Saktong paglabas ng prof namin sa business math, nag-vibrate yung phone ko.
1 message received
From : maboy/louie ko <09051234567>
wait me at the exact place where you messed my car's window.
Natawa ako ng mahina.
"Bossy talaga." Umiiling-iling na sabi ko at nagreply sakanya.
To : maboy/louie ko <09051234567>
Y?
After kong i-send, wala pa atang isang minuto nagreply na naman sya.
"Wala bang prof tong playboy na to?" Tanong ko sa sarili ko at binuksan yung new message nya.
From : maboy/louie ko <09051234567>
Y? THAT'S ALL YOU CAN RESPOND?!
Tss. Praning talaga. Ano namang gusto nyang sabihin ko? Kahit sa text message napaka-mainitin talaga ng ulo. Tsk.
To: maboy/louie ko <09051234567>
:p
Sent!
Hihi. Sarap pagtripan ng playboy na to *_*
Dumating na yung prof namin kaya naman binalik ko na sa bulsa.
"Good morning, class."
"Good morning, Mrs. Fernandez."
Nagvibrate na naman yung phone ko kaya patago ko itong inabas.
From: maboy/louie ko <09051234567>
WHAT THE?! YOU BETTER PREPARE URSELF!!!!!
>____<
Binabawi ko na yung sinabi ko kanina na ang sarap pagtripan ng playboy na to. Nagagalit ba sya dahil ang tipid kong magreply?
Naman oh!
Ipinwesto ko yung kamay kong may hawak ng phone sa ilalim ng desk ko at nagtype habang nakatingin sa prof namin. Argh. I'm a bad student na tuloy >0<
Si Playboy kasi eh.
To: maboy/louie ko <09051234567>
Luh! Bakit na naman po? Galit po kayo? All caps eh >_< ayaw mo po ba ng tipid na reply? Di na po mauulit *0* atsaka UULITIN ko lang! I didn't actually messed out ur car's window! IT WAS AN ACCIDENT! ACCIDENT as in NOT MY INTENTION!!!!! Ang sungit mo sa'kin porket may kasalanan ako sayo na dapat kong bayaran >u< bakit kailangan ko pa kasi yung bayaran? May bago ka na naman ulit na kotse ah? Ha? Ha?
Sent!
Potek biglang humaba yung reply ko, ah? Essay lang ang peg?
Nung nagvibrate yung phone ko, dali-dali ko itong binuksan. Sumilip pa ko kay maam baka kasi mahuli.
From: maboy/louie ko <09051234567>
:)
Aish! Plaboy na to! Argh >___<
Nakakaasar pala ng sobra kapag ang haba-haba ng text message mo tapos tipid na tipid yung reply? Lalo na kapag emoticon lang. Pang-asar. Tsk.
Eh pero teka! Mas mahaba naman yung text ko compare saknya. Tsk. Epal lang.
"Miss Alvarez, are you using your phone in my class?"
Pa-tay!!!
Nagsitinginan sa'kin lahat ng blockmates ko. Siniko pa ko ni Chloe.
"Uh," napakagat nalang ako ng labi. I don't know what kind of alibi will I say.
"Ma'am, can I ask a question regarding to our topic?" Sabi nung blockmate kong nerd na Joshua ang pangalan.
"What is it, mister?"
Nagtanong siya hanggang sa nakalimutan na ni Ma'am yung phone issue ko.
I sighed in a relief.
Thanks to that nerd.
"Girl, type ka ata ni nerd." Bulong ni Chloe.
"Baliw!"
Habang naglalakad sa hallway, nakasalubong ko si Aldrich together with a girl. Not an ordinary girl. Wait, she's kinda look familiar.
Wait. Isip. Isip.
Ah!
Sya si Althea Jane Alfonso. Ang Ms. DH university.
"Ostritch!"
"Bakit, bespren?"
Tumingin ako kay Althea tapos nginitian nya ko. "Uhm, Aldrich, cr lang ako."
"Hmm. Kay."
Pag-alis ni Althea, kinurot ko si Aldrich sa tagiliran pero di manlang sya umaray.
"Naka ng, Aldrich! Althea yun, ah! Nililigawan mo? Bakit kayo magkasama? Kayo na ba?"
Nag "tss" sya sabay pisil sa ilong ko. Ang sakit =___=
"Partner ko lang sya sa project namin. Wag ka ngang mag-isip ng kung anu-ano dyan!"
"Weh?" I mumbled.
Inakbayan nya ko tapos ginulo yung buhok ko.
"Besides, mas angat pa rin para sa'kin ang isang Zailie Louise Alvarez. Walang makakapantay sa'yo." He kissed my head.
Pabiro ko syang siniko at lumayo sakanya.
"Kung anu-ano na namang lumalabas dyan sa bunganga mo! Dyan ka na nga!" I stick my tounge out at him before left.
Hindi pa ko nakakalayo narinig ko pa syang nagsalita ulit. "Totoo yun, mahal kong bespren!"
Ay ewan! Makakahanap ka din ng love life mo, Aldrich! I'm not the right girl for you. Coz I'm the right girl for Zoid. Hihi. I smiled at the thought pero nawala nung may babaeng huminto sa harapan ko.
"Pwede ba tayong mag-usap?"
***
Pumunta kami sa gilid ng blue building dahil doon walang tao.
"Tungkol saan ba yung sasabihin mo?" Tanong ko kay Chelsea.
Oo, si Chlesea ang babaeng kasama ko ngayon. Pareho kaming nakaupo sa isang bench. Nakatingin ako sakanya ng seryoso habang sya ay nakatingin sa malayo habang nakangiti. Ang sarap nyang picturan, men!
"Alam mo hindi ko talaga maintindihan kung bakit ikaw." Paninimula nya. She paused and mukhang may binabalikan sa isip nya
***FLASHBACK***
3rd person's POV
Naisipan ni Chelsea na pumunta sa hotel room ni Zoid. Nakita nya ito sa hallway na parang nagtatago.
Kumunot ang noo nya at nilapitan ang binata.
"Hun," she called softly pero mukhang hindi sya narinig ni Zoid dahil busy ito sa pagtanaw sa <?>
Tumingin sya kung saan naka-focus ng tingin ng binata.
Nakaramdam sya ng disappointment nang malamang si Zailie Louise Alvarez na NAMAN ang pinagtutuunan nya ng pansin.
Maraming babae si Zoid pero bakit ba kay Zailie lang sya nakakaramdam ng selos at inggit?
Dahil ba sa madalas nyang mapansin si Zoid na tinataw sya kahit na sa malayo?
Dahil ba ilang beses na nyang nahuli si Zoid na pinagmamasdan ang picture nya sa wallet o cellphone nito?
At higit sa lahat, dahil ba sa kahit hindi sabihin ni Zoid, nararamdaman nya na si Zailie ang mahal nito at hindi sya?
That thought hurts her feelings.
Sya nga ang palaging kasama . . . pero iba naman ang nasa isip ni Zoid.
And that is Zailie.
Pinagmasdan nya lang ang expression ni Zoid na halatang nagseselos habang naglalakad papunta sa elevator si Zai na kasama ang isang lalaki.
Nang nakasakay na sa elevator ang dalawa, tumalikod na si Zoid at sakto namang nalaman na nasa likod nya pala si Chelsea. Nagulat pa nga ito pero agad din namang nagpoker face.
"May problema ba?" Tanong sakanya ni Zoid.
"Uh," she muttered. "wala naman. Gusto lang kitang bisitahin."
"Magkasama naman tayo kanina, diba?" Walang ganang sabi ni Zoid.
She nodded. "Wala kasi akong makausap."
"Pupuntahan nalang kita sa kwarto mo mamaya. Gusto ko munang magpahangin."
Tumango ulit sya tapos nagsimula ng maglakad si Zoid.
He followed Zoid without him knowing it. Nakatutok lang ang mga mata nya sakanya habang sinusundan ito. And because of that, may nabunggo sya kaya naman nagsorry sya.
"It's okay, pretty." Nakangiting sabi sakanya nung lalaking nabunggo nya. Kilala nya ang lalaking iyon dahil kaibigan sya ni Zoid. It was Ceejay.
Kinurot sya nung babaeng kasama nya sa tagiliran.
"You're so babaero talaga! I hate you!"
Hindi nalang nya pinansin na mag-away ang dalawa at itinuon ulit ang atensyon sa taong sinusundan.
Saktong paglabas ng hotel, huminto sa paglalakad si Zoid kaya naman napahinto din sya at sinundan kung saan sya nakatingin.
'Kaya pala . . .' Sabi nya sa sarili nya.
Sya na naman.
Why is Zailie always has his attention?
Nakaupo si Zai sa buhangin at may lalaking nakapatong ang ulo sa balikat nya. Kung titignan, they were like a sweet couple.
Kaya ba napatigil si Zoid dahil sa nasasaktan sya sa nakikita nya?
Nakita nyang hinalikan ni Zailie yung lalaking kasama nya sa pisngi kaya naman automatic na nabaling ang ulo nya kay Zoid at dahan-dahan nya itong nilapitan.
Nagulat nalang sya ng may napasin syang patak ng luha ang bumagsak mula sa mga mata ni Zoid.
He was crying.
For the very first time, he saw him crying.
Nagsuot si Zoid ng shades so that nobody will figure out tears falling down from his eyes atsaka umalis.
*** End of Flashback ***
"Hindi naman sa pagmamayabang, but you know, I can be better than you. Pero bakit ikaw?" Humarap sya sa'kin at nagulat nalang ako dahil naluluha na ang mga mata nya.
"Who knows how much I love Zoid. What do you have that I don't?"
Inabutan ko sya ng panyo. She accepted it and mumbled her "thank you".
"Zoid Louie Lee. His name is tailed by the word Playboy." she said. "And Playboy can't love."
"No! It isn't true!" I protested. "He can love."
"Right. He can love. He just doesn't want to because why would he love somebody when everybody loves him? Playboy better choose many than one." Chelsea pointed out.
"So, bakit mo to sinasabi sa'kin?"
"Masakit mang sabihin but he loves you."
Natigilan ako sa sinabi nya.
"But because of him being Playboy, he choose others than you."
I opened my mouth to talk but closed it again. Napa-sigh nalang ako bago magsalita, "Pwede bang diretsahin mo na ko?"
"Fine. I just wanted you . . . to stay away from him."
Natawa ako ng pilit dahil sa sinabi nya.
"Then why would you think I will do that?"
"Please," she paused to wiped her tears with my hanky. "I just . . . i just have him back." Hinawakan nya ang dalawa kong kamay. "I'll do whatever you want me to do. If you want me to kneel down in front of you, I'll do it. Just please." Umiwas ako ng tingin dahil humagulgol na sya ng iyak. It was like there was an angel crying in front of me.
Have him back.
It means na may past sila. Playboy si Zoid kaya hindi na ko nagtaka pa.
"Alam mo, Chelsea, you are a kind of person na ang hirap tanggihan. Pero sorry----"
"Sorry because you won't do that?" Tumayo sya sa harapan ko. "Okay, if that's what you want. He's not your property naman so bakit ko pa nga hiningi ang pabor na yun?"
Natulala ako sakanya. An angel turned into a demon?
"I hate being bad but ayokong mawala sa'kin si Zoid. Ako ang girlfriend nya ngayon at hindi ikaw, right? So, if being bad is the best thing to do . . . to make him stay with me," napayuko sya saglit. Parang nahihirapan sya sa mga masasamang sinasabi nya. "At kahit ikaw pa ang mahal nya . . . hinding-hindi ko sya pakakawalan. Sorry to say pero akin lang sya."
Parang nagpintig yung tenga ko dahil sa sinabi nyang kanya lang si Zoid kaya naman tumayo ako at ginantihan sya ng tinging naghahamon ng laban.
"Hindi sya sa'yo, Chelsea! Yes, hindi ako kundi ikaw ang girlfriend nya ngayon, pero nag-iisa ka lang ba? Hindi naman, diba? May past kayo, pero hindi pa rin ikaw ang ONLY GIRLFRIEND nya, right? It is me." I emphasized the last sentence. "It is me na naging ONLY GIRLFRIEND nya during our relationship. Wala akong kahati at kinalimutan nya ang pagiging playboy noong kami. At pinagmamalaki ko ang bagay na yun. Nararamdaman ko na mahal pa ko ni Zoid at dahil sa sinabi mo na ako ang mahal nya, mas lalong tumindi ang paniniwala ko."
Kinuha ko yung bag ko sa bench at isinukbit sa balikat ko. "Sorry to say din, Chelsea. Kung hindi mo papakawalan si Zoid, ipaglalaban ko naman ang nararamdaman ko. Love is worth fighting for nga, diba? Kilala ko ang maboy ko. Hindi sya gagawa ng ikakasakit ng mga taong mahal nya kung wala syang malalim na dahilan." Nagsimula na kong maglakad pero huminto din at nilingon sya. "Nag-enjoy ako sa girls' talk natin. Mas lalo mong pina-realize sa'kin na dapat kong ipaglaban yung feelings ko. Bye!" I waved at her then leave her speechless.
Nung medyo nakalayo na ko, nakarinig ako ng mga tilian.
"Kyaaaah~ idol na talaga kita, Zai (~ *O*)/" Red
"Ang galing, hindi ka talaga marunong magpatalo, girl!" Vi
"You even mentioned pa yung 'maboy'." Pink
"You girls so loud naman." Chloe
"Zaaaaiiiiii!!!!" Sigaw ni Sophi at nagpout.
"Oh?"
"May pagkain ka? Parang nagugutom ako eh." Sabi nya habang hinihimas yung tyan nya.
"Kala ko naman kung ano na." Yat
"Here," inabutan sya ni Chloe ng cookies galing sa bag nya.
Pinanood kong kainin ni Sophi na binigay sakanya ni Chloe. Ang kyooot parang bata kumain.
Nagsnap ng finger sa'kin si Yat kaya napatingin ako sakanya.
"May pupuntahan ka, diba?"
OMO!
Tumingin ako sa wristwatch ko.
4:40pm na!!
Parehong 3:00 kasi ang dismissal namin ni Zoid ngayon. Okay, actually ako lang ang 3pm ang dismissal. Ewan ko ba dun sa lalaking yun. Basta nagtext sya kanina na 3pm daw andun na sya. He even texted me na: Wag kang mali-late! You know how I hate waiting.
Argh.
Kumaripas na ko ng takbo hanggang sa napatigil at nag-isip.
"Paano naman nalaman ni Yat ang tungkol dun?"
Baka sinabi ni Chloe?
Err. Ang dapat kong intindihin ngayon ay ang makapunta agad sa meeting place namin ni Zoid.
1hr and 40mins na kong late.
Paulit-ulit kong binibigkas ang "Sana wala na sya" habang papunta sa lugar kung saan kami magkikita.
"Sana wala na sy-----"
Napatigil ako sa pagtakbo nang maabutan ko syang nakatayo habang nakasandal sa kotse nya. Nakapamulsa pa at ang aura! >u< naman eh~
Nakayuko akong naglakad palapit sakanya. Natatakot ako sa itsura nya. Salubong ang kilay at mukhang inip na inip na. Ang hot! Sobrang hot na ng ulo nya >P<
"Bakit ngayon ka lang?"
I looked down to my fingernails, toying it. "Uh, kasi . . ."
"Kasi nakipag-usap sa'yo si Chelsea?"
Napaangat ang ulo ko sakanya. Paano nya nalaman?
"It doesn't matter."
Ay potek! Nababasa ba nya yung iniisip ko?
"Yes. Nababasa ko yang nasa isip mo."
Oo nalang.
"Tsismoso! Nakikinig sa usapan ng iba. Tss." Nagsimula na syang maglakad kaya naman sinundan ko sya.
"Alam kong nag-usap kayo pero di ko alam yung pinag-usapan nyo." Pinamulsa nya yung kanang kamay nya tapos yung isa naman ay dahan-dahan kong nararamdaman sa likod ko sa bandang waist.
Ang init ng palad nya.
He is so hot talaga!!!
"Saan tayo pupunta?" Nakatingala kong tanong sakanya. Tangkad eh -.-
Na-realize ko na ang lapit pala nya sa'kin habang naglalakad kami. Yung tipong halos magkadikit na yung mga balikat namin. At lalo kong na-realize na parang KAMI dahil bukod sa magkadikit kami, nakadikit pa yung mainit nyang palad sa likod ko.
Hindi naman sya sumagot hanggang sa may babaeng dumating at kinausap sya. Tinignan pa nya ko mula ulo hanggang paa. Tss. Taga ibang school ata to. Iba yung iniform na suot eh.
"Later, Zoid." Malanding sabi nya at tumingin sa'kin. "Bago na naman?" Tumawa sya and uulitin ko, pangmalandi. "Ikaw talaga, Zoid!" At talagang hinampas nya sa braso si Zoid ng pangatlong ulit, pangmalandi, habang tumatawa.
Napansin nya ata na wala ni isa samin ni Zoid ang nakikitawa sakanya kaya naman huminto sya at nagsabing, "Sorry. Bye!" Lumapit pa sya kay Zoid at tumingkayad.
Hahalikan nya dapat sa lips kaya naman hinawakan ko si Zoid sa braso at hinila palayo. Nakita ko kung paano magbago ang expression nung babae.
"Okay! Bye na! Babush!" Sabi ko at hinila na palayo ang walang imik na si Zoid.
Nung nakalayo na kami, binitawan ko na sya. "Hindi ka ba talaga pwedeng mawalan ng babae kahit isang araw lang? At talagang pumapayag ka pang magpahalik, ah!" Sabi ko habang nagmamartsa at nakatingin sa daan.
Ilang segundo lang ay nagulat ako dahil hinalikan nya ko sa pisngi.
"Para saan na naman yon? Nakakailan ka na sakin, ha!"
"Pambawe."
"Pambawe?"
Tumingin ako sakanya saglit habang naglalakad.
"Pambawe kasi nagseselos ka." Sabi nya at sa tono ng pananalita nya, alam kong pinipigilan nyang ngumiti.
Huminto ako sa paglalakad kaya naman huminto din sya.
Magsasalita pa sana ako kaso inunahan nya ko. "Ano? Itatanggi mo pa?"
"Ba't ko naman gagawin yun?" Natigilan ako bigla. Chuchu naman oh! Kahit kelan wala talagang preno tong bunganga ko. Ngumisi sya kaya naman agad akong nagsalita maiba lang ung topic. "Kapag lahat ba ng babaeng kasama mo na nagseselos, hahalikan mo din?"
And to my unexpected, he laughed. "Nagseselos na naman ang Louise ko." Hinalikan nya yung kabila kong pisngi.
"E-ewan ko sa'yo!" Tumalikod na ko at nagsimulang maglakad, pero nakakailang hakbang palang ako ay nagsalita na sya kaya naman napahinto ako.
"Sa isang babae ko lang ginawa at gagawin yun . . . sa babaeng nagngangalang Zailie Louise Alvarez."
Lokong to! Pinapakilig na naman ako. Hihihi~
Hindi ako nakagalaw hanggang sa nalaman ko nalang na nakatayo na sya sa gilid ko.
Pinisil nya yung pisngi ko sabay sabing, "Blush!" tapos inakbayan ako at naglakad na ulit kami.
Hinawakan ko yung braso nya at akmang aalisin pero diniinan nya ang pagkakaakbay sa'kin at sinabing, "Don't you dare. You are mine, right?"
"Yeah right. Just a deal. A one month deal." Mahinang sabi ko.
Kaya ba sya sweet sa'kin dahil lang sa deal na yon? Wag naman sana.
Naglakad pa kami hanggang sa makarating kami sa highschool compound. Nagtaka naman ako pero pinili ko nalang ang manahimik. Feel na feel ko kasi ang pagkakakbay sa'kin ni Zoid. Haha!
Doon kami dumaan sa back gate. Pinapasok naman kami ng guards doon. Binati pa nga nila kami eh.
Pagkapasok namin sa building, diretso sakay kami sa elevator. Hindi ko napansin kung anong button ang pinindot nya kasi may iniisip ako.
Kaming dalawa lang kasi ni Zoid ang nasa loob ng elevator at alam nyo na . . . may UNFORGETTABLE SWEET MOMENT kasi kami sa loob ng elevator. Naalala nyo ba? Yung . . . yung nagkiss kami >/////<
Naramdaman kong hinawakan nya yung isa kong kamay tapos pumeke sya na inuubo.
Ahm . . . pareho kaya kami ng iniisip?
Pareho ba kaming nasa temptation mode?
*Ting*
Success!
Bumukas na yung elevator pero wala pa rin ni isa saamin ang nagsasalita.
Nilibot ko ang paningin ko at nalamang nasa rooftop kami.
"Anong ginagawa natin dito?" Tanong ko sakanya. Hindi nya pa rin binibitawan yung kamay ko. Very good (*0*)/
"Gaya ng dati." Nakangiti nyang sabi habang sa iba nakatingin. At nung tumingin ako kung saan sya nakatingin, doon sa spot kung saan sya natulog habang nakapatong yung ulo nya sa lap ko. Yung punishment eklabu nya kasi pinahiya ko sya sa klase.
Hinila nya ko papunta dun. Nung nakarating na kami, binitawan nya yung kamay ko para tanggalin yung coat nya at inilapag sa sahig.
Nanlalabo na naman yung mga mata ko. Tears, I'm begging you not to fall down.
Hinawakan nya yung dalawa nyang kamay sa tip ng braso ko at dahan-dahan akong inalalayan paupo sa sahig kung saan nakalatag yung coat nya tapos ini-stretch yung binti ko.
Wala na.
Hindi sumunod sa utos ko yung luha ko dahil tuluyan na silang tumulo.
Yumuko nalang ako. He then wiped my tears with his thumb and uttered, "Don't cry. Please."
Tumango ako at agad na pinunasan yung luha ko gamit ang kamay ko tapos nginitian sya.
He kissed the side of my eyes bago humiga at gawing unan ang lap ko.
Pinatong nya yung braso nya sa mata nya kaya naman inusog ko yung braso nya papunta sa noo nya.
He opened his eyes and gazed at me.
"Matulog ka na po. Master."
Natawa sya ng mahina at sinabing, "Master Maboy."
Napangiti nalang ako at pinagmasdan sya hanggang sa ipikit na nya ang mga mata nya.
Habang pinagmamasdan ko sya . . . ang lalaking mahal na mahal ko . . . nasabi ko sa sarili ko na tama at wala akong pinagsisisihan sa mga sinabi ko kay Chelsea kanina.
Kahit marami akong kaagaw, kahit marami syang babae . . . hinding-hindi ako magsasawang mahalin sya. Because he is the only Zoid Louie Lee, a PLAYBOY, who taught me what real love means...