(Sena POV)
Nang ibinaba na nga ni Cecile ang tawag, napabuntong hininga na lamang ako. Saka tumayo para maghilamos. Napatitig sa sarili na, alam ko marami nga akong nagawa kahit wala na si Sean sa paligid ko. At least meron akong napatunayan sa aking sarili.
Ngumiti ako. You did fine for whole five years Sena. Hahaha. Nasaktan ka man, pero meron tayong paa at kamay para bumangon. Fighting Sena! Fighting!
Nausot ko ang pampatulog ko. Lumapit sa mini-fridge at doon ko nakita yung ilang gamot na binibigay sa akin ni L.A. in case daw na maalala ko na naman si Sean at magpaka-depress. No need na. halos tatlong taon na ako di umiinom noon.
Oo, aaminin ko mahirap makalimutan ang taong minsan mo nan gang minahal at nagparamdam ng pagmamahal sayo. Ngunit gaano man katinag ang pundasyon na itinayo mong tulay, kapag hindi kayo… wala kayong pupuntahan. Kapal naman ng mukha ko para umasa. Hahaha. Nakakabaliw din ang umasa. Kaya wag ako.