@ International_Pen
((( JANINE )))
Pero ang mas ikinagulat ko… ng kumuha na nang itak si Limuel… na parang naamoy ang tension sa paligid namin… na kung kanina di niya alam ang gagawin ngayon…
" Hindi kayo aalis!"
Nang harangin na siya ng mga tauhan ng Elder… Nakatitig sa akin ang Elder…
" They will pay for this… tss…"
" Ano at may pagbabanta ka pa sa asawa ko!"
Tumalikod na ang Elder na may ngising aso sa kanyang labi. Tuluyan na nga silang umalis. Nanghina ang tuhod ko… ngayon… anong gagawin nila… napaupo ako sa mababang hagdan. Napasapo sa ulo ko.
" Mahal ko, ayus ka lang… wag ka mag-alala di ko naman talaga sila tatagain. Sadyang ito lang nakita kong malapit na maaring panakot sa kanila… kaysa naman sa walis tambo diba? Napatango na lamang ako.
" At ikaw bata ka! Ilang itlog ba ang sinayang mo! Wala kang agahan ng ilang araw sa ginawa mo! Nagtitipid na nga tayo-----."
Hinawakan ko kamay ni Limuel…