@International_Pen
((( SENA )))
Kung sigurado nga riyan si Leo… Errr… di wow. Since ten years from now, Twenty Five na si Elaine at Thirty three na din naman siya. Parang ako at Sean lang… pero six lang naman agwat namin ni Sean.
Mukha ni Sean diparin mukhang nakukumbinsi na may gusto nga si Leo kay Elaine. Syempre baka nga baling araw umuwing umiiyak na lang si Elaine… eh mas lalong mapapatay siya ni Sean.
"Wag kang gagawa muna ng kalokohan Leo, lalo na wala ka pang ububuga sa mundong to. I warn you. Get out!"
Ngunit masaya na napatango si Leo at may ngiti sa mukha niya ng lumabas ito sa silid namin, dala yung T-shirt na kagagawan lang ata ni Elaine yung pa selos mode na ito kay Sean. Nakahinga din sa wakas. Nang titigan ako ng nakakamatay ni Sean, at napangiti na lang ako with peace sign na pa-cute sa kanya. Cute ko no Sean?
"Bakit binabatukan mo na lang ako lagi!"
"Sa ang OA mo. Gusto mo pa ngayon?"