((( Sena )))
Hala ang daming humahabol sakin. Ano ba sila kampon ng mga langgam. Sana man lang nainform ako para naka pang PE man lang ako… Ngumingiti na nga ang blackshoes ko… Kapit ka lang… Oh swelas my labs… Nay ko po…
Ako pala itong may atraso ngayong umaga... Akon a nga itong tumulong diba… Bakit sakin bumalik… Ahhhhh…
Grabe naman sila...
Pumasok ako sa mga iskinita..
Nakita kong agad nila akong nahahabol,
di ko man lang sila maligaw ligaw.
Ano naman ang magagawa ko sa kanila...
Huhuhu, kailangan ko pa grumaduate!
Andaming gagawin ngayon sa School!
May exam kami!
late na nga!
Hinahabol pa.
Parang magnanakaw naman ako nito… Haist… Kinuha ko yung Blackshoes ko at nakapaa na lang ako tumakbo… Wala akong pambiling Blackshoes!
Studyante lang ako please!
Dahil di ko sila maligawligaw at pandesal lang ang kinain ko kanina, nanghihina na ako at determination na lamang ang nagpapalakas sa akin. Masakit na ang tuhod ko sa kakatakbo. Buti nga di ko sinuot yung required na black shoes na dapat 3 inch. At wow, wala akong Black Shoes na 3 inch.
Nakita ko may pulubing nakaupo sa tabi at may banig.
Habang wala pa sa paningin ko ang mga humahabol.
"Nay, pinupuyat ako, pwede bang makitulog muna."
Sa gulat yung pulubi, walang atubili na humiga ako at tinakip ang kumot na... ewan! Basta kailangan ko magtago. Huhuhu, Nay bakit ang baho…
Narinig ko ang mga yapak ng mga humahabol sakin.
Huhuhu... anong klase ba sila talaga. Parang Princippi naman ang nabiktima ng ID ko. Wala na ba silang magawa na maaring pagbuntungan ng oras nila.
Labing limang minuto ko tinitiis ang amoy ng kumot... Huhuhu, parang natapon dito yung lansa ng isda. Hangang sa di ko na nakayanan. Napabalikwas na ako ng bangon… Whoooo… I need fresh air.
"Isang daan ang renta dyan." sabi ni Manang.
"po?"
"Natulog ka ng ilang minuto, isang daan."
Ano! Ahahaha... pati pala pulubi nirerenta ang pwesto nila. Ahahaha. Yayaman ang Pilipinas kapag ganito tayo.
"Manang singko pesos lang ang extra ko. Balikan na lang kita."
Saka nilahad ko sa kanya yung limang piso. Halos di makapagsalita si Manang…
Tumakbo na ulit ako pabalik… Ay mali, wag ka babalik, dito na lang sa Long Cut… baka kasi may makasalubong akong isa… Patay, wala na akong singko pesos dito… pamasahe na lang.
Naglakad na nga ako sa longcut na iskinita na papunta sa school namin. Pero sa totoo lang bakit ang baho dito… At naatim nila tumira dito.
Pero patuloy parin akong tumitingin muna bago maglakad. Late na talaga ako. May mga nag-iinuman ki aga-aga… Nagsisitaasan ang mga bakod… at mga asong parang walang tigil sa kakatahol… ako napapagod sa kanila. Napapatitig sila sa akin, ngunit alam naman nila na dumadaan ako dito. Nakakapagtaka lang kasi ang tataas ng bakod…
Nang mahawakan ko yung ID ko.Yehey! So ngayon nakuha ko na yung ID ko... Wala na silang ebidensya laban sa akin. At di na nila ako matitrace. Nyahahaha. Ganda ko pa naman sa ID na ito.
Puri ko na, nung di ko hawak, grabe ang pag-alala ko sa kapangitan.
Please Review for now New Updates!
Thank You!
Have a great day everyone!