ดาวน์โหลดแอป
32.93% I Can't Go On Living WITHOUT YOU / Chapter 83: Secret

บท 83: Secret

Laine's Point of View

FRIDAY morning. Ginising ko si Nhel para makapag~agahan na sya.Naihanda ko na ang mga kailangan nya sa pagpasok nya sa trabaho.

Bumaba na akong muli pagkatapos ko syang sabihan na sumunod na dahil nakahanda na ang almusal.

Naisip ko yung hinanda kong surpresa sa kanya. Mamayang gabi ang alis namin papuntang Cebu. Doon ko napili dahil maganda raw dun sabi ni Sheena,nagbakasyon kasi sila dun last summer.

Fifteen minutes na ay hindi pa rin sya bumababa para mag~almusal kaya umakyat akong muli para tawagin sya.

Pagpasok ko ng room nya ay nakita kong natutulog ulit sya.

Pinagmasdan ko sya habang natutulog. Seven years na kami pero yung pakiramdam ko pag pinagmamasdan ko sya ay ganun pa rin, hindi nagbago.Maraming masaya,malungkot,masakit at kung ano~ano pa ang pinagdaanan namin pero nanatili pa rin yung pagmamahalan namin na lalo yatang naging matibay sa pagdaan ng panahon.

Hinaplos ko ang mukha nya, nagulat ako ng bigla nyang hilahin ang kamay ko at halikan ang likod ng palad ko.

" Happy anniversary babe.I love you."

" Happy anniversary din beh. I love you too.Bangon na dyan at male~late kana po." saad  ko habang hinihila ko sya patayo.Kaya lang nagpabigat sya kaya natumba ako at sabay kaming bumagsak pahiga sa kama nya.

He hugged me tight while whispering sweet nothings.

" Beh male~late ka na nga kaya halika na, malamig na rin yung pagkain mo." untag ko sa kanya.

" Hindi ako papasok ngayon,nag~leave ako.Syempre priority ko ang fiancee ko at ang araw na ito." sagot nya na ikinatuwa ko ng husto.Mukhang umaayon yata lahat sa plano ko.

" So,what's your plan for today? " tanong ko sa kanya.

" Uhm... Secret! Basta aalis tayo mamaya,malalaman mo rin when we get there." nakangiting sabi nya at nag wink pa sa akin.

" Ok.. Tara na at naghihintay ang pagkain." untag ko at bumaba na kami para mag~agahan.

Bandang 8am ng umalis kami ng bahay.Nagsimba muna kami para magpasalamat sa Lord dahil umabot kami ng ganito katagal.

Pagkatapos ng mass ay nagmamadali kaming umalis dahil baka naghihintay na raw si Bryan.

Gusto kong magtanong kung bakit kasama si Bryan sa date namin pero nanahimik na lang ako.Baka may ipapagawa lang sya dahil hindi sya pumasok ngayong araw.

Huminto kami sa may LRT station kung saan sya sumasakay nung nag~aaral pa sya.Seriously,anong ginagawa namin dito? Pupunta ba kami sa dating school nya?

Nasagot naman ang tanong ko nung makita namin si Bryan na papalapit na sa amin nung makita nya ang aming sasakyan.

" Sir tara po. Naayos ko na po lahat at kayo na lang ang hinihintay." untag nya at ngumiti sa akin.

Naguguluhan ako kung ano ba ang ginagawa namin dito pero hinayaan ko na lang si Nhel kung saan man nya ako dalhin.

Pumasok kami sa isang building na katabi ng City hall.

Medyo kinakabahan ako dahil puro silid ang nakikita ko sa pinasukan namin.Huminto kami sa isang pinto na may nakasulat na Judge Danilo Henson.

Naguguluhan akong tumingin kay Nhel.Parang alam ko na kung ano ang gagawin namin dito.

Civil Wedding!

" Babe please bear with me. Let me explain first." sabi nya at kinausap muna saglit si Bryan at sinabihang maghintay muna at mag~uusap lang muna kami.

Umupo kami sa bakanteng silya sa may dulo at dun kami nag~usap.

" I know naguguluhan ka pero ito lang kasi ang naisip kong paraan para i~secure ang relasyon natin.Alam ko magagalit sila sa atin dahil hindi ka pa tapos sa pag~aaral mo at nangako tayo sa kanila.Kaya babe,ililihim muna natin ito sa kanilang lahat. Tayong tatlo lang nila Bryan ang makakaalam nito." paliwanag nya.

" You mean,secret marriage? " tanong ko.

" Oo ganun na nga but it's legal.Next year magpapakasal na tayo pero gusto ko ng matali tayo ngayon para hindi na ako nag~aalala palagi kapag may mga gustong sumira sa atin.Pero pangako, wala tayong honeymoon dahil nangako tayo na kailangan humarap muna tayo kay Lord ng malinis pa pareho di ba? So, ano papayag ka ba? Willing ka na bang maging Mrs.Nielsen Mercado today? " malapad ang ngiting tanong nya.

Tumango ako ng sunod~sunod.

" Yes Mr.Nielsen Mercado, I am willing to be your secret wife .So much willing.And this is what I really wanted." sagot ko at nag wink ako sa kanya.

Napasigaw sya ng yes! na syang ikinalingon ni Bryan sa amin.

Nagmamadali syang hinila ako at pumasok na kaming tatlo sa room ng judge.

Bago simulan ang seremonyas ay marami pa kaming finill~up na papel.Nagulat ako dahil kumpleto ang lahat ng papeles na kailangan sa kasal.Naayos lahat ni Nhel ng wala akong kamalay~malay.

Akala ko ako ang magsu~surprise sa kanya ng out of town trip pero mas ako ang nasurpresa ngayon at pang lifetime pa.

Nag~umpisa ang wedding ceremony na tanging si Bryan lang ang  witness at yung secretary ni judge.Okay lang dahil nasa legal age na kami pareho at hindi na kailangan ng parents consent.Secret marriage nga di ba?

Naiyak ako nung bigayan na ng ring.Hindi ako ready sa vow ko dahil biglaan nga pero nasabi ko naman kung ano yung nasa puso ko.

Then nung si Nhel naman ang nagsabi ng vow ay umiiyak din sya dahil finally nagawa na rin nyang palitan ang apelyido ko ng sa kanya.

After almost an hour ng matapos ang kasal.Kumain kami sa isang resto na katabi lang din nung building kaya nakasama namin yung judge at yung secretary nya.

Pagkatapos ay hinatid na namin si Bryan sa office dahil may mga tinatapos pa syang trabaho na kailangang ihabol dahil wala si Nhel.

Pagkahatid namin kay Bryan ay tinahak namin yung lugar na pinagdalhan nya sa akin nung minsan.Yung subdivision kung saan nakatira si Bryan.

Naihatid na namin si Bryan sa office pero bakit nandito kami sa kanila?

Huminto kami dun sa bahay na hinintuan namin nung huling nanggaling kami dito.

Lumabas si Nhel ng sasakyan at umikot para pagbuksan ako ng pinto at alalayang bumaba.

" What are we doing here? nagtatakang tanong ko.

" What do you think of this house babe? " tanong nya rin at hindi sinagot ang tanong ko.

" Well,it's nice.At maganda rin yung lugar mukhang peaceful." sincere na sagot ko.

" Good.let's go." sambit nya at hinila nya ako papasok ng gate.

" Wait beh baka makasuhan tayo ng tresspassing nyan." kinakabahang sabi ko sabay tingin sa guard house dahil malapit yung bahay sa entrance ng subdivision.

Hindi nya ako pinansin at tuloy~tuloy na kami hanggang dun sa front door.May kinuha syang susi sa bulsa nya at binuksan ang bahay.

Namangha ako sa ganda ng bahay.Wala pa syang gamit pero makikita mo na maganda sya dahil maganda yung style nya sa loob.

At nagtataka rin ako kung ano ang ginagawa namin sa bahay na ito.

" This is for you babe.Dapat nun ko pa sinabi sayo nung una kitang dinala dito kaya lang naisip ko na mas maganda kung gawin ko na lang syang wedding gift ko sayo."

" You mean binili mo na itong bahay na ito?Kailan pa? "

" Nung na~regular ako nag~apply na agad ako ng housing loan.Itong subdivision na ito ang pa~housing ng company namin kaya nandito na rin si Bryan.May dati ng may~ari nito kaya lang hindi sila natuloy tumira dahil nag~ migrate na sila sa Australia 2 months ago kaya pinasa na sa akin at ako na ang magtutuloy ng pagbabayad.Binayaran ko na lang yung mga naihulog na nila." mahabang paliwanag nya.

" Saan ka kumuha ng pambayad? May savings naman tayo kaya pwede mo rin namang bayaran kahit yung kalahati nito dahil malaki na rin naman yung ipon natin."

" May naipon naman ako mula sa pagmo~ model natin sa Montreal, yun ang pinambayad ko.Yung pagbili na lang natin ng mga gamit dito ang paglaanan natin nung naipon natin."

Hinarap ko sya at tinignan sa mga mata.

" Beh wala talaga akong masabi sayo ngayon.Sobra akong na~surprised sa mga ginawa mo.Hindi ko alam kung ano ba ang nagawa ko kung bakit binigyan ako ng lalaking katulad mo.Mahal na mahal kita at hindi ko alam kung paano pa ako mabubuhay kung wala ka sa tabi ko."

Kinulong nya ng mga palad nya ang mukha ko at kinintalan ng magaang na halik sa labi.

" Babe,mahal na mahal din kita at lahat gagawin ko para mapasaya ka.Ikaw lang ang tanging makakapag~bigay sa akin ng tunay na kaligayahan.Ikaw ang dahilan kung bakit ako nagsisikap sa buhay, para sayo at sa magiging mga anak natin.You're my beginning and my end.You're the air that I breath.You're my everything.Without you my life would be miserable.You complete me babe.I love you so much." madamdaming turan nya.

" Haha.parang wedding vows pa rin yung sinasabi natin.Ano to extension nung kanina? " biro ko.

Tumawa na rin sya at niyaya na nya akong libutin ang kabuuan ng bahay.

Sa totoo lang hindi ako makapaniwala na sa amin na itong magandang bahay na to.Up and down ito.Tatlo ang bedrooms sa itaas at may CR ang master's bedroom at mayroon din sa pagitan ng dalawang room,gayun din sa ibaba.

Gusto ko na syang malagyan ng gamit at ayusan.

" Pwede na ba nating ayusan ito ngayon at lagyan na ng mga gamit? "  naisatinig ko ang aking iniisip.

" Oo kaya halika na at bibili na tayo ng mga gamit dyan sa malapit na mall para ma~deliver na kaagad." untag nya.

Excited akong pumayag pero naisip ko yung lakad namin mamayang gabi.

Naku sana naman hindi kami gabihin para umabot kami sa oras ng flight namin.

Bahala na si Batman.


ความคิดของผู้สร้าง
AIGENMARIE AIGENMARIE

Nakakakilig! Ngayong kasal na sila ng lihim, ano kaya ang mga kaganapan sa susunod. Abangan!

Thank you for reading!

Load failed, please RETRY

สถานะพลังงานรายสัปดาห์

Rank -- การจัดอันดับด้วยพลัง
Stone -- หินพลัง

ป้ายปลดล็อกตอน

สารบัญ

ตัวเลือกแสดง

พื้นหลัง

แบบอักษร

ขนาด

ความคิดเห็นต่อตอน

เขียนรีวิว สถานะการอ่าน: C83
ไม่สามารถโพสต์ได้ กรุณาลองใหม่อีกครั้ง
  • คุณภาพงานเขียน
  • ความเสถียรของการอัปเดต
  • การดำเนินเรื่อง
  • กาสร้างตัวละคร
  • พื้นหลังโลก

คะแนนรวม 0.0

รีวิวโพสต์สําเร็จ! อ่านรีวิวเพิ่มเติม
โหวตด้วย Power Stone
Rank NO.-- การจัดอันดับพลัง
Stone -- หินพลัง
รายงานเนื้อหาที่ไม่เหมาะสม
เคล็ดลับข้อผิดพลาด

รายงานการล่วงละเมิด

ความคิดเห็นย่อหน้า

เข้า สู่ ระบบ