((( SEAN )))
"Aaron nakita ko yun." Pang-aasar sakin ng matanda.
Tss… bakit ba ako kumilos, di naman mamatay ang babaeng yun. Saka ano ba paki alam ko kung mamatay yun.
"Wag mo sakin sabihin na ililigtas mo yung Tuta na baka madaganan. Ahahaha." Patuloy niyang pang-aasar na ikinailing ko na lamang kay Hint.
Nakarating nga kami sa may tabing dagat. May mga inaahon na mga sariwang isda… at sa ganda nito…
" Lahat ng yan." Nagulat yung mangingisda…
"Hahaha. Oo mga kumpare, ilalako ata ng anak ko sa lugar namin." Pagsesegundo nang Matandang to.
Tss…
Siya naman ang magluluto. At napakasarap magluto nga nitong matandang to. Kahit… iniwan kami ng asawa niya. Tss…
Dala ni Hint ang ipinamili namin… Napakasariwa ng hangin ngayon. Napalingon ako sa mga maiingay nang grupo ng mga lalaki… nasa may tulay sila at tumatalon sa tubig dagat… Ngunit natigilan ako ng… This girl again.
"Kaya mo yan Miss. Di naman yan tatalon na Tuta mo… "
"Sigurado kayo na di yan malalim?"
"Mag didive ka lang… di yan malalim…"
((( SENA )))
Hmmmm… tumitingin ako sa mga lalaking to, tapos yung dalawang lalaki na naunang magdive may mga ngiti sa labi nila… na parang ang saya nga. Sa linaw pa naman ng Tubig dagat… Niyaya ako nitong tumalon.
"Hawakan mo. Wag mo itatapon sa tubig! Ikaw ang itatapon ko dun sa dulo!" sabay bigay ko sa Tuta sa engot na nag mamarketing sa akin na tumalon na daw ako. Okey! Experience man lang. Pero bago yun…
"Oy, dapat i-ahon niyo kaagad ako… Di ako marunong huminga sa ilalim ng tubig! Kaya kapag pinabayaan niyo ako, mumultuhin ko kayo isa-isa kapag nalunod ako!" Habang umaakyat ako sa railings ng Tulay.
"Bilisan mo na Miss! Tuturuan ka namin lumangoy."
Hehehe. Oo, di ako marunong lumangoy pero since na nagvolunteer sila na tuturuan ako… sige Game!
"Tabi! Ayan na akoooooo…."
Splashhhhhh….
((( SEAN )))
"Oy, dapat i-ahon niyo kaagad ako… Di ako marunong huminga sa ilalim ng tubig! Kaya kapag pinabayaan niyo ako, mumultuhin ko kayo isa-isa!"
Gagawin niya kahit di siya marunong! Nayiyibang na ba ang babaeng to!
At tumalon nga…
Ngunit di ko nagustuhan kasi nagsitawanan lamang ang mga kasama niya. At masama pa nag si- ahon…
Kaya di ko na namalayan… napatakbo na ako at tumalon din sa tulay na yun.
((( SENA )))
Papa ilalim ako sa tubig… at yung mga taong pinagkatiwalaan ko ng buhay ko… nakita kong lumayo sa akin… Hindi na ako makahinga… gusto kong humingi ng tulong… ngunit sa tubig na yun, impossible… pailalim ng pailalim kahit pilit kong sumisipa paitaas…
God, dito na lang ba ako? Mali, ba magtiwala sa mga tao? Papa God… gusto ko pa po mabuhay… Wag niyo naman ako agad kunin… Papa God, nagtiwala lang po ako…
Napapikit na ako… hudyat na tinatangap ko na nga… Sa huling mga oras ko… masaya naman ako… Masaya naman…
Nang may humila ng kamay ko ikinampay ako paibabaw ng tubig. Bigla akong napapulupot sa kanya… Baka kasi mahulog pa ako pailalim.
"Please lang wag, wag mo ako bitiwan…!" halos nangingiyak kong sabi…
"YOU'RE CRAZY! IDIOT!" at napatitig ako sa lalaking to…
Sumalubong sa titig ko ang mga mata niya halos napakatalim. Bibitaw sana ako, nang maramdaman ko ulit yung takot kanina, kaya napayakap ako sa kanya…
"Please…"
At para akong tarsier na nakapulupot sa kanya. Napaunko ako sa balikat niya na parang bata na kakaiyak pa lamang… Naiiyak talaga ako… at namalayan ko na lang umiyak na talaga ako sa balikat niya.
((( SEAN )))
Kahit naka ahon na kami… parang tanga parin na nakayakap sa akin ang mga binti niya nakapulupot sa bewang ko…
Narinig kong napahikbi ito… at palapit na sana yung matanda at si Hint ng umiling ako sa kanila kaya natigilan.
At ang lumapit sa amin, yung tutang kasama niya.
"You're safe." Bigla kong nabangit… para kumalma at maisipan na kumalas na sa akin. Kala mo kung sinong nagmamarunong…
"…" alis ko ng mga binti niya na nakapulupot sa bewang ko…
"Hey!"
Tss… ayaw parin.
"isa! Dala-…"
"Bakit ganyan ka… Alam mo bang kamuntik na akong mamatay!" nang umangat yung paningin niya at hinarap ako, habang nakahawak pa yung dalawa niyang kamay sa leeg ko at nakapulupot ang mga binti niya sa bewang ko.
Dearest Readers,
Thank you so much!
Here what makes me happy and inspired to finished the story!
Plase Rate the Chapters for 5 Stars!
Comment, what you desire for the outcome of the next chapter... opinions or anything you want to share.
Vote Power Stone, for Ranking purposes, that makes me really happy talaga! Thank You! Have a swag!
For your kindness...
Arigato!