ดาวน์โหลดแอป
9.92% I Can't Go On Living WITHOUT YOU / Chapter 25: I Miss You and Me

บท 25: I Miss You and Me

Nhel's Point of View

MAAGA akong umuwi from school kasi wala yung teacher namin sa CAT class.

Pagdating ko sa bahay dumiretso nako sa kwarto ko para magpahinga muna ng konti.Sinabihan ko na lng si mama na tawagin na lang ako kung may kailangan sya.

Habang nagpapahinga ako, napadako ang tingin ko sa study table ko.Sa tabi nung lampshade ay yung picture namin ni Laine na nasa frame.Kuha yon nung birthday ng bunso nyang kapatid na si Drake.Pinakopya nya ng dalawa at binigay nya sa akin yung isa na naka frame na.Nasa bedside table sa room nya naman yung isa.

Bumangon ako at kinuha ko yung picture,tiningnan ko ang nakangiting mukha ni Laine.

Ang ganda talaga nya, hindi lang mukha kundi pati kalooban nya.Napaka down to earth na tao.Kahit napaka pilya nya kung minsan, nakakaaliw naman sya.Maalalahanin at maasikaso.At sobrang malambing sya bilang kaibigan.

God sobrang missed ko na sya.Ilang buwan na nga ba kaming hindi nagkakasama at nagkakausap? Six months na.Ang tagal na pala.

Dapat sana nung umalis si Lovie, gumawa na ako ng move para bumalik na kami sa dati.Pero naduwag ako kasi baka galit sya nung makita nya na hinalikan ako ni Lovie.

Hindi ko pa naipaliwanag sa kanya yun.Umiiwas kasi syang sumama sa lakad ng barkada kapag alam nyang kasama ako.Kaya kapag alam kong gusto nyang sumama, nagpapaiwan na lang ako.

Madalas ko pa rin namang nakakausap si Tito Franz, tuwing umaga kasi pagkagaling ni Mang Gusting sa paghahatid kila Laine sa school, hinahatid naman nya si Tito Franz sa amin para puntahan si papa.

Inaabutan pa nya ako madalas sa bahay.

Nanghihinayang si Tito Franz sa friendship namin ng anak nya kaya sinasabihan nya ako na ayusin daw namin ni Laine kung ano man ang di namin pagkakaunawaan.

Iniisip ko na ngang gawin yung payo ni tito kaya lang kumukuha pa ako ng tamang tiyempo.

Mukhang malabo na naman yung chance na hinihintay ko kasi may nangyari na naman na hindi ko inaasahan.

Nung isang araw nagulat ako nung makita ko sila ni Candy na dumaan sa may likod ng school.At nakita nya na naman ako sa hindi magandang sitwasyon.Sumunod lang kasi ako sa command ng senior officer ng COCC.

Kunwari daw na ligawan ko yung isang second year na may crush sa akin habang nakabantay naman sya, yung officer ko dun sa loob.Ewan ko ba kung bakit ganun yung command sa akin nung araw na yun, hinala ko request yun nung second year na yun kasi nalaman ko na kaibigan nya yung senior officer.

Yun pa naman ang dinatnang tagpo ni Laine.At talagang pag minamalas ka nga naman!

Kinabahan ako nung makita ko sya.After six months, ngayon ko lang sya nakita ulit ng malapitan.Tuwing umaga kasi inaabangan kong dumaan yung kotse nila para kahit sa malayo man lang makita ko sya.

Nagtama ang paningin namin,

agad akong nagbawi kasi ayokong mabasa nya sa mga mata ko yung mga emotions ko.Magaling pa naman si Laine sa ganun.Kaya nyang bumasa ng nararamdaman sa pamamagitan ng pagtingin sa mga mata.

Nadagdagan na naman ang kasalanan ko sa kanya.Iniisip nya na siguro na binabali ko na lahat ng prinsipyo ko.Nawalan na naman ako ng pag-asa na makalapit ulit sa kanya.Paano ko ba ipapaliwanag sa kanya lahat ng maling akala nya, ni ayaw nga nya akong makita at makasama.Palagi na lang syang umiiwas.

At paano ko rin pagbibigyan sila Rina sa hiling nila na sumama ako sa foundation day ng school nila Laine para panoorin sya na lumaban sa pageant?

Baka pag nakita nya ako,mag back out sya.Haisst! Ang hirap naman nito.

Kung bakit naman kasi isinilang akong gwapo!

Haha..anong connect nun Nhel?

KINABUKASAN nagkausap kami ni tito Franz bago ako pumasok ng school.

" Nhel, hindi mo ba panonoorin ang kaibigan mo mamaya sa pageant nya?

Kung gusto mo dun ka na lang kay Mang Gusting sumakay, si tita Paz mo naman ang magda- drive para kay Laine." sabi ni tito.

" Eh tito, gusto ko nga po sana, niyaya na nga po ako ng barkada, kaya lang po baka makita ako ni Laine eh mag  back out pa sya."  sagot ko.

" Akong bahala, pumunta ka!" pilit pa ni tito.

" To, kilala nyo naman po yung anak nyo di ba? Baka tarayan lang po ako nun."

" Pero, gusto mo syang makita? Sayang ang ganda pa naman ng mga attire nya at ang lupet ng talent nya."

pangungumbinsi pa nya.

" Gustong- gusto ko nga po, tito, pero paano nga po?" tanong ko.

" Simple lang, eh di wag kang magpakita!" sabay ngiti nya sa akin.

Oo nga noh! Bakit di ko naisip yun?

Nagpaalam nako kay tito Franz pagkatapos kong sumang- ayon sa suggestion nya.

Tama! Hindi na lang ako magpapakita kay Laine kapag nanood ako.


Load failed, please RETRY

สถานะพลังงานรายสัปดาห์

Rank -- การจัดอันดับด้วยพลัง
Stone -- หินพลัง

ป้ายปลดล็อกตอน

สารบัญ

ตัวเลือกแสดง

พื้นหลัง

แบบอักษร

ขนาด

ความคิดเห็นต่อตอน

เขียนรีวิว สถานะการอ่าน: C25
ไม่สามารถโพสต์ได้ กรุณาลองใหม่อีกครั้ง
  • คุณภาพงานเขียน
  • ความเสถียรของการอัปเดต
  • การดำเนินเรื่อง
  • กาสร้างตัวละคร
  • พื้นหลังโลก

คะแนนรวม 0.0

รีวิวโพสต์สําเร็จ! อ่านรีวิวเพิ่มเติม
โหวตด้วย Power Stone
Rank NO.-- การจัดอันดับพลัง
Stone -- หินพลัง
รายงานเนื้อหาที่ไม่เหมาะสม
เคล็ดลับข้อผิดพลาด

รายงานการล่วงละเมิด

ความคิดเห็นย่อหน้า

เข้า สู่ ระบบ