@International_Pen
((( SENA )))
"Magbibihis lang ako Butler Nazi… teka lang. Relaxs lang po."
Saka nga pumasok na ako sa wardrobe para magpalit ng damit na kung dati ang silid na ito… puno ng gamit namin ni Sean… ngayon… damit ko na lang ang siyang makikita mo. Nang makapagpalit ako… di talaga lumabas si Butler Nazi na di dala yung damit na hinihingi niya. Saan naman niya dadalhin? Na insecure ba si Sea sa akin? Baka nga…
"Anong gagawin niyo po riyan?." Bigay ko na lang…
"Eh… Miss Sena…" di na siya nakasagot dahil… bumukas yung pinto. Si Sean…
Naki-usap pa lang ako sa kanya… Anong ginagawa niya ngayon.
"Sige na po lumabas na kayo."
Saka tumalikod na ako.
"Tss…" yun ang narinig ko… at namalayan ko na lang… dumaan sa akin si Cecile… at lumabas sila ng silid.
"Ayaw mo ng maayos na usapan Sena."
Narinig kong sinarhan niya yung pinto… at nilock yun. Ako pa talaga itong di nakinig sa maayos naming pag-uusap kanina.