@International_Pen
((( SENA )))
"Hi Sena!" Bati sa akin ni Chelsea.
Ngiti ang sinagot ko. Tama lang pala talaga ang suot ko ngayon… Light Blue, para di halatang may imiiyak sa kalooban ko.
"Hello." Sagot ko…
"Come In." masyang yaya ni Chelsea sa akin at napabitaw na kay Sean. Lumapit sa akin… Nang bumungad na din ang dalawang tao na nasa middle age nito. Magulang ata ng ahas na ito.
Baby meet your grandparents na.
Nang sumakit ang tiyan ko. Bigla akong napapikit. At napansin yun ni Chelsea…
"Are you okey?"
Pero si Sean… wala lang sa kanya.
Baby di oras ngayon na magkaroon ka ng trantrums. Kailangan natin magpakatatag.
"I'm fine."
"Oh Mom and Dad, meet Sena, Sean's wife." Pakilala sa akin ni Chelsea sa mga magulang niya.
"Let me correct it, ex-wife."
Nanlaki ang mata ni Chelsea… At ako… pakiramdam ko nahulog ako sa malalim na balon. Napatitig ako kay Sean. Inilayo niya ang paningin sa akin.