@International_Pen
In my hard times, I always find it difficult to understand God's love for me. But in the end, I realize how much He has loved me in all those times.
((( SENA )))
Napatayo na din si Luis ng marinig ang tunog na yun. Nakapaligid sa amin ang tauhan ng Madrid. Di ko namalayan… napahawak sa aking kamay ang batang si Elaine.
Di nga kalayuan, lumapag ang chopper na inaasahan ng kagaya ko.
"Luis." Yun na lamang ang nabangit ko… nagbabakasakali na…" please wag mong hahayaan na makuha niya ako. please lang, parang awa mo na."
Mata ni Elaine na di maintindihan kung bakit ako humihiling ng ganito kay Luis. Dalawang kamay niyang hinawakan ang kamay ko…
Napatango si Elaine kay Luis.
"Sena, she will be your protector now. Since hindi pa si Sean ang Elder ng pamilyang to, siya ang may control ng autoridad ng Madrid. Pamamalakad ng negosyo ang hawak ni Sean…"
Napatango sa akin si Elaine. Napakabata pa niya para…