@ International_Pen
((( SENA )))
Ano to… pati buhay s*x life niya may pa record na din kung bumagsak ba o tumaas… gaya ng ginagawang reports ng mga tauhan niya sa kompanya. Ang taong bang to namumuhay lang sa puro graphs?
"In case na may kailangan akong i-upgrade Sena."
Na-uupgrade pa ba yung ano niya? Eraseeeeeeeeeee! Hindi yun. Napangiti na din ako kay Sean. Ginigulo lang nito ang magandang takbo ng isipan ko ngayon eh. Pwes, di ako makakapayag.
Iniipit ko yung buhok ko sa tenga ko na pinapalipad ng hangin sa mukha ko. Medyo din pabebe, para maturuan ng leksyon si Sean. Sa dinaratnan ng kung ano si Sean.
"No need na Sean, fully satisfied na ako, since ikaw lang naman ang gagawa noon diba sa akin?"
Lalong lumaki yung ngiti ni Sean, hangang tenga yung abot ng ngiti niya.
"Still remember Sena na sinabi mo lang naman sa harapan ko na ikaw ang fiancei ko."