@ International_Pen
((( SENA )))
Pero parang pinandilatan niya ako ng mata. Saka nga hinila na yung kamay ko. At kinaladkad na ako papunta sa sasakyan… Goodbye Star City, hangang sa muli.
"Sean…"
Pinagbuksan kami ng tauhan niya ng sasakyan… at titig ni Sean sa akin… pumasok na… na napalingon pa ako sa matanda na tinutulungan na ng mga tauhan niya. Humarang si Sean sa paningin ko… heto na papasok na.
Pagpasok ko… Agad naman akong sumiksik sa sulok. Sumunod siya at sinarhan yung pinto. Habang yung sasakyan na ipinark niya, doon sa labasan ang kukuha yung tauhan niya. Nang masara yung pinto… napahilot si Sean sa braso niya… Nang hablutin ko ito…
"Na injure ka…"
Di siya sumagot… hinilot ko na lang yung praso niya… tipong may hinihila. Hehehe, sorry di po ako magaling sa hilutan. Parang namilipit sa sakit si Sean, sa ginawa ko…