito!? Ngayun lumayas ka sa harap ko kung ayaw mong ibato pa kita papalabas." Galit na sigaw nang lalaki. "Heh, 50,0000 Gold lang naman pala. Ang mura lang pala. Tignan mo ito." Itinaas ni Farrah ang kanang kamay nya at nagpalabas ng 50,0000 Gold mula sa Magical Ring.

Clang.. Clang.. Clang..

Tuloy tuloy ang pagbagsak ng mga ginto mula sa Magical Ring hanggang sa makagawa na ito ng parang bundok ng ginto. Ang lalaki naman ay nakanganga na ng napaka laki at nakatulala nalang sa bundok ng ginto na inilabas ni Farrah. "Pa..Panong? Tika.. isang Magical Ring ba yang nasa kamay mo!?" Nanginginig na sinabi ng lalaki. Dahil matagal na syang nakatira dito sa Juperia syempre alam nya kung ano ang mga presyo ng mga Magical Ring dito.

At nung nakita nya na ang kulay ng Magical Ring ni Farrah sa kanang kamay nya ay kulay ginto. Halos mahimatay na sya. Alam nya ang presyo ng ganung Magical Ring, sa sobrang mahal nito pwede nang ipalit ang Magical Ring na yun sa kalahati ng boong Juperia.

"Hohoho, tadhana nga naman. Miss Farrah, nagkita muli tayo." Hinde napansin ni Farrah na may taong pumasok na may mga kasamang mga tauhan nya, at nung nagsalita lang ito saka nya nalang sya nakilala. "Lolo Rennie, kumusta po kayo. Mukhang tadhana nga po ito." Sabi ni Farrah habang nakangiti sa kakaabot palang na si Lolo Rennie.

"Maayus naman ako." Napatingin si Lolo Rennie sa Bundok ng Ginto na pinalabas ni Farrah at sa lalaking nakanganga at nakatulala na para bang nilayasan na ng espiritu nya. "Miss Farrah mukhang may problima ka yata, sabihin molang kung ano yun at akong bahala sayo." Sabi ni Lolo Rennie. "Wala lang ito Lolo Rennie, may isang tao lang kasi dito na ayaw akong papasokin at tinawag pa akong polobi." Sabi ni Farrah at tumingin doon sa lalaki na ngayun ay nawalan na ng malay.

Kilala nung lalaki ang si Lolo Rennie kaya alam nya na sya ang may ari ng Dwarf's Cave. Isa sya sa pinaka mayaman at makapangyarihang tao dito sa Juperia, kaya nang nakita si Lolo Rennie nung lalaki na close pala sila ni Farrah, hinde nya na alam ang gagawin nya at dahil nga doon bigla syang hinimatay.

"Hahaha, pabayaan mo na yun Miss Farrah, sadyang may mga tao lang na hinde marunong tumingin ng tao. Kakain kaba dito? Tara sabay kana saakin." Sabi ni Lolo Rennie habang tinutoro ang daan. "Ahh sige po. Karangalan kopo yun hehe." Sabi ni Farrah habang kinakamot ang ulo. "Ang karangalan ay akin." Ngumiti si Lolo Rennie at naglakad na sila papasok at umopo sa pinaka magandang lamesa sa Restaurant.

"Lolo Rennie, gusto kopo sanag magpagawa ng bahay dito sa Juperia. May alam kapo bang lupa na pwede kong bilhin?" Tanong ni Farrah. "Magpapagawa ka ng bahay? Hmm lupa, kung yan ang hinahanap mo, mahihirapan ka. Kasi lahat ng lupa dito sa Juperia may mga nag mamay-ari na at hinde sila nagbibinta ng lupa nila. Kaya mahihirapan ka talaga jan Miss Farrah." Sabi ni Lolo Rennie.

"Ayy ganun po. Wala napo ba talaga akong mabibili dito? Kailangan konapo kasi, ayaw kona pong umupa ng Hotel dito at gusto ko may sarili akong bahay." Sabi ni Farrah. "Hmm actually meron akong alam na lupa, kaso may problima lang tayo doon." Sabi ni Lolo Rennie. "Ano pong problima?" Tanong ni Farrah. "Kasi sa lupa na yun ay may nakatayong bahay at ang sabi ng mga tao doon ay may multo daw doon na pumapatay ng mga tao na pumapasok doon. Ngayun nga wala nang kahit isang tao na gustong lumapit doon kaya ang may ari ng bahay na yun ay binibinta na ito." Sabi ni Lolo Rennie.

'Multo? Diba may Holy Magic ako. Ay pwede ko yun magamit hehe madali lang pala ito' Sabi ni Farrah sa isip nya. "Lolo Rennie, gusto kopong makita ang bahay na sinasabi nyo." Sabi ni Farrah kay Lolo Rennie. Pagkarinig ni Lolo Rennie kay sa sinabi ni Farrah, nagulat sya. Akala nya pagkarinig ni Farrah sa sinabi ni Lolo Rennie ay matatakot sya at aayawan nya ito pero iba ang nangyari, gusto nya pang puntahan ito kahit alam nya nang may multong pumapatay doon.

"Sigurado kaba Miss Farrah? Delikado yun at baka kung anong mangyari sayo." Sabi ni Lolo Rennie kay Farrah. Sa tono nya, parang ayaw nya talaga na papuntahin si Farrah doon. "Lolo Rennie, ok lang po. Gusto kopong pumunta doon. Titignan kolang naman po kaya wag kapong mag alala." Sabi ni Farrah habang kinikindatan si Lolo Renie. "Hayss kung yan ang gusto mo. Naval, ituro mo kay Miss Farrah kung saan yung bahay na sinasabi ko." Sabi ni Lolo Rennie sa isang babaeng tauhan nya.

Pagkarinig nang babae sa utos ni Lolo Rennie, halatang natakot ito pero wala syang magagawa kaya sinunod nya nalang ito. "Opo Lord Rennie."

"Lolo Rennie, mamaya nalang po ako kakain, and wag kapong mag alala, mag iingat ako." Sabi ni Farrah habang tumatakbo palayo at hinahatak ang tauhan ni Lolo Rennie na inutosan nyang ituro kay Farrah kung saan yung bahay.

Dinala si Farrah ni Naval sa isang madilim at walang katao tao na lugar at sa harap nila ay may isang bahay na sira sira at kung makikinig ka may maririnig ka na mga sigaw ng mga lalaki at babae at meron nga rin sanggol na umiiyak. "Madam Farrah, pasensya napo pero kailangan konapong umalis baka po kailangan napo ako ng Lord Rennie." Nag bow sya kay Farrah at dali daling tumakbo papalayo na para bang natatae sya at hinde nya na kayang pigilin.

"So, ito pala yung sinasabi nilang bahay na may multo daw na pumapatay. Grabi nakakatakot nga." Natatakot na sabi ni Farrah. "Goddess, wag kapong matakot. Nandito kami at ipagtatanggol kapo namin sa kahit anong kapahamakan." Sabi ni Shadow 1. Ang mga Shadows ay naglabasan na ngayun kasi wala nang tao.

"Woohh, kaya natin ito. Tara na!" Sabi ni Farrah at sabay silang naglakad papasok sa nakakatakot na bahay na ito.


Load failed, please RETRY

สถานะพลังงานรายสัปดาห์

Rank -- การจัดอันดับด้วยพลัง
Stone -- หินพลัง

ป้ายปลดล็อกตอน

สารบัญ

ตัวเลือกแสดง

พื้นหลัง

แบบอักษร

ขนาด

ความคิดเห็นต่อตอน

เขียนรีวิว สถานะการอ่าน: C12
ไม่สามารถโพสต์ได้ กรุณาลองใหม่อีกครั้ง
  • คุณภาพงานเขียน
  • ความเสถียรของการอัปเดต
  • การดำเนินเรื่อง
  • กาสร้างตัวละคร
  • พื้นหลังโลก

คะแนนรวม 0.0

รีวิวโพสต์สําเร็จ! อ่านรีวิวเพิ่มเติม
โหวตด้วย Power Stone
Rank NO.-- การจัดอันดับพลัง
Stone -- หินพลัง
รายงานเนื้อหาที่ไม่เหมาะสม
เคล็ดลับข้อผิดพลาด

รายงานการล่วงละเมิด

ความคิดเห็นย่อหน้า

เข้า สู่ ระบบ