ดาวน์โหลดแอป
56.74% I Can't Go On Living WITHOUT YOU / Chapter 143: Confusion

บท 143: Confusion

Laine's Point of View

" Sino ka? Bakit mo ako kilala?" yun ang katagang kailanman hindi ko inakala na sasabihin ni Nhel sa akin.

" Ako si Laine.Beh,anong nagawa ko sayo para gawin mo sa akin ito?" nasasaktan na turan ko.

" Beh? Anong karapatan mong tawagin ako sa salitang yan? Ni hindi nga kita kilala." medyo iritado na sya kaya naman hindi ko na napigilan ang luhang namalisbis mula sa aking mga mata. Ang sakit isipin na pinagtaksilan na nga nya ako, ikinakaila pa nya ako at tinatanggalan ng karapatan.

Lumambot naman ang exppression ng mukha nya ng mapansin nya ang pagluha ko.

" Kung alam ko lang na ganito ang kahihinatnan ko sa paghahanap ko sayo mas mabuti pa sana na hindi na lang kita nakita. Almost 15 years Nhel na nagmahalan tayo, tinapon mo lang lahat sa isang buwan na magkasama kayo ni Marga? Hindi lang ako ang sinaktan mo Nhel, pati na rin ang anak natin na naghihintay sa pag-uwi mo." yun lang at tinalikuran ko na sya,mabibilis ang hakbang ko pabalik sa bahay na tinutuluyan ko.

" Wait! Sandali!" hindi ko na sya nilingon pa at tumakbo na ako para makarating agad ng bahay.

Nagulat si Frost ng pagbuksan nya ako ng pinto.

" Anong nangyari ma'am Laine?" hindi ako sumagot tumingin lang ako sa kanilang dalawa at binirahan ko na naman ng paghagulgol. Halos panangis na nga dahil sa sobrang sakit na nararamdaman ko.

" Ma'am anong ginawa nya sayo? Sinaktan ka ba nya? " tanong ni Dylan. Panay lang ang iling ko. Mas higit pa sa pisikal na pananakit ang nararamdaman ko ngayon.

Inabutan ako ni Frost ng isang basong tubig. Matapos kong inumin ay medyo nahimasmasan ako.

" Gusto ko ng umuwi. I want to give up."

" Ma'am?!" sabay pa halos na bumigkas na may halong pagkagulat.

" Bakit naman ma'am? Paano ang utos ng daddy nyo at ni sir Phil na iuwi na si sir Nhel?" tanong ni Dylan.

" Ikinaila nya ako!" sambit kong bigla.

" Huh!"

" Oo, sino raw ba ako at bakit ko sya kilala." wika ko. Narinig kong tumawa ng tumawa si Frost. Nagtataka ko syang tinignan.

" Ma'am ano to pelikula o istorya sa Webnovel? Sa mga ganoon ko lang nakikita at nababasa yung eksena nyo ni sir Nhel. Nagka-amnesia yung bidang lalaki kaya hindi na nya matandaan yung leading lady nya."

Amnesia?

" Frost hindi ka nakakatulong. Nakita mo na ngang nasasaktan na si ma'am Laine." saway ni Dylan kay Frost.

Nagpaalam ako sa kanila na magpapahinga muna sa silid. Iniwan ko silang nagtatalo tungkol sa biro ni Frost.

Nang mapag-isa ako ay napaisip ako ng malalim.

Amnesia?

I know there is such a word like that. It's a medical condition in which a person is unable to remember things due usually to brain injury, shock or illness. It's a gap in one's memory. Pero sa buong buhay ko hindi pa ako nakaka-encounter ng taong may ganitong condition.

Posible ba kaya na ganon ngayon ang kalagayan ng Nhel ko kaya hindi nya ako kilala? Kung may posibilidad na ganon nga, hindi pala ako dapat sumuko. Dapat tulungan ko sya na mabalik ang alaala nya.

Pero paano naman kung nagkukunwari lang sya na hindi nya ako kilala dahil nagkakaigihan na sila ni Marga?

Parang tumututol ang puso ko na paniwalaan yung ikalawang rason na naisip ko. Mas gustong paniwalaan ng puso ko na maaaring may masamang kondisyon si Nhel sa utak kaya hindi makaalala. Kapag puso na ang nagdidikta, ito ang dapat sundin dahil kadalasan ito ang tama. At sa pagkakataong ito, puso muli ang gagamitin ko. Kung hindi ako nakikilala ng isip ni Nhel, siguradong makikilala ako ng puso nya. Dahil kahit kailan hindi maaring diktahan ng isip ang nilalaman ng puso.

Pero paano nga kung tama at totoo yung ikalawang rason na naiisip ko?

Oh God ano ba naman ito?

____________

Nhel's Point of View

HINDI ko alam kung ano ang nag-udyok sa akin para sundan ko yung Laine. Tinawag ko sya pero hindi na sya lumingon kaya sinundan ko sya.

Kanina pa ako dito sa harap ng bahay na pinasukan nya pero nag-aatubili ako kung kakatok ba ako sa pinto o uuwi na lang.

Sa huli'y napagdesisyunan ko na kumatok na lang.

Hindi ko alam kung bakit ko gagawin to. Kapag nalaman ito ni Marga ay siguradong parang tigre na naman yon na magwawala sa galit. Ayoko pa naman na ganon sya, nakakatakot.

Pero hindi ako mapalagay ng makita ko na umiyak yung Laine sa harap ko kanina, lalo na nung makita ko ang sakit na bumalatay sa maganda nyang mukha.Hindi ko maintindihan kung bakit parang nasaktan ako ng makita ko ang pagluha nya.

Marahan akong kumatok sa pinto. Ilang sandali lang ay may nagbukas na sa akin. Isang kulot na lalaki na ngayon ko lang yata nakita.

" Uhm..d-dito ba nakatira si L-laine?" medyo nauutal pa na tanong ko.

" Dito nga! Ngayon susunod-sunod ka sa kanya matapos mo syang paiyakin!" nagtataka ko syang tinignan.Kung magsalita sya parang kilala nya ako samantalang ngayon ko lang sya nakita.

" M-may gusto lang akong itanong sa kanya." sambit ko.

" Nandoon sya sa kuwarto nya." sabi nung isa na tahimik lang na nakaupo hindi tulad nitong kulot sa harap ko, mukhang maloko.

" Pwede ko ba syang makausap?" tanong ko.

" Sige.Tutal asawa ka naman nya,puntahan mo na dun sa kuwarto nya." sabi nung kulot tapos itinuro pa ng dalawang daliri nya yung mga mata nya at tinuro sa akin pagkatapos.

Tinalikuran ko na sila at tinungo ang pinto ng silid na tinuro nung lalaki na kasama ni kulot. Marahan kong pinihit ang doorknob na hindi naman naka lock.

Pagpasok ko ay nakita ko kaagad ang pigura ni Laine na nakadapa sa kama na tila umiiyak. Hindi ko alam kung bakit may humaplos na namang awa sa puso ko ng makita ko sya sa ganung ayos.

" Laine!" tawag ko. Gulat syang napalingon at namasdan kong tigmak ng luha ang kanyang mga mata.

" Nhel? Why are you here? I thought hindi mo ako kilala. Bakit ngayon tinawag mo ako sa pangalan ko?" sunod-sunod na tanong nya.

" Sa totoo lang hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit sinundan pa kita dito.Kapag nalaman ito ni Marga siguradong magagalit yun sa akin." sagot ko at hindi nakaligtas sa paningin ko ang muling pagbalatay ng sakit sa kanyang mukha.

" Sinundan mo ba ako dito para ipamukha sa akin kung ano ang mayroon kayo ni Marga ngayon? Nhel hindi kita maintindihan. Nababago ba agad ang feelings overnight?"

" Yan ang isa pang gusto kong itanong sayo. Ikaw ang hindi ko maintindihan. Sinabi mo kanina na almost 15 years tayong nagmahalan at may anak tayo. Paano nangyari yun kung ngayon lang kita nakita? Si Marga ang asawa ko at limang taon na kaming kasal!"

" Nhel?!" gulat nyang sambit.

" Yun ang totoo kaya nagtataka ako sa sinasabi mo.Paano at saan mo ako nakilala? Kasi ang alam ko dito na kami nakatira simula nung ikasal kami ni Marga." mas lalong nanlaki ang mata nya sa gulat ng marinig nya ang sinabi ko.

" Oh my God! Anong nangyari sayo? Nasaan ang wedding ring mo?" sambit nyang bigla.

Itinaas ko ang kamay ko at pinakita ko sa kanya ang singsing na nasa daliri ko.

Hinawakan nya ang kamay ko at kakatwang may naramdaman akong parang kuryente na tumulay sa kamay ko ng madampi ang balat nya sa akin. Pinagtabi nya ang mga kamay namin na may singsing at nagulat ako ng makita kong parehong-pareho ang disenyo ng mga singsing namin.

Hinubad nya mula sa daliri nya ang singsing at ipinakita nya ang pangalang nakaukit sa loob. Nhel ang pangalang nakaukit at ang date ng kasal.

Paanong nangyari yun?

Hinubad ko ang singsing ko at ipinakita sa kanya.

" God this can't be. This is not happening." pabulong na turan nya na narinig ko naman.

Umiyak sya ng umiyak at ako naman ay tila naestatwa na naguguluhan.

Paano nga nangyari na magkapareho kami ng suot na singsing, pati ang petsa ng kasal ay pareho, pangalan ko ang nakasulat sa singsing nya ngunit ang sa akin ay iba? Dahil hindi pangalan nya ang nakasulat kundi pangalan ni Marga.

" Hindi ko alam kung paanong nangyari yan. Pero ito lang ang magpapatunay na si Marga ang asawa ko. Hindi ko alam kung bakit ipinipilit mo na asawa mo ako gayung si Marga ang nagisnan ko nung gumising ako."

" Hindi ko rin alam kung bakit nangyaring nabago ang pangalan nyang nasa wedding ring mo. Pero ito rin lang ang katibayan ko na ako ang totoong asawa mo. Hindi ko alam kung paano ka pinaniwala ni Marga sa mga kasinungalingan nya pero ito lang ang masasabi ko base na rin sa mga sinasabi mo, nawala marahil ang memorya mo nung maaksidente ka at hindi na itinama ni Marga ang mga bagay-bagay sayo para sa sarili nyang kapakinabangan." turan nya na hindi ko halos mapaniwalaan.

" Hindi totoo yan! Gawa-gawa mo lang lahat ng yan.Kung ikaw ang asawa ko at naaksidente nga ako, dapat ikaw ang kasama ko nung araw na yon at hindi sya." naiinis ko ng turan.

" Nhel paniwalaan mo ako dahil..." hindi ko na sya pinatapos sa sasabihin nya. Mabilis akong tumayo at lumabas ng silid nya. Hindi ko na gusto ang mga sinasabi nya. Nililito lang nya ang isip ko.

" Nhel!" tawag nya pero hindi ko sya pinansin, diretso na akong umuwi. Hindi dapat malaman ni Marga na lumabas ako lalo na at nakipag-usap ako sa iba. Ayaw nya akong makipag-usap sa iba dahil maguguluhan lang daw ako sa sasabihin ng iba.

Marahil tama sya dahil sa pakikipag-usap ko sa Laine na yon, nagdala lang ito ng kalituhan sa isip ko.

At aaminin ko pati damdamin ko ay napukaw rin nya kahit ngayon ko lang sya nakilala.


ความคิดของผู้สร้าง
AIGENMARIE AIGENMARIE

Ay grabe na ito! Nakalimot nga si papa Nhel. Paano na kaya sila ni Laine.Abangan nyo na lang dear readers ang susunod na kabanata.Maniniwala kaya sya kay Laine o sa kasinungalingan ni Marga?

Load failed, please RETRY

สถานะพลังงานรายสัปดาห์

Rank -- การจัดอันดับด้วยพลัง
Stone -- หินพลัง

ป้ายปลดล็อกตอน

สารบัญ

ตัวเลือกแสดง

พื้นหลัง

แบบอักษร

ขนาด

ความคิดเห็นต่อตอน

เขียนรีวิว สถานะการอ่าน: C143
ไม่สามารถโพสต์ได้ กรุณาลองใหม่อีกครั้ง
  • คุณภาพงานเขียน
  • ความเสถียรของการอัปเดต
  • การดำเนินเรื่อง
  • กาสร้างตัวละคร
  • พื้นหลังโลก

คะแนนรวม 0.0

รีวิวโพสต์สําเร็จ! อ่านรีวิวเพิ่มเติม
โหวตด้วย Power Stone
Rank NO.-- การจัดอันดับพลัง
Stone -- หินพลัง
รายงานเนื้อหาที่ไม่เหมาะสม
เคล็ดลับข้อผิดพลาด

รายงานการล่วงละเมิด

ความคิดเห็นย่อหน้า

เข้า สู่ ระบบ