ดาวน์โหลดแอป
79.16% A killer's Step || Tagalog Horror / Chapter 19: Chapter 20 : Flashback

บท 19: Chapter 20 : Flashback

A Killer's Steps

Chapter 20 : Flashback

YERIN POV

Nang makapasok na ang mga kasamahan namin ay saka kami pumasok ni Theo

Sabay naming sinindihan yung lampara at flashlight na hawak namin ni Theo.

Napanganga ako sa nakikita ko

Room of Violin ba to? Kasi naman. Ang buong kwarto ay punong puno ng Violin. Iba't iba ang klase at lahat sila ay magaganda

Iba iba rin ang mga style at nakakamanha sila isa isa

"Anong klaseng lugar to" Manghang sabi ni Theo nagkibit balikat ako saka ko hinawakan yung isang Violin

Di ko Alam pero may naghuhudyat sa akin na kunin yun

Nakatitig sa akin si Theo habang hawak ko yung Violin

Feeling ko nakatugtog na ako nito. Pero wala akong matandaan nung kabataan ko na tumugtog nito

Di ko maintindihan

Nagsimula akong nagtugtog

(Please play the multi media)

Nagulat ako dahil parang bihasa na talaga ako sa pagtugtog nito

FLASHBACK..

"Andrea Di ganyan ang pag hawak ng Violin! Dapat ganito" napangiti ako habang tinuturuan ako ni Ate Felecita magviolin

"Paano po ba dapat ate?" masayang tanong ko. Ngumiti naman siya saka siya lumapit at tinuruan ako

"Ganito yan Andrea. Yung kanang kamay mo ang dapat ihawak dito. At ang kanang kamay ang hahawak sa mahabang ito at dyan ka makakagawa ng tunog" nakangiting pagtuturo sa akin ni Ate Felecita kaya ngumiti ako saka tumango sa kanya

"Salamat Ate"

END OF FLASHBACK...

"Yerin!? Ayos ka lang?!" Isang iglap napatingin ako kay Theo na niyuyugyog ako

"Ah. Ahhhhhhh~!" Impit na sigaw ko nang biglang sumakit ang ulo ko. Parang binibiyak. Parang may kung anong pinupukpok doon

"Yerin?! Yerin aning nangyayari say~ ahhhh~!"sigaw din ni Theo at hinawakan din ang ulo niya

Anong nangyayari? Bat ganito?! Ahh! Ang sakit! Ahhh!!

Isang iglap ay nakakita ako ng puting liwanag

"Yehan" Napalingon ako at nakita ko si?

"Rica?" Nagtatakang tanong at isang maikling ngiti lang ang binigay niya sa akin

"Yehan ay hindi Andrea. Nakahanda ka na bang lakbayin ang nakaraan mo?" Nakangiting tanong niya pero naguguluhan ako. Anong nakaraan?

"Nakaraan? Anong nakaraan? Anong pinagsasabi mo? Asan si Theo?" sunod sunod na tanong ko sa kanya pero isang ngiti lang ang ibinalik niya sa akin kasabay ang pagliwanag ng buong paligid

Ang sakit sa mata!

"Andrea! Halika!" Napalingon ako sa boses ng babae. Ang ganda niya Nakita ko ang siguro ay kaedad ko na babae na tinatawag ang batang siguro ay nasa limang taong gulang pa lamang

"Ate! Wow dala mo ang paborito kong Pang musika" Natutuwang sabi ng bata yun. Ang cute niya pero pamilyar siya. Parang

Ako

"Alam mo ba Andrea? Nakapaglakbay ako ng kauting panahon sa hinaharap! At alam mo kung ano ang tawag nila sa bagay na to?" kitang kita ko ang pagka exite sa batang yun na Si Andrea pala

"Ano ate?!" Nakangiting tanong niya

"Violin!"

Sa isang iglap ay biglang lumiwanag ulet. Ang sakit sa mata! Wala akong makita! Ipinikit ko ang mata ko ng sandali. Nang maramdaman ko ang pagkahupa ng liwanag ay ibinuka ko ng marahan ang mata ko

"Yan! Yan ang bagay sayo! Di ka nababagay sa mundo! Isa kang salot! Dahil sayo ay hindi mapanatili ang katiwasayan sa ating nayon!" napalingon ako at nakita ko ang eksenang to!

Teka

Ito yung nasa panaginip ko.

Pinagtutulungan ako este si Andrea ng taong bayan

"Ikay walang Turing! Di ka dapat nabubuhay sa mundo! Ang dapat sayo ay mamatay!" Halos mapanganga ako sa mga sinasabi nila. Bakit? Bakit ang sasama ng mga salitang binigay nila kay Andrea?

"wag! Nagmamakaawa ako sa inyo! Wala akong ginagwang masama!" pakikiusap ni Andrea saka siya lumuhod sa laylayan ng damit nung isang babae

"Maawa? Hahaha! Isa ka rin palang mapangahas na tao! Sa tingin mo ba kaka awaan ka namin sa mga taong gaya mo?" ang sarap sampalin nung babaeng yun!

Lalapit na sana ako nang bigla silang maglabas ng bato at mga pamalo. Wala na akong naririnig kundi ang mga masasakit na salita sa kanila kabilang na ang mga hikbi na nagmumula kay Andrea. Kawawa naman. Napapikit nalang siya habang hinihintay na dumampi sa kanya ang mga pananakit na ibig nilang ibigay sa akin. Pero may humawak sa pamalong yun

Humina ang mga bulungan at tila bay gulat sila.

Theodore?

Teka anong ginagawa ni Theo dito?

Maya maya pa ay lumakas nanaman ang hangin. Hala! Ano nanaman ba to? Napapikit ako para maiwasan ang pagdampi ng buhangin sa mata ko

"Mahal na mahal kita Tandaan mo yan" napamulat ako ng mata nang marinig ko ang katagang yun

At nakita ko ang sarili ko

Kasama

Si Theodore?

"Mahal na mahal din kita Mateo" Mateo? Mat? Siya yung lalaking napapanaginipan ko?!

Mateo

teo

Theo

Theodore

"Ayun sila! Kinulam ng babaeng yun si Mat! Mangkukulam ang nanay niya at kinulam ng nanay niya ang tatay niya para sumama sa kanila! Ngayon naman ay si Mat ang kinulam niya!" sigaw ng taong bayan. Napalingon yung dalawa sa direksyon na yun saka sila sabay na tumakbo

Mangkukulam? White witch?

Parang

Naaalala ko na lahat

Isang iglap ay biglang napunta ako sa gubat. Kasama ko si

"Theo?" tanong ko na ikinabigla niya

"Yerin? Teka anong ginagawa mo dito? Naaalala mo na lahat?" tanong niya saka niya ako hinawakan sa pisngi. Umiiyak akong tumango sa kanya.

"nauulit Yehan. nauulit kung paano tayo papatayin. Papatayin nila ako ulet" umiling iling ako saka ako humarap sa kanya

"di mangyayari yun Theodore di ako papayag. Sabi ko kasabay ang pagtakbo namin. Dahil hinahabol nanaman kami

"Bilis" Sabi ni Theo sa akin sabay hila

"Malapit na sila Theo!" Sigaw ko kaya lalo lang niyang hinigpitan ang kapit niya sa akin

"Wag kang mag alala Yerin ako ang bahala sayo" sabi niya. Patuloy parin kami sa pagtakbo at iniiwasang makita kami ng mga naghahabol sa amin

"Ayun sila! Bilis!" Sigaw ng isa sa mga kasamahan nila. Hala! malapit na nila kaming abutan!

Biglang hinigpitan ni Theo ang hawak niya sa akin saka kami nagtakbo sa gubat. Pareho kaming hingal na hingal at ubos na rin ang lakas namin

Napatingin ako sa kanya at seryoso parin siya sa pagtakbo

Hanggang sa

*bang!

Naramdaman ko ang pagbagsak ni Theo. Nanlaki ang mata ko at agad na lumuhod para saluhin siya.

Nakapatong yung ulo niya sa tuhod. Ko dinig na dinig ko ang pagtakbo ng mga tao. Medyo madilim kaya di kami agad mahahanap ng mga taong naghahabol sa amin

"Theo! Theodore! Gumising ka!" Naiiyak na sabi ko. Dahan dahan naman niyang minulat ang mga mata niya. Napangiti siya ang bahagya saka hinawakan yung pisngi ko. Hinawakan ko naman yung kamay niya na nakahawak sa pisngi ko. Kasabay ang paghikbi ko

"Naulit ulet Yehan. Wag kang mag alala. Magkikita pa tayo dahil panaginip lang to" kasabay ang pagpikit niya

Tama panaginip lang to. Pinaalala lang sa amin ang nangyari noong nakaraan

Pero ang sakit kasi alalahanin ang nakaraan

Maya maya pa ay naramdaman ko ang pagbagsak ng kamay niya. Di na ako naawat at patuloy sa pagiyak

"Napagisipan mo na ba ang desisyon mo?" Napalingon ako at nakita ko nanaman siya. Nakatayo siya sa harap namin. Heto na heto na siya

"A-anong ginagawa mo dito?" Tanong ko sa kanya. Nangingiyak parin ako. Siya ang dahilan kaya kami

Nabuhay sa hinaharap

"Sabi ko. Napagisipan mo na ba ang Desisyon mo sa gusto ko?" Nakangising saad niya. Alam kong di madali ang pinapasok namin ngayon, noon

Di ko alam pero parang may nagtutulak sa akin na magsalita at sumang ayon sa kanya

Oo nga pala

Kahit ayaw ko, namin ay nauulit muli ang nangyari sa nakaraan.

Kaya wala akong magagawa kundi pakisamahan lang yun

"Pag nilagdaan ko ba yan? Mabubuhay kami ni Theodo-Mat? Pagkatapos ng isang daang taon?" Umiiyak na tanong ko sa knaya. Napangiti naman siya. Iaang nakakalokong ngiti

Agad niyang itinaas ang kamay niya at lumabas mula doon ang isang papel. Ang papel na yun. Isang pirma lang wala na

May ibinigay siya sa aking panulat. Nilagdaan ko yun. Kasabay ang pagsuka ko ng dugo

Nabaril na pala ako

Wag kang mag alala Theo. Magkikuta muli tayo

Bigla kong maimulat ang mata ko. Umiiyak akong tumayo sa pagkakahiga ko saka ako umiyak ng umiyak Kasabay ang pagyakap sa akin ng isang tao

"Sabi ko sayo panaginip lang yun. At naa alala ko na lahat Andrea" nilingon ko si Theo sa harapan ko saka ko siya niyakap ng mahigpit

"Theo. Ngayon alam ko na. Namuhay tayo pagkatapos ng 100 taon. Yun ang pinangako sa akin nung babaeng nagpakita sa akin" Umiiyak na sabi ko kaya humarap siya sa akin

"di ako humiling sa kanya pero tinupad niya. Kaya tayo nabuhay sa taong to. Pero bakit ganun? Isinumpa tayo? Bakit nauubos ang pamilya natin?!" umiiyak na sabi ko pinunasan niya ang kumalat na luha sa mga mata ko saka ako hinalikan sa noo

"Shh. Mapalaman natin yan. Aalamin natin ang dahilan at makakatakas tayo sa sumpang ibinigay sa atin" saad niya saka niya ako niyakap

"Stop Crying Ayokong umiiyak ka" hinarap niya ako kasabay ang isang ngiti sa labi niya

"Nahanap na nila ang daan" kasabay ang paghalik niya sa akin

Sa labi

___________

NAGETS NYO NA BA? HAHAHA

Last 2-3 Chappy I think


Load failed, please RETRY

สถานะพลังงานรายสัปดาห์

Rank -- การจัดอันดับด้วยพลัง
Stone -- หินพลัง

ป้ายปลดล็อกตอน

สารบัญ

ตัวเลือกแสดง

พื้นหลัง

แบบอักษร

ขนาด

ความคิดเห็นต่อตอน

เขียนรีวิว สถานะการอ่าน: C19
ไม่สามารถโพสต์ได้ กรุณาลองใหม่อีกครั้ง
  • คุณภาพงานเขียน
  • ความเสถียรของการอัปเดต
  • การดำเนินเรื่อง
  • กาสร้างตัวละคร
  • พื้นหลังโลก

คะแนนรวม 0.0

รีวิวโพสต์สําเร็จ! อ่านรีวิวเพิ่มเติม
โหวตด้วย Power Stone
Rank NO.-- การจัดอันดับพลัง
Stone -- หินพลัง
รายงานเนื้อหาที่ไม่เหมาะสม
เคล็ดลับข้อผิดพลาด

รายงานการล่วงละเมิด

ความคิดเห็นย่อหน้า

เข้า สู่ ระบบ