@ International_Pen
((( Sena )))
Ang iingaya ng mga bata...
Pero hindi yung klase na nagbabangayan...
Yung mga tawa nila na halos napapa echo sa loob ng bahay ampunan.
Tumutulong ako sa paghanda ng mesa kasama yung mga madre...
Nakaupo yung ilang bata... yung ilan naman nagsisitakbuhan pa.
Napaalalay si Luis sa matandang madre...
Di lang kasi bahay ampunan to... andito din mga matandang madre.
Habang si Sean... nakisama na doon sa mga batang nakaupo na... na kala mo katabi nila yung Daddy nila... na anytime sasawayin sila kapag kumilos sila at umalis sa upuan.
Napangiti ako bigla.
Nagpapaka bossy na naman.
Walang takas pati bata.
Bukas pa ang alis namin dito para pumunta kung saang Island ba kami dadalhin ng mga nag organize ng Family Retreat na ito. Kung sino man sila... haist, ang saya nito.
Ipinatong ko yung huling bowl ng sinigang sa harapan ni Sean.
" Do you think I'm going to eat that? Tsss.... get my phone sa kumuha noon sa akin. Magpapa deliver ako."