@International_Pen
((( Sena )))
"Sa tingin ko po benebenta nila yung mga dinudukot nilang mga dalagita."
"Hindi lang Dalagita Iha, pati mga bata."
"Nakakatakot na yang Van na yan. Sabi usapan kulay putting Van."
Medyo naalala ko yung self-publish kong kwento tungkol sa Truck na nangunguha nga ng mga bata. Panaginip ko ba may future forecasting?
"Ngunit kami talaga'y di nakatulog ng mawala ka?"
"Gaya nga po ng sinabi ko… agad din po akong nailigtas."
"Sino?"
"Ang asawa ko po ngayon." May pangiti sa labi ko na akalain mo noon, nag-assume lang ako na fiancei ko. Hehehe… tapos ngayon asawa ko at ama ng magiging anak ko. Paano nga ninyo Sena nagawa yung anak niyo. Ahem… Wag ano kukute, di kita tinatatnong. Tahimik?!
"May asawa ka na? At taga rito ba kung bakit naririto ka?"
"Medyo po… pero sadyang may bahay lang talaga siya dito. Yung anak po ni Tay Ismael."
"Anak ni Samuel? Hala.. ikaw ang nakabingwit sa kanya?"