@International_Pen
((( SENA )))
Sean na manyak … naka three points kaagad. At parang baliw ngayon na tumatawa at napapalakpak. Mukha niya na parang nanalo ng kung ano. Gigil na niyakap niya ako.
Di ko talaga aakalain na may dugong Stephen Curry ang lalaking to… sa minsan lang siyang datnan ng kamanyakan niya… ang aactive ng mga binhi niya para makagawa ng… tatlong… biik?!.. at baka nga mga highblood na hipon.
O sadyang may sanib lang siya sa sakit niya… noon.
Paano yan, masaya ang Daddy niyo… tatlo kayo sa tiyan ko… kakayanin ba ni Mommy? Syempre naman! Fighting! Kakayanin! Kaya sinamahan ko na din ang kabaliwan ni Sean. Saka masaya ang buong paligid ko… at masaya akong makita na ganito kasaya si Sean.
Umakyat si Butler Nazi sa stage at binigyan kami ng wine glass para i-toss itong tagumpay ni Sean na feeling niya, siya ang dakilang MVP ng boung mundo ngayon. Napapailing na natatawa sa akin. Di pa maka-get over sa nalaman niya.