@ International_Pen
((( SENA )))
Kinabukasan, abala na yung mga tao. Si Sean, wala na naman sa tabi ko ng magising ako. Napabuntong hininga na lamang ako. Okey na naman ata ang lalaing yun. Napaunat ng kamay, habang naglalakad lakad sa labas. Naririnig ko na may tumatampisaw… at ayun sina Tolits at Tobby, tinuturuan kung paano lumangoy. Buti yan ng di sa akin magaya na nagtatapang-tapangan nga, wala naman ibubuga. Kaya baby Sean, gayahin mo Daddy mo na maraming alam, except tungkol sa Pregnancy Test.
Sa likuran ko si Jane at Cecile…
Nasanay na din ako na may mga matang nakamasid sa akin. Mabuti na lang talaga hindi na sa akin strikto masyado si Cecile. Naibubuhos kay Jane ang lahat ng yun.
Bukas… kasal na namin ni Sean.