@International_Pen
Pangalawang araw ng Simbang gabi… wala na kaagad si Daddy, Baby… suko kaagad. Sabagay kung ano man yun na kailangan unahin niyang atupagin, sana man lang nagagawa niyang magpahinga. Kapag nakumpleto ko talaga tong Simbang Gabi, isa sa tatlo kong hihilingin, tungkol kay Sean… Alam kong ang bad ko kung hihilingin kong… wag na niyang pansinin ang problema sa paligid… na siyang marami ang nakikinabang kapag nasusulusyunan niya. Kaya ang hihilingin ko magkaroon siya ng maayos na kalusugan. Achievable naman yun diba? Fighting Sean, kukumpletuhin ko ang simbang gabing to para sa'yo. Diba Baby?