@ International_Pen
((( Sean )))
Hinahagod ko ang likuran ni Sena...
Naiiyak siya sa mga pinagsasabi niya sa Video...
" Isang linggo bago mo ko pina asa na isasama mo ako sa abroad at umalis ka nga... di ako kasama. Nagpadeliever ako ng sadamak-mak na Thermometer... Itinaas niya yung Bagay na yun... At itong bagay na ito na kala ko nga nabunyag mo na ang sekreto kong malupit! At ito din ang regalo kong pinaka malupit! Ahahahha... Opo, sorry na sa word kong "malupit." pinagdidilatan na naman kasi ako ng mata ni Cecile."
Patuloy sa pag iyak si Sena.
Hinalikan ko siya sa pisngi... at niyakap ng mahigpit.
Whatever happened andito lang ako sa tabi mo.
" Sean, makinig ka ng mabuti ha. Ito yung isa sa pinakamahirap bilhin ng isang dalaga, kasunod lang nung... ano nga yun Cecile? Ah Condom! Teka? Ano ba yun?"
Ako ang napangiti ng lihim.
" Oyyy, namula ang nanunuod nito. Ahehehe... wag mo ko pabibilhin ng ganoon Sean. Saka kahit di ka na noon gumamit. Ahehehehe..."