@International_Pen
((( LUIS )))
"Sasama ka ba sa amin Kuya luis?"
"Pagkatapos ng ginawa mo kay Sean, sa tingin mo ba sasama ako para ipahamak ko sarili ko."
"Haist… Yan kasi Kuya luis, laging kakambal ng takot, yung tinatawag nilang duwag. Sus, si Sean lang yun, Tao din… sadyang matanda lang sa akin."
"Oh well, mag-iingat na lang kayo sa kanya."
"Tss… Killjoy ayaw man lang kaming samahan mag-shopping ni Ate Sena, sabagay okey lang since solo ko yung mag-ina."
Good Elaine. May kailangan kasi akong paghandaan.
((( SEAN )))
Tssk! Bw*sit! Damn you Elaine!
Asar akong pumasok sa sasakyan na dumating bilang sundo sa amin. Bago ako pumasok binalaan ko si George na kapag nakita ko pa ang kawalang hiyaang ginawa ni Elaine sa Social Media, papatayin ko buong angkan niya. Wala akong paki-alam na nagkakasakit siya ngayon.