ดาวน์โหลดแอป
17.46% I Can't Go On Living WITHOUT YOU / Chapter 44: First Kiss

บท 44: First Kiss

Laine's Point of View

PINE-PREPARE ko na yung mga stuffs na ibibigay ko kay Nhel para madala nya papunta sa Manila. Mga bagay na kapag nakikita nya ay tiyak na ako ang maaalala nya.Yun bang tipong pag nakita nya ay magkukumahog na syang umuwi ng probinsya.De joke lang..haha.

Binilhan ko sya ng mga plain white t-shirts na paborito nyang pantulog, boxer shorts at face towels.Papadala ko rin sa kanya yung isa sa mga photo albums namin at yung picture frame na may picture naming dalawa.

Habang inaayos ko ang mga ito, I felt my tears running down my face.I can't help it, kasi naman napakarami at napakahaba na ng pinagsamahan namin ni Nhel, araw-araw kaming magkasama, kabisado na namin ang isat-isa.Kahit pa sabihin na uuwi naman sya ng weekends,hindi pa rin maiwasan ang malungkot ako, at the back of my mind alam kong hindi nya yon magagawa ng madalas.Una, mahal ang pamasahe at hindi practical na umuwi ng weekends, then kapag nasa business trip si ate Merly at ang asawa nito malabo ng lalo na makauwi sya dahil sya ang mag- aasikaso kay Dom, yung pamangkin nya.Pero okey sana kung may linya na ng PLDT dito, kahit madalang ko syang makita basta nakakausap ko lang sya, okey nako nun.

Bitbit ang paperbag na pinaglagyan ko ng mga dadalhin nya, nagpaalam ako kay daddy na pupuntahan ko si Nhel.

Pagdating ko sa kanila, sinabi ni tita Bining na puntahan ko na lang daw si Nhel sa room nya at nag-aayos daw ito ng gamit na dadalhin nya sa Manila.

Kumatok ako at ng walang sumasagot ay pinihit ko na yung doorknob na hindi naman naka lock.Nakita ko si Nhel na nakaupo lang sa bed nya na nakatitig lang sa gamit nya na nasa kama at may malaking maleta na nakabukas na sa ibaba ng bed.

Nakatunghay lang sya sa mga gamit nya na tila may iniisip na malalim at hindi man lang nya namamalayan na nakatayo na ako sa may kama nya.

" Beh ako na lang mag-aayos nyan sa maleta mo." basag ko sa katahimikan.

Parang nagulat pa sya ng makita ako.Tumayo sya at niyakap nya ako ng mahigpit.Yung yakap nya na punong  puno ng emosyon.Kaya gumanti na rin ako ng yakap sa kanya, lahat ng feelings ko ay inilagay ko na sa yakap na yon.God I'm gonna miss this guy, so much.Gusto kong umiyak pero pinigilan ko, hindi magandang magpakita ng kahinaan sa pagkakataong ito.

Kumalas ako at sinimulan ko ng iayos sa maleta ang mga gamit nya pati na rin yung mga dala ko para sa kanya.Nanonood lang sya sa akin at mataman lang nya akong tinitignan na para bang kinakabisado nya ang lahat ng kilos ko.

" Beh, naaalala mo pa ba yung first time tayong magkita?" umpisa ko para basagin ang katahimikan.

" Nagbangayan na agad tayo nun, tapos lagi mo na lang akong inaasar,inis na inis talaga ako sayo nun.Pero alam mo ba? Nagwapuhan agad ako sayo nun,ayaw ko lang aminin.Sabi ko nga nun mamatay na umamin.Pero salamat na lang sa ferris wheel at dun tayo nag start."

I sigh and continue reminiscing the past.." hindi ko rin nakakalimutan yung araw na sinabi mong mahal mo ako, hindi ko ine-expect yun kasi sa gwapo mong yan ako pa yung napansin mo..haha.kinakabahan ka pa nga nun and..." I stop because tears are starting to fall.

" Hush babe, don't cry lalo lang akong nahihirapan nyan eh." sabay tayo at pinunasan yung luha ko.

Niyakap nya ako mula sa likuran ng mahigpit at yung ulo nya ay nasa may balikat ko.Kung hindi lang ganito ang sitwasyon namin malamang kinilig na ako sa gesture nyang yon, sweet kaya ng back hugging, I feel safe, peaceful and comfortable, just like home.

And home is when I'm with him.

Nagpatuloy lang ako sa pag-aayos at pagbibilin ng kung ano-ano sa kanya.Pinigilan kong umiyak dahil kahit paano ay kumalma nako dahil nasa likod ko lang sya na nakayakap.

" Beh wag kang makakalimot mag pray dahil yun ang magiging lakas mo palagi , then yung vitamins mo don't forget to take it everyday, yung likod mo wag mong hayaang matuyuan ng pawis, binilhan kita ng mga towels dito, mahina kasi yang pulmon mo.Tsaka beh yung picture natin sa frame ilagay mo sa bedside table mo para hindi mo ako makalimutan."

Sige lang ako sa kasasalita habang sya naman ay panay lang ang buntung-hininga.

" Beh, don't break our rules kahit magkalayo tayo, mag-aral kang mabuti para matupad natin yung mga dreams natin.Wag kang titingin sa iba ha?Promise mo hindi mo ko papalitan, kasi ako ikaw lang talaga , ikaw lang sapat na..Mahal na mahal kita, alam mo yan." at hindi ko na napigilan ang mga luha ko sa pagpatak.

" Babe tama na, ang sakit sakit na.Alam mong ayaw kitang nakikitang umiiyak.Nahihirapan na ako, parang ayoko ng umalis." sabi nya at lalong hinigpitan ang yakap nya sa akin.

" Hihintayin ko yung araw na magkokolehiyo kana rin.Promise hindi ako titingin sa iba, I'll be faithful to you babe.I love you, I love you.." sabi nya at naramdaman ko na lang na nabasa na yung balikat ko..umiiyak sya.

Humarap ako sa kanya at lalo akong napaiyak sa itsura nya, first time ko syang nakitang nagbuhos ng sobrang emosyon sa harap ko kaya hinayaan ko na lang.

Ilang minuto din kaming magkayakap na umiiyak at ng humupa na ang emosyon, tinitigan nya ako ng punong-puno ng pagmamahal.Nakapaloob sa mga titig nyang yon ang sari-saring damdamin nya para sa akin.

Unti-unti nyang inilapit ang mukha nya sa akin.Hinalikan nya ako sa noo, sa pisngi at nagulat na lang ako sa sumunod nyang ginawa...dinampian nya ako ng halik sa labi.

" Beh?!" may pagtataka at pagtutol sa itsura ko.

" To hell with the rules babe, to hell with the rules.Just this once please.."

pagsusumamo nya.

Hindi ako kumikibo, kinakabahan ako.Excited? Gosh! I don't know what to do.Next year pa ako 16 at yun yung age na nakasaad sa rule namin na pwede na ang kiss sa lips.

" Please babe?" ulit nya and I nodded.

Bahala na si Batman.

Pumikit na lang ako at hinayaan ko sya kung paano nya gagawin yun.I know it's his first time too.

He kiss me gently.Dahan-dahan na parang pinag-aaralan nya kung paano.

God, this is our very first kiss.I don't know how to respond ...I felt so nervous and at the same time there's this feeling of excitement that flows down through my veins.Parang ang daming paro-parong nagra-rally sa stomach ko.

Then nararamdaman ko na parang unti-unti ng natutunan ni Nhel yung ginagawa nyang paghalik sa akin, bumibilis na ang ritmo at parang nakaramdam ako ng konting takot baka maging mapusok na sya.Kaya kumalas akong bigla na syang ikinagulat nya.

" Babe?!!"


ความคิดของผู้สร้าง
AIGENMARIE AIGENMARIE

Nakakalungkot naman na maghihiwalay sila dahil mag-aaral na si Nhel sa ibang lugar. Makaya kaya nila?

Thank you for reading! Please vote for this chapter.

Load failed, please RETRY

สถานะพลังงานรายสัปดาห์

Rank -- การจัดอันดับด้วยพลัง
Stone -- หินพลัง

ป้ายปลดล็อกตอน

สารบัญ

ตัวเลือกแสดง

พื้นหลัง

แบบอักษร

ขนาด

ความคิดเห็นต่อตอน

เขียนรีวิว สถานะการอ่าน: C44
ไม่สามารถโพสต์ได้ กรุณาลองใหม่อีกครั้ง
  • คุณภาพงานเขียน
  • ความเสถียรของการอัปเดต
  • การดำเนินเรื่อง
  • กาสร้างตัวละคร
  • พื้นหลังโลก

คะแนนรวม 0.0

รีวิวโพสต์สําเร็จ! อ่านรีวิวเพิ่มเติม
โหวตด้วย Power Stone
Rank NO.-- การจัดอันดับพลัง
Stone -- หินพลัง
รายงานเนื้อหาที่ไม่เหมาะสม
เคล็ดลับข้อผิดพลาด

รายงานการล่วงละเมิด

ความคิดเห็นย่อหน้า

เข้า สู่ ระบบ