ดาวน์โหลดแอป
75.79% I Can't Go On Living WITHOUT YOU / Chapter 191: Looks Guilty

บท 191: Looks Guilty

Aliyah Neslein Mercado's

" May babae silang kasama kanina ng ihatid nila si Onemig. Hindi ko sya kilala pero kilala mo raw sya.  "

" Sino daw po sya tita? "

" Si Greta. "

Natigilan ako ng marinig ko ang pangalang binanggit ni tita Bless. Paano? Kaninang umaga lang nandoon sya sa meeting namin with the university Chairman. Ibig bang sabihin hindi na sya pumasok after that meeting?

Malamang Aliyah. Kasama nga sya nila Onemig di ba?

" Liyah? " pukaw muli ni tita.

" Ah yes po tita. Kaklase po siya nila Onemig nung high school tapos nasa iisang University po kami ngayon. "

" Oh I see. Hindi ko sya gusto. " bigla na lang sambit ni tita.

" Po? " napakunot noo ako.

" I mean, hindi naman ako judgemental na tao pero iba ang pakiramdam ko sa kanya. Parang may kakaiba sa kanya. Basta.  Pasensya ka na anak, nalito tuloy yata kita. Sige na puntahan mo na yung nobyo mo sa taas, yayain mong kumain kung gising na. " tumango na lang ako kay tita at tumuloy na sa pag-akyat sa room ni Onemig.

Napapaisip ako dun sa sinabi ni tita Bless. Maging sya yata ay may pakiramdam na hindi maganda kay Greta.I mean, lahat sila ay may negatibong pakiramdam kay Greta. Isang indikasyon na hindi ako talaga dapat magtiwala sa kanya.

Pagdating ko sa kwarto ni Onemig, naratnan kong nakaupo sya sa kanyang kama, mukhang wala pa sa tamang huwisyo. Tumingin sya sa may pinto ng maramdaman nya ang presensya ko.

" Hi s-swee-tie! " sambit nya sa lasing na tono. Napatakbo ako palapit sa kanya ng bigla syang tumayo at ma-out of balance.

" Oops.. Beb careful! You're drunk. Ano ba kasi gagawin mo? " tanong ko. Inalalayan ko sya ng ituro nya ang bathroom.

" You s-sure you'll g-go with m-me here? I-Inside? " tanong nya na ngising-ngisi pa. Bigla ko tuloy na-realize yung posibilidad na makita ko yung bagay na hindi ko dapat makita. Jusko.

" Yeah. Pipikit ako, don't worry. " pabalewalang tugon ko. Pero sa totoo lang ninenerbyos ako na ewan.

" Really baby? " sa mapang-asar na tono. Grabe, lasing na nga mapang-asar pa rin.

" Sige na nga kasi beb! Baka mamaya dyan ka pa maihi. Bakit ba kasi naglasing ka? " hindi na sya kumibo kasi nag-uumpisa na syang umihi sa toilet bowl. Buwisit na to, walang pasintabi, buti na lang hindi ako nakatingin, kundi ang virgin eyes ko napariwara na sana.

" Beb are you done? "

" Yeah. "

" You sure? "

" I said yes. Lasing ka rin ba sweetie? Ang kulit mo eh. " inakbayan nya ako at hinila palapit sa kanya tapos hinalikan ako sa ulo. Natatawa ako sa sinasabi nya pero hindi ako nagpapahalata.

" Ang mabuti pa beb pupunasan kita para mahimasmasan ka. Come on. " hinila ko sya palabas ng CR at inalalayang mahiga muli sa kama nya.

Nang masiguro kong maayos na ang puwesto nya, bumalik ako ng CR para kumuha ng gagamitin sa pagpupunas sa kanya.

Pagbalik ko galing CR, napailing na lang ako ng makita kong tulog na naman sya. Problema ko tuloy ngayon kung paano ko sya huhubaran para palitan ng damit pantulog. Bahala na nga.

Inumpisahan ko na syang punasan. Maingat ang bawat dampi ko ng towel sa mukha at mga braso nya. Hindi ko alam kung paano ko naman pupunasan ang katawan nya, kahit pa boyfriend ko sya nahihiya pa rin akong basta na lang sya hubaran.

Lumabas ako ng silid nya para humingi ng tulong kay tita Bless ngunit pagbaba ko ay wala na si tita sa living room. Nakapatay na rin ang mga ilaw.

Hala paano ako uuwi nito?

Sa huli ay napagdesisyunan kong bumalik na lang muli sa room ni Onemig. Siguro gigisingin ko na lang ang isa sa mga kasambahay pag uuwi na ako.

Nang nasa room na nya ako ay muli ko syang pinunasan sa mga braso at leeg. Pikit mata kong itinaas ang t-shirt nyang suot.

Relax lang Aliyah. Inhale. Exhale. .

Nang medyo relax na ako ay maingat kong hinubad sa kanya ang t-shirt nya. Medyo nahirapan pa nga akong mahubad sa kanya ng tuluyan dahil hindi ko sya masyadong mai-angat dahil mabigat sya.

After 45 years ay natanggal ko na rin ng tuluyan ang shirt nya. Pawisan na nga ako ng matapos kahit may aircon naman. Ikaw ba naman ang bumuhat ng taong tulog.

Medyo nanginginig ang kamay ko ng umpisahan ko na syang punasan sa katawan. Takte. Kasi naman ang mga abs, nakakatuksong, pisil-pisilin, pindut-pindutin, haplos-haplusin.

Hoy Aliyah tumigil ka nga dyan. Ako ang iyong konsensya.

Nayayamot na inalis ko ang pansin ko sa nag-aanyayang mga abs at nag-focus na lang ako sa pagpupunas sa kanya. Ang lakas kasi maka-rebuke ng konsensya ko, digital na rin.

Nang matapos ko syang punasan sa katawan ay ang pag-huhubad naman ng pants nya ang problema ko. Baka mamaya kasi. . . Naku erase, erase. Kung ano na naman ang naiisip ko.

Medyo nanginginig na naman ang kamay ko nang umpisahan kong i-unbutton ang pants nya. Nang magtagumpay ako ay dahan-dahan ko namang ibinaba ang zipper nya.

Careful Aliyah, baka maipit mo ng zipper yung ano nya.

Nang maibaba ko na ang zipper ng pants ay pikit mata ko namang hinila paalis ang pants sa kanya. Pero dahil masikip yung maong pants ay hindi ko namalayang sumama ang briefs nya ng hilahin ko. Na shock ako ng biglang umigkas yung ano, yung---ano nya. Jusko lodi, biglang nag hello sa akin. Tayong-tayo. Nanlaki yung mata ko. Ganon pala itsura non? Ang taba tas mahaba.

OMG!  Ang virgin eyes ko napariwara na talaga!

Hindi ko alam kung ano ang uunahin kong takpan, yung mata ko o yung si Onemig.

Sa sobrang taranta ko, malakas kong naihagis sa kanya yung nadampot kong unan na sumakto naman sa nakatayong sundalo nya.

" Ouch! " bigla syang nagising at napaupo sa gulat. Nasaktan sya panigurado dahil malakas yung tama ng unan sa ano nya.

" Anong ginawa mo sweetie? Bakit mo ako binato ng unan sa ano ko? " mukhang nawala yung pagka-lasing nya sa sobrang pagka-gulat.

" Beb sorry hindi ko sinasadya. Pinunasan kita tapos tinanggal ko yung pants mo kaso sumama yung brief mo kaya ano---"

" Ano? " gulat nyang tanong tapos bigla syang tumayo. Napatakip ako ng mata at itinuro ko na lang yung ibabang bahagi ng katawan nya.

Naku! Tumayo pa talaga sya. Tayung-tayo din yung ano nya.

" Oh my goodness sweetie, bakit ako nakahubad? " tila ngayon lang nya na-realized na wala talaga syang kahit anong saplot sa katawan.

" Di ba sabi ko nga pinupunasan kita at papalitan ko ng damit pantulog yang suot mo. Eh hindi sinasadyang pati briefs mo nahubad. Sorry! Sorry talaga. Bilis kung kaya mo na,  magbihis ka na. Nandyan na yung pamalit mo sa ibabaw ng unan. " habang sinasabi ko yun ay tumalikod ako sa kanya para makapag bihis na sya. Naramdaman ko namang kumilos sya para magbihis.

" Okay you can turn around now, I'm done. " anunsyo nya after a couple of minutes.

Medyo kinalma ko muna ang sarili ko bago ako humarap sa kanya. Pakiramdam ko kasi nag-iinit ang mukha ko. Ikaw ba naman ang biglaang makakita ng. . . . Haisst.

Humarap ako sa kanya pero nakayuko ako. Sobrang nahihiya kasi akong harapin sya.

" Hey sweetie. Bakit ka nakayuko?  may damit na ako, pwede ka na tumingin. " untag nya pero hindi ako kumikilos kaya sya na ang kusang nag-angat ng mukha ko. Nang magtama ang tingin namin ay pareho pa kaming nahihiya. Walang gustong magsalita. Isinubsob ko yung mukha ko sa dibdib nya sa kawalan ng sasabihin. Iniyakap naman nya yung mga braso nya sa akin at hinalikan ako sa ulo. Ilang minuto kaming nakaganoon lang, panay buntung-hininga namin pareho ang tanging maririnig sa buong silid nya.

" Nawala yung pagka-lasing ko dahil sayo, sweetie. " turan nya kapagdaka. Lumayo ako ng konti sa kanya at tiningala ko sya.

" Sorry beb. Nasaktan ba kita? "

" Hindi naman masyado. Buti na lang malambot yung unan kundi hindi na tayo makakabuo ng basketball team.Aray! " bigla syang napadaing.

Hinampas ko kasi sya sa braso. May basketball team pa syang nalalaman. Ang dami kaya nun.

" Puro ka kalokohan. Paano naman kasi bigla na lang bumuyangyang yang ano mo kaya nataranta ako. Naihagis ko tuloy yung unan. First time ko kaya makakita nyan kaya nagulat ako. " narinig ko syang natawa ng malakas sa sinabi ko.

" Hoy ano ba beb!  tulog na si tita Bless noh! "

" Kasi naman nakakatuwa kang tingnan sweetie. "

" Bwisit ka!  hiyang-hiya na nga ako. Yung mga mata ko feeling ko na-molestiya na. "

" Sus sweetie okay lang yun, ako naman yun. Masama ibang tao yung first mo. "

" Kahit na ba. Nakakahiya pa rin. " nahihiya kong turan.

" Kalimutan na natin yon. Mami-meet mo rin naman to, in time. " kinurot ko syang muli sa braso. Kung ano-ano kasing kalokohan pinagsasabi.

" Nagugutom ka ba? " tanong ko na lang para mabago na yung usapan.

" Yeah. Tara kain tayo. " tumango lang ako tapos inakbayan nya ako saka iginiya palabas ng silid nya.

Pinaghain ko sya tapos umupo lang ako sa harap nya habang kumakain sya. Niyaya nya akong kumain pero tumanggi ako, sinabi kong busog pa ako. Nang matapos sya ay ako na ang nag presintang maghugas ng pinagkainan nya habang sya naman ay pumasok ng CR para mag toothbrush siguro.

Ilang sandali pa ay lumabas na sya ng CR at walang salitang hinila na ako papunta sa living room nila. Naupo sya sa couch at pinaupo nya ako sa tabi nya. Inakbayan nya ako at kinabig pa palapit sa kanya. Humilig naman ako sa balikat nya.

" Baby sorry ha? Inabutan mo ako sa ganong sitwasyon kanina. Hindi ko alam kung bakit nalasing ako ng ganon samantalang naka-dalawang bote lang naman ako ng beer. "

" Ayos na ba pakiramdam mo? " tanong ko.

" Medyo. Nakatulong talaga yung pagpupunas mo sa akin tsaka yung pagbato mo ng unan sa ano ko. Thanks sweetie. " malambing na bigkas nya sa huling salita.

" Sorry na nga di ba? " nangingiti kong turan. Natawa na rin sya. Marahil naalala nya rin yung eksena kanina.

" Sweetie? "

" Hmm? "

" Alam mo bang nandoon si Greta kanina? Pinsan nya pala yung classmate namin na may birthday, si Zach. " sabi nya. Hindi na kataka-takang kasama syang naghatid kanina. At kaya pala nandito rin sya sa Sto. Cristo.

" Oo. Nasabi nga ni tita Bless na kasama raw sya na naghatid sayo dito. "

" Really? Hindi ko alam yun.  "

" Nagagalit nga si tita sa inyo, nagmaneho daw kayo ng nakainom. "

" Ikaw, galit ka ba ng malaman mong kasama namin si Greta? "

" Bakit naman ako magagalit? Unless may ginawa kayo na ikagagalit ko. Meron ba beb? " balik tanong ko sa kanya.

" Wala noh! " mabilis nyang tugon. Pero hindi ako kumbinsido kasi hindi sya makatingin sa akin ng diretso. 

Hmm. Mukhang guilty!


Load failed, please RETRY

สถานะพลังงานรายสัปดาห์

Rank -- การจัดอันดับด้วยพลัง
Stone -- หินพลัง

ป้ายปลดล็อกตอน

สารบัญ

ตัวเลือกแสดง

พื้นหลัง

แบบอักษร

ขนาด

ความคิดเห็นต่อตอน

เขียนรีวิว สถานะการอ่าน: C191
ไม่สามารถโพสต์ได้ กรุณาลองใหม่อีกครั้ง
  • คุณภาพงานเขียน
  • ความเสถียรของการอัปเดต
  • การดำเนินเรื่อง
  • กาสร้างตัวละคร
  • พื้นหลังโลก

คะแนนรวม 0.0

รีวิวโพสต์สําเร็จ! อ่านรีวิวเพิ่มเติม
โหวตด้วย Power Stone
Rank NO.-- การจัดอันดับพลัง
Stone -- หินพลัง
รายงานเนื้อหาที่ไม่เหมาะสม
เคล็ดลับข้อผิดพลาด

รายงานการล่วงละเมิด

ความคิดเห็นย่อหน้า

เข้า สู่ ระบบ