ดาวน์โหลดแอป
100% I Accidentally Married A Dead Woman( Tagalog) / Chapter 23: Chapter 23: The Last Case File

บท 23: Chapter 23: The Last Case File

CED'S POV

Pinaadar ko na ang makina sa aking sasakyan at nagmaneho palabas ng mansion hanggang sa paglabas ng gate sa subdivision. Lumiko ako pakaliwa at dere-deretso lang ako. Maya-maya ay lumiko na naman ako pakaliwa. Mula dito ay mga matatayog na puno na. Dahan-dahan akong nagmaneho habang nakatingin ang mga mata doon.

"Feira? Ano sa tingin mo? May naaalala ka na?" Tanong ko sabay tingin sa kaniya at umiling lang siya. Nagmaneho pa ako ng deretso at lumiko na naman. Sa unahan, nandoon na ang cemetery. Pinahinto ko ang sasakyan at lumabas ng kotse. Pinagbuksan ko si Feira at lumabas na siya. Isinara ko ang pinto ng kotse at naglakad papunta sa gubat. Si Feira, nakatayo lang sa daan.

"I've estimated that the car stopped here and you ran inside that forest. We will just walk straight ahead and find something strange." Sabi ko at umiling lang si Feira. Halatang natatakot siya. Magkadikit kasi ang dalawang palad niya at nilalaro ang sarili niyang mga daliri.

Naglakad ako papalapit sa kaniya at inilagay ang ulo niya sa dibdib ko at niyakap siya. Hinimas-himas ko ang likod niya gamit ang aking palad upang mawala ang kaba at takot niya. Niyakap niya ako ng mahigpit at unang kumawala sa pagyayakapan namin.

"Tara na, Ced. Ayos na ako." Ngiting sabi niya at hinalikan ko siya sa noo bago hinawakan ang kaniyang kamay.

"Let's go." Sabi ko at tumango lang siya. Pumasok na kami sa loob ng gubat.

Madaming mga tuyong sanga at dahon na natatapakan namin. Mga bato, at malalaking ugat ng mga puno na lumalabas na sa lupa.

"Dahan-dahan baka matalisod ka." Sabi ko at inalalayan siyang mabuti.

Medyo naiinis narin ako dahil sa mga sanga na nasasagi sa braso ko, natatamaan ang ulo ko at pisngi ko.

"Feira, ayos ka lang?" Tanong ko.

"Oo naman. Dahan-dahan lang kasi, Ced. Dapat iwasan mo, sugod ka ng sugod masusugatan ka niyan." Sabi niya.

"Yeah, right!" Sabi ko

"Maganda pala rito no?" Biglang sabi niya.

"Tignan mo, ang sinag ng araw lumalagpas sa mga dahon kaya nagkakaroon ng kaunting ilaw. Mga dahon at bulaklak, mga insekto at mahangin rin rito."

"Insekto? Oo, mga lamok." Pagsisira ko sa magandang komento sa lugar na ito.

Oo, nagagandahan ako dito pero ngayon, hindi na. Dito kasi sa lugar na ito ginanap ang pagpatay sa kaniya.

Palinga-linga ako sa paligid upang tignan kong ano ang kakaiba. Pagtingin ko sa gawing kaliwa ko, nakita ko iyong malaking bato na inupuan ni Feira noon. Nakita ko rin ang matambok na puno na kung may sanga na nakatusok sa lupa. Kamay pala niya iyon, kung saan ko isinuot ang singsing. Lumapit ako rito at tumingin sa unahan, ilang takbo nalang ay nasa likod na kami ng mansion.

Kumunot ang noo ko.

"Feira? May naaalala ka na.?"

"Diyan tayo unang nagkita, diyan nangyari ang lahat. Tumatakbo ka pa nga pauwi kaso nahabol kita." Tawang sabi niya.

Sumeryoso ang mukha ko sa sinabi niya.

"A-uhm..bahay ko iyan diyan. Sa ilalim."

"Dahil dito ka inilibing!" Naiinis kong sabi.

"Siguro nong nahuli ka at pinagbabaril, kinaladkad kapa papunta rito upang dito ka ilibing." Sabi ko habang umiigting ang panga ko sa galit. Napahawak ako sa aking batok at huminga ng malalim.

"Balik tayo, Feira. Babalikan natin ang dinaanan natin hanggang paglabas baka may makita tayo." Sabi ko sabay hila sa kaniya.

"Bilis!" Sabi ko.

Nakatuon ang aking paningin sa baba. Sa mga bushes ay tinignan ko. Sigurado kasi ako na tinapon din ng walang hiya iyon ang baril na ginamit niya. Naghanap kami ni Feira. Ang possibleng dinaanan nila noon ay natignan na namin ngunit wala kaming nakita.

Lumabas nalang kami ng gubat. Napasandal ako sa aking sasakyan habang nakatayo lang si Feira na malungkot na nakatitig sa akin. Huminga ako ng malalim at napahilamos sa aking mukha dahil sa pagkabigo.

"Ced? Pasensya na. Wala akong naaalala eh. Hindi k-ko a-alam kung bakit wala ak-akong maaalala. Pinilit ko na talaga." Sabi ni Feira na naiiyak na.

Tumayo ako ng maayos at lumapit sa kaniya. I tapped her head slowly to make her feel, everything will be okay.

"Huwag mong pilitin ang sarili mo, Feira. Maaalala mo rin iyan. I'm sorry dahil minamadali ko ang lahat." Huminga ako ng malalim bago nagsalita ulit.

"Gusto ko lang kasi mahanap ang may gawa nito sayo. Iniisip ko palang na malaya ang gagong iyon at nagsasaya sa buhay. Samantalang ikaw ay naghihirap. Kumukulo ang dugo ko sa galit."

Yumakap si Feira sa akin at hinalikan ang aking pisngi. Ramdam ko ang malamig niyang labi na dumampi sa aking pisngi.

"Mahal na mahal kita, Feira." Sabi ko at tumitig sa kaniyang mga mata.

"Mahal din kita." Nakangiting sabi niya.

"Tara. Umuwi nalang tayo." Sabi ko at pumasok na kami sa sasakyan.

Maya-maya lang ay nasa mansion na kami. Pinark ko na ang aking sasakyan at bumaba na kami. Pagkapasok namin sa loob ng mansion ay bumungad sa amin si Mommy at Daddy. Nagulat ako sa biglaan nilang pagdating.

"Mom!" Tawag ko at abot-tenga ang ngiti ni Mommy.

Naglakad ako papalapit sa kaniya at niyakap siya.

"Lance! My baby boy! How are you?"

"Mom, I'm okay." Ngiting sabi ko.

"Hmm. How's the married life?" Tanong ni Mom na may ngiti sa labi sabay tingin kay Feira. Lumapit siya kay Feira at niyakap din ito.

"Feira."

Nailang naman si Feira sa pagkakayakap ni Mommy sa kaniya.

"You're so cold." Sabi ni Mom at hinawakan ang kamay ni Feira.

"Ah-eh, Mom, malamig naman po talaga ngayon. Mahilig kasi si Feira sa aircon. Kanina sa sasakyan, full blast talaga, Ma " pagsisinungaling ko.

"Ganon ba?" Tumango lang si Feira at ngumiti.

"You know what Feira, I have a lot of gifts for you. Kasi naman, noong nagpakasal kayo ni Lance, kayo-kayo lang. Ni hindi kami imbitado. Nagulat nalang kami nong nawala siya, tapos pagbalik niya may asawa na pala siya. I just wanted you to feel comfortable with us, okay. At isa pa, hindi pa tayo nagkapag-usap." Malungkot na sabi ni Mommy.

"Huwag po kayo mag-alala. Maayos lang po ako. Since nandito na kayo, pwede po tayo makapagkwentuhan." Ngiting sabi ni Feira at natuwa naman si Mommy.

"Ang ganda mong bata." Tiling sabi ni Mommy sabay hila kay Feira papalapit sa kaniya.

"Tara, tignan natin ang mga pinabili ko sayo." Sabi ni Mommy at naglakad na sila papunta sa sala.

"So, dad? Tahimik natin ah?"

"Someone trying to destroy our company, Son." Seryosong sabi ni Daddy.

"What?! Who would dare to destroy our business dad? Wala naman tayong kaaway ah?"

"Alam mo, anak. Business is business. Competitions are everywhere. And most of all, greediness, insecurities, and cheating lurks in every corner of the Business industry. We can't avoid na may maninira sa atin."

"So what are we gonna do?"

"I want you to handle our company pagkatapos ng Business Gathering na gaganapin rito." Seryosong sabi ni Dad.

"I'm still studying."

"Lance. Matalino kang bata. You can do both. Tutulungan ka namin ni Mommy mo. Aalalay kami sayo don't worry."

"Kailan ba gaganapin ang Business Gathering?" Tanong ko

"Fours days from now."

"So, Wednesday. Okay, dad."

"Payag ka na?" Di makapaniwalang sabi ni Dad.

"I have no choice. Family business natin iyan. Ako na bahala kung sino man ang sumusira sa kompanya natin."

****

Katatapos lang namin mag-dinner. Si Dad ay nasa study room niya. Si Mommy at Feira nasa sala. Nanonood ng palabas. Ako naman ay nasa kwarto na ako, kaharap ang aking laptop.

Biglang nag-popped up sa screen ang pangalan ni Johndro. Nakikipag-video call. Hinawakan ko ang mouse at cli-nick ang answer.

"Bro! I've sent to you the files na hinack ko. Hahahaha. Tatlong files lang ang nangangalang Feira."

"Salamat bro."

"Si Feira ba iyan na asawa mo?" Tanong niya.

"No. Iba to. Tinignan mo ang mga files?"

"Nope. I didn't. Sent ko na agad sayo."

"Okay, thanks. Titignan ko na."

"Send my regards to your wife. Punta kami bukas diyan!"

"What?! Madami akong gagawin!"

"See you tomorrow, bro!" Bago pa ako makapag kontra sa kaniya ay pinatay na niya ang tawag.

"ANG PANGIT MO, JOHNDRO!"galit kong sabi.

Ayaw ko na pumupunta sila sa mansion dahil ang iingay at ang kulit nila. At isa pa, pag may ginagawa ako, ayaw ko na magulo.

Tinignan ko na ang files na sinent niya sa akin.

File 1:

Feira Marice B. Manceros

•Born on January 07, 1995

•Being reported as missing and was being found dead on May 21, 2014.

•rape victim

Binasa ko lang iyong mga highlights. Iyong mga importanting detalye lang.

Binasa ko na lahat at tinignan ang mga pictures na huli ng sinend ni Johndro.

'Pinalaki at pinalinaw ko pa bro.'

Itong sa tatlo, wala si Feira. Wala ang litrato niya at walang naaayon sa lahat ng mga analysis ko.

Ang isa namatay dahil nirape, ang isa naman ay pinatay sa sariling bahay at ang panghuli ay kinidnap at hindi pa nakikita hanggang ngayon. Sa huling litrato hindi naman ito si Feira. At hindi siya kinidnap kundi pinatay siya. May mali sa huling case na ito.

Or maybe...

Kagagawan rin ito ng pumatay sa kaniya. Dahil sa huli, sinabi na pinatigil na ang investigation ng isa sa pamilya noong 2017.

Naguguluhan na ako.


Load failed, please RETRY

ตอนใหม่กำลังมาในเร็วๆ นี้ เขียนรีวิว

สถานะพลังงานรายสัปดาห์

Rank -- การจัดอันดับด้วยพลัง
Stone -- หินพลัง

ป้ายปลดล็อกตอน

สารบัญ

ตัวเลือกแสดง

พื้นหลัง

แบบอักษร

ขนาด

ความคิดเห็นต่อตอน

เขียนรีวิว สถานะการอ่าน: C23
ไม่สามารถโพสต์ได้ กรุณาลองใหม่อีกครั้ง
  • คุณภาพงานเขียน
  • ความเสถียรของการอัปเดต
  • การดำเนินเรื่อง
  • กาสร้างตัวละคร
  • พื้นหลังโลก

คะแนนรวม 0.0

รีวิวโพสต์สําเร็จ! อ่านรีวิวเพิ่มเติม
โหวตด้วย Power Stone
Rank NO.-- การจัดอันดับพลัง
Stone -- หินพลัง
รายงานเนื้อหาที่ไม่เหมาะสม
เคล็ดลับข้อผิดพลาด

รายงานการล่วงละเมิด

ความคิดเห็นย่อหน้า

เข้า สู่ ระบบ