@International_Pen
((( JANINE )))
Nang may marinig kaming sirena ng Pulis…
Natigilan ang Elder sa kanyang paghakbang. Saka kalabog sa taas … kung nasaan si Aaron. Ingay ng kapit bahay namin na kanina tahimik ang buong bahay. Bumukas ang pinto… si Aaron, at pinailawan niya ang buong silid. Sa likuran niya yung mga pulis at ilan naming kapit-bahay na agad… nilapitan yung may hawak sa asawa ko. Napayakap sa akin ang asawa ko…
Ngunit… kalmadong nakapikit na nakatayo ang Elder saka tumawa.
" Wow…" Pumalakpak ito…
" Sir…" yung pulis… nakatutok dito ang mga baril nila, ngunit biglang ibinaba dahil… sa isang ngisi nito. At pumasok nga ang sekretarya niya. Kinausap ng masinsinan ang pinuno… saka nga … imbes na arestuhin yung Elder… ang nangyari… nagkagulo dahil isa-isa nila inaresto yung mga kapit bahay namin. Halos di rin makapaniwala si Aaron.
" Anong nangyayari dito, ako yung tumawag sa inyo."